IN FAIRNESS sa amin ni Martin, nagawa namin huwag sunggaban ang isa’t isa habang nasa loob kami ng kotse niya at bumibiyahe papunta sa hotel kung saan kami nagpunta dati. Proud ako sa sarili ko na nagawa kong mag behave habang nakaupo sa passenger’s seat ng kotse niya kahit ang mga kamay ko, nangangati nang haplusin ang katawan niya. Siya naman sobrang higpit ang hawak sa manibela. At sa tuwing nagkakatinginan kami, nararamdaman ko ang matinding s****l energy sa pagitan namin. Pero may limitasyon din ang pagtitimpi namin pareho. Kasi pagdating namin sa labas ng pinto ng hotel room, hindi pa man namin nabubuksan ‘yon nagkatinginan na kami. Sa isang iglap sabay naming tinawid ang pagitan ng mga katawan namin. Pinaikot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang siya naman yumakap s