Bully

1824 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m  fb: Michael Juha Full ---------------------------------- "Lalaban ka!? Ha?! Magsusumbong ka?! Kanino ka magsumbong?! Ha? Ha??? Kung magaling ka sa klase, kung sikat ka sa klase, sa labas ng klase, kami ang sikat!!! Huwag kang magmayabang, tarantado! Huwag mong ipangalandrakang magaling ka dahil nakakapag-init ka ng dugo! Tangina mo!!!" ang sigaw ni Carlo habang nakatihaya na ako sa damuhan at patuloy niyang tinatadyakan ang aking tagiliran. Natisod kasi ako at natumba gawa nang pagharang ng paa sa aking daanan sa isa sa mga barkada niya. Nagkalat ang aking mga libro at gamit sa lupa habang nagtatawanan ang kanyang mga barkadang nakapaligid sa akin. May ilang estudyanteng nakakita sa ginawa nila. Ngunit wala rin silang maitutulong dahil notorious ang grupo ni Carlo sa pagiging pasaway sa eskuwelahan. At wala akong laban. Nag-iisa lang ako. Ayaw ko ng g**o. Wala akong nagawa kundi ang hintayin na tantanan nila ako. Nang huminto na sila at umalis, saka ako tumayo, pinulot ang aking mga gamit, pinagpag ang dumi na dumikit sa puti kong unipormeng polo shirt na parang wala lang nangyari, itinuloy ang paglalakad. Ganyan si Carlo. Isang bully. At isa iyan sa mga eksena ng kanyang pambubully sa akin. At siguro nga, totoo ang sinasabi nila na kaya raw tumatapang ang mga bully ay dahil ang mga binu-bully ay hindi lumalaban. At totoo sa akin iyan. Mas ayaw ko kasing dadami ang bugbog sa aking katawan dahil kung gaganti ako, lalo pa nila akong pagdiskitahan at hindi lulubayan hanggang sa tuluyang masira ang aking pag-aaral. Kung mangyari iyan, ako pa rin ang talo sa bandang huli. Iyan ang pag-iisip ko. Iba't-ibang paraan ang kanilang pambu-bully. Mayroong habang mag-uumpukan silang magkabarkada at dadaan ako, magsilingunan sila at magtawanan. Mayroon ding itatago nila ang aking mga notebooks at gamit, mayroong paalisin nila ako sa aking upuan. At ang isa sa ayaw na ayaw ko ay ang sisigawan nila ako ng "Bakla!" Naiinis pa naman ako kapag tinatawag na ganoon. Ayaw kong maging bakla. Nakikita ko sila sa klase na pinagtatawanan, kinukutya, mababa ang pagtingin at respeto ng mga tao sa kanila. Ayaw kong maging kagaya nila. Sa isip ko, hindi ako maaaring maging bakla. Walang baklang tunay na minahal ng isang lalaki. Minsan, may isang beses na maulan-ulan, nagmadali akong maglakad patungo sa eskuwelahan dahil may pagsusulit. Nasa ganoon akong pagmamadali nang mula sa aking likuran ay sumulpot si Carlo, naka-motorsiklo at pinituhan ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinituhan gayong nasa gilid naman ako ng kalsada. Kaya lalo pa akong pumuwesto sa tabi. Ngunit nagulat na lang ako nang dinumbol pa rin ako ng kanyang motor. Tumilapon ako sa kanal. Nabasa ang aking uniporme at mga libro. Dinig ko ang malakas na tawanan nila ng kaibigan niyang nakaangkas sa kanyang likuran habang papalyo ang kanilang motorsiklo. Gusto kong magalit at sigawan sila. Ngunit tinimpi ko na lang ang aking sarili, isiniksik sa aking isip na naroon ako para mag-aral, upang para makatapos, hindi upang maghanap ng g**o. Tumayo ako na tila wala lang nangyari. Pinagpag ko ang mga dumi na dumikit sa aking uniporme at itinuloy ang paglalakad patungo sa eskuwelahan. Hanggang sa mapadaan ako sa isang gripo at dali-daling nilinis ang bahagi ng aking unipormeng nadikitan ng putik. Nang nasa pintuan na ako ng silid-aralan at nilingon ako ng aking mga ka-klase, pumutok ang malakas na tawanan na pinangunahan ng mga barkada ni Carlo. Pinayuhan ako ng aking propesor na umuwi na lang muna at magbihis. Ngunit nagpumilit akong kumuha ng test. Mahalaga kasi ang pagsusulit na iyon kung kaya ay ayaw kong ligdaan. Takot akong mawalan ng scholarship. "What happened? Why are you soaking wet?!" ang tanong sa akin ng professor. Hindi ako kaagad nakaimik. Nilingon ko si Carlo na tumingin din sa akin, ang mga mata ay may pagbabanta. "I was in a hurry and I slipped... I fell into the gutter." Ang sagot ko na lang. Ang pinakamatinding ginawang pambubully ng grupo nina Carlo sa akin ay nang maabutan ko sila ng kanyang mga barkada sa likod ng main building na nagkakantyawan. At halata sa boses at kilos nila na nakainum sila. Kinabahan ako sa pagkakita ko sa kanila roon. Wala pa namang katao-tao. Kaya naisipan kong bumalik. Ngunit nakita pala ako ni Carlo. Hinabol niya ako at nang maabutan ay kinuwelyuhan atsaka kinaladkad patungo sa may talahiban. Doon, itinulak niya ako at nang natumba, pinagtatdyakan. Nagtatawanan sila habang patuloy akong tinatadyakan ni Carlo. Maya-maya, hinablot ni Carlo ang aking suot na polo at pilit itong tinanggal sa aking katawan. Nagkapunit-punit ito. Umiyak na ako at nagmakaawa na huwag punitin ang aking nag-iisang uniporme. Ngunit mas lalo pang ginanahan si Carlo sa kanyang paghahablot sa aking polo. At sumali na rin ang kanyang mga barkada sa kabila ng aking pagsusumamo ko. Pinagtulungan nilang pagpupunit-punitin ang aking damit. Nang tuluyan na itong natanggal sa aking katawan, pinatayo nila ako at itinali ang aking mga kamay sa aking likod. Nang matalian na, pinagsusuntok naman nila ang aking tiyan at mukha. Nagmamakaawa akong tigilan na nila ang p*******t sa akin. Halos hindi ko na kasi makaya ang sakit. Ramdam kong dumugo na ang aking ilong at bibig sa kasusuntok nila. Ngunit tila hindi nila narinig ang aking pagmamakaawa. Maya-maya, inutusan ni Carlo ang isang kasama niya na hubarin ang aking pantalon at brief. Nang matanggal ito, pumutok na naman ang malakas nilang tawanan habang nakatingin sila sa akin na walang saplot. "Tangina! May bulbol din pala iyan 'tol!" ang pagbibiro ng isa. "Akala ko nga supot pa eh!" ang sagot naman ng isa. Nasa ganoon silang pagbibiruan nang biglang dinukot ni Carlo sa kanyang bulsa ang kanyang lighter. Dinampot niya ang aking pantalon at brief, sinindihan ang mga ito, at inihagis sa gitna ng talahib. "Huwaaaaaaagggggg!" ang sigaw ko. Tawanan uli silang lahat. Ngunit doon na ako mas lalo pang natakot nang nagbubulungan sila at pagkatapos ay nagtawanan, ang mga mukha ay tila sinaniban ng demonyo. Nakita kong nagsitanggalan sila ng kanilang mga sinturon at ang isa ay lumapit sa akin at pinatalikod ako. "Tuwad! At huwag kang papalag upang hindi ka mabalian ng buto! Ngayon mo maranasan ang sarap nang tirahin sa tumbong!" Dinig na dinig ko ang kanilang pagtatawanan. Dinig ko rin ang ingay ng halos sabay-sabay na pagbukas nila ng kanilang mga zipper. Naramdaman ko na ang paghawak ng isang kasama nila sa aking beywang at ang pilit na pagdidiin niya ng kanyang p*********i sa aking likuran. Napakagat ako sa aking labi. Naramdaman ko na kasi ang sakit nang pilit niyang inulos ang kanyang gitnang-katawan sa aking likuran at tila pumasok na ang ulo ng kanyang p*********i rito. "Maawa naman kayo please!!!" ang sigaw ko. "Kapag nasarapan ka na magmakaawa ka nang huwag na naming ihinto ang pagtira sa iyo, bakla! Hintayin mo ang sarap! Huwag kang gumalaw tangina!!!" ang sambit ng isang nasa aking likuran. Wala na akong nagawa kundi ang ihanda ang aking isip na ganoon na talaga ang mangyari sa akin. Subalit bago nila maisakatuparan ang lahat, may narinig akong malakas na sigaw. "May sunog! May sunoggggg!" boses ng isang babae, halatang takot na takot. Biglang nahinto at natahimik silang magbarkada. Nang nilingon ko ang talahiban, nakita ko ang apoy na kumalat na mula sa aking nasunog na pantalon. Ito ang nagbuga ng makakapal na usok na maaaring nakita ng babaeng sumigaw. May malaking generator kasi ang eskuwelahan sa dulo ng talahib. Kung maaabot ito ng apoy, delikadong sumabog at madamay ang katabing building. Dali-daling nagsitakbuhan ang grupo ni Carlo. Ngunit dahil sa pagtali nila sa aking mga kamay, dagdagan pa sa panginginig ng h***d at bugbog kong katawan sa sobrang takot, humiga na lang ako sa lupa, hindi na magawa pang tumakbo. Nang naapula na ng fire-fighting team ang apoy, doon na nila ako nakitang nag-iiyak, nakahandusay sa lupa. Dinala nila ako sa clinic at ginamot. Mabuti na lang at naawa sa akin ang isang professor, siya na ang naghanap ng paraan upang may maisuot ako pauwi. Nang malaman niyang ang nag-iisa kong uniporme ay sinunog, siya na rin ang nagbigay sa akin ng pambili. Inimbistigahan naman ang nangyari sa akin. Ngunit nang tinanong ako kung sino ang mga gumawa sa akin noon, ang isinagot ko na lang ay hindi ko sila kilala. Halos hindi maaawat si Carlo sa kanyang kasamaan. Ngunit tiniis ko ang lahat. Sa isip ko, hanggang kaya ko pang pahabain ang aking pasensya at pagtitiis, gagawin ko. Para sa kinabukasan ko, para sa aking inay... Mayaman ang pamilya ni Carlo, kabaligtaran sa kalagayan namin. Nakatira na nga lamang kami sa isang barong-barong, wala pang sariling koryente, naki-kabit lamang sa kapitbahay kung saan ay doon na rin naki-igib ng tubig. Matagal na kasing namatay ang aking itay at ang hanapbuhay lamang ng aking inay ay ang paglalako ng kakanin. Siguro nga, kung hindi lang ako scholar, baka hindi na rin ako nakapag-aral. Sabi ng aking inay, ang pagtapos ko ng pag-aaral ang siyang tanging pag-asa namin upang umangat ang kalagayan ng aming buhay. Iyan lang daw ang nag-iisang pangarap niya para sa akin. Kaya kahit podpod ang nag-iisang sapatos, hirap na hirap sa araw-araw na pangangailangan, hindi ko ito alintana. Sa unang araw pa lang ng kanilang paglipat sa lugar namin, napansin ko na si Carlo. Nakaupo ako noon sa isang bangko sa bukana ng aming bahay, nagbabasa ng aklat nang dumating ang kanilang itim na van at huminto sa harap ng malaking bahay na alam kong kasalukuyang ibinibenta. Magarang-magara ang kanilang sasakyanan. Sa porma pa lamang nito, hindi mo maipagkailang may kaya sila sa buhay. Lumabas ang kanyang mga magulang sa sasakyan at inusisang maigi ang kabuuan ng nasabing bahay. Umikot din sila sa gilid kung saan naroon ang swimming pool at sa likuran nito kung saan naroon ang mga taniman ng orchids. Ang pader kasi ng malaking bahay ay yari lamang sa decorative grills kung kaya ay may bahagi na nakikita ang tao sa looban. Sa isip ko, isa sila sa mga interesadong bibili. Maya-maya lang, lumabas si Carlo. Nakasuot siya ng asul na t-shirt at puting pantalon na may itim na sinturon. Asul at puti naman ang kulay ng kanyang sapatos. Naka-shades siya at sa porma at tindig, mapagkamalan mo siyang isang artista. Guwapo, matangkad, maputi at makinis ang balat. Ngunit ang naka-agaw pansin sa akin ay ang kanyang pagbubulyaw sa kanyang mga magulang na parang nagrereklamo, nakikipag-argumento kung bakit sila lumipat, ang layo-layo raw nito sa malaking syudad... Dinig na dinig ko ang kanyang paghihimutok. Ngunit hindi siya pinansin ng kanyang mga magulang. Doon ko napagtanto na nabili na pala ang bahay na iyon. At sila ang nakabili noon. Nasa ganoon akong pagu-usyuso nang bigla siyang napalingon sa aking kinaroroonan. Nahinto siya sa pagsisigaw na tila nahiya na may nakikinig pala sa kanyang pagmamaktol. Nabigla rin ako sa pagpansin niya sa akin. Ang ginawa ko na lang ay ang yumuko, ibinaling ang mga mata sa nakabuklat pa ring aklat na hawak-hawak ko, nagkunwaring walang nakita o narinig. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD