“GRACE, okay ka lang ba?” Kumurap ako at nilingon si Angel nang marinig ko ang concern sa tono niya. “Okay naman ako. Bakit?” Kumunot ang noo niya at tumabi sa akin sa sofa. “Sa nakaraang dalawang araw halos hindi tumitigil sa pagtunog ang cellphone mo pero hindi mo sinasagot ang tumatawag sa’yo. Ni hindi mo tinitingnan ang messages na pinapadala sa’yo. Nakatulala ka lang. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Ano pang silbi ko bilang bestfriend mo kung hindi mo ako masasabihan ng mga sikreto?” Tinitigan ko ang mukha ni Angel. Habang lumilipas ang araw napansin ko na lalo siyang gumaganda. Her beauty is shining from inside her skin and her eyes are full of life, happiness and… love. Nagkabalikan na kasi siya at si Jack Lopez at mukhang this time, hindi na matitibag pa ang relas