Katamtaman lang ang kanyang ininom kasama si Mr. Ching, kaya naman nagawa pa niyang makapag-drive pauwi ng kanyang flat. Agad niyang tinanggal ang kanyang sapatos pagkatapos ay isinunod ang damit saka dumiretso sa shower room. Nang bumuhos ang malamig na tubig mula sa itaas ay otomatikong napapikit siya at itiningala ang mukha. Nakaramdam siya ng kaginhawaan habang patuloy na umagos ang tubig mula sa kanyang mukha papunta sa liig hanggang sa kanyang mamasel-masel na dibdib. Having her eyes closed, an image of Mae suddenly appeared in her vision. Hindi lang iyon simpleng imahe. Nakakagat-labi ito at nakapikit. Iyon ang mismong sandali na pareho na silang nalulunod sa daluyong ng sarap nang gabing iyon ng kanilang pagtatalik. Tila naririnig niya ulit ang pag-ungol nito sa bawat ibayo ng