Napatuwid ito ng upo. “W-what? You mean Mae Ramos? Oh, no. You must be kidding me, Pare!” Tumango siya. “Siya nga at wala ng iba.” Napangisi ito nang wagas. “Whoa! That’s absolutely interesting and thrilling, you know?” Napangiwi siya sa reaksiyon nito. “At paano naman naging interesting at thrilling iyon?” “The heck, Pare! Don’t you know about the saying, ‘Love is sweeter in the second time around’?” He laughed sarcastically. “Sounds bullshit!” “Grabe ka naman maka-bullshit. Ang sweet n’yo kaya noon! Ang haba pa nga ng listahan niyo ng mga pangarap, eh.” Tila aliw na aliw pa ito sa panunudyo sa kan’ya. “Noon!” binigyang diin niya ang pagkabigkas sa salitang iyon. “Noong hindi ko pa alam ang kalokohang pinaggagawa niya sa akin. To hell with that woman.” Sa inis