Ikabubuti, o Ikaliligaya?

1412 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Matagal-tagal ko siyang tinitigan, inukit sa aking isip ang mga maliliit na detalye ng kanyang mukha. At lalo pa akong humanga sa taglay niyang kakisigan. Makapal ang kanyang wavy na buhok, makapal din ang kanyang mga kilay, ang kanyang mga pilik-mata ay mahahaba. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong, at ang mga mapupulang labi ay tila nanunukso. Napaka-inosente niyang tingnan sa kanyang pormang natutulog. Hindi mo akalaing ang isang katulad niya ay isang dating bayolenteng tao. Dahan-dahan kong inabot ang aking palad upang haplusin sana ang kanyang mukha. Ngunit nang dumampi ang aking balat dito, bigla siyang umungol at tumagilid patalikod sa akin. Hindi ko lubos maipaliwanang ang tindi ng kalampag sa aking dibdib. Iyon bang feeling excited na ganyan siya kalapit at kung gugustuhin ko ay puwede kong gawin sa kanya ang lahat na gusto ko. Ngunit may pag-aalangan pa rin ang isip ko. May takot na kapag ginawa ko ang bagay na iyon, baka iyon na rin ang ikasisira ng aming pagkakaibigan. Pabaling-baling ako sa higaan. Tatalikod sa kanya, tatagilid paharap sa kanya, titihaya... Bagamat lasing ako, hindi ko magawang makatulog. Ang naglalaro sa aking isip ay ang pagnanais na mayakap siya, mahalikan, matikman. Maya-maya, naramdaman ko ang pagdantay ng kanyang binti sa aking hita at ang kanyang braso sa aking dibdib habang ako ay nakatihaya. Nilingon ko siya. Nakatagilid paharap sa akin at nakapikit ang mga mata. Ngunit ang pagdantay ng kanyang braso sa aking dibdib ay ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin upang ipatong rin ang aking braso sa kanyang katawan. Dahan-dahan. Hindi siya gumalaw. Ang sunod kong ginawa ay ang maingat na pagtagilid paharap sa kanya. At habang nasa ganoon akong posisyon, dahan-dahan ko ring iniusog ang aking sarili upang magdikit ang aming mga mukha. Ingat na ingat, isang mahinang paggalaw palapit sa kanya bawat ilang minuto. Nakakabagot kung tutuusin. Ngunit habang palapit nang palapit ang pagdikit ng aming mga pisngi at hindi siya gumagalaw sa bawat mahinang pag-angat ko sa aking katawan, lalo itong nagpalakas sa aking loob. Hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ko sa mga labi niya. Sa punotng iyon na ako huminto. Tila nasa suspended animation ako. Ang lahat ay hindi gumalaw maliban na lamang sa malakas na kalampag ng aking dibdib. Siguro ay may 15 minuto ako sa ganoong posisyon. Nakatagilid kaming pareho paharap sa isa't-isa at nagpang-abot ang aming mga labi. Naririnig ko pa ang ingay ng bawat paglabas-masok ng hangin sa kanyang bibig at ilong. Dumampi ang mga ito sa aking mukha at naaamoy ko ang samyo ng alak sa kanyang hininga. Inilapit ko pa uli nang kaunti ang aking mukha sa mukha niya. At dito, dahan-dahang ipinalabas ko ang aking dila at maingat na ipinasok ito sa kanyang bibig. Hindi pa rin siya gumalaw. Nabasa ng aking laway ang kanyang mga labi at nakapasok nang bahagya ang aking dila sa gitna ng guwang ng kanyang mga ngipin dahil bahagyang nakabuka ang kanyang bibig. Nalasahan ko ang tamis ng kanyang laway. Nakikiliti ako sa aking ginagawa. May kakaibang init ang gumapang sa aking katawan na noon ko lang naranasan. Nang hindi ko na matiis ang sarili, hinagip na ng aking bibig ang kanyang mga labi. Maingat pa rin ako sa ginagawa kong iyon. Ninamnam ang sarap ng paglalaro ng mga labi ko sa mga labi niya. Nasa ganoon akong pagsisipsip sa kanyang mga labi nang biglang umungol siya at gumalaw. Hininto ko ang aking ginagawa. Nahinto rin siya sa paggalaw bagamat hindi nagbago ang kanyang puwesto. Matinding kaba ang aking naramdaman. Pinakiramdaman ko kung gagalaw uli siya. Ngunit tila hindi niya alam ang nangyari. Natahimik siyang muli. Muling lumakas ang aking loob at ipinagpatuloy ang aking paghahalik sa kanya. At doon na ako naturete nang bigla kong naramdaman na nakilaro na rin ang mga labi at dila ni Carlo sa aking mga labi! At sa eksenang iyon, hindi ko na napigilan ang aking sarili. Niyakap ko siya. Niyakap rin niya ako. At doon, binigyang-laya ko ang aking naramdamang pagnanasa sa kanya. Sa gabing iyon nangyari ang kauna-unahang karanasan ko sa pakikipagtalik. Isang kapwa lalaki ang nakamulat sa akin sa s*x. Maaga akong nagising kinabukasan. May tuwa sa puso ngunit may sundot sa aking konsyensya. Iyong takot na baka sa nangyari, iyon na ang simula ng pagbabago ng lahat sa amin ni Carlo. Ngunit ganoon pa rin ang pakikitungo ni Carlo sa akin. Tila walang epekto sa kanya ang lahat. Iyon nga lang, hindi namin pinag-uusapan ito. Ngunit ganoon pa man, may tuwa pa rin akong nadarama. Parang feeling ko ay may pagtingin din siya sa akin na itinatago-tago lang. Sa kawalan niya ng reaksyon sa nangyari sa amin, nakadama ako ng pag-asa. Lumipas ang isang linggo, hinikayat ako ni Carlo na magpunta sa isang Chinese temple. Narinig ko na ang lugar na iyon at matagal ko na ring pinangarap na makapunta roon. Dinadayo kasi ang lugar dahil karamihan daw sa mga hula ay nagkatotoo. Bago raw kasi isusulat sa papel ng tagahula ang kanyang hula, nakakakita siya ng vision ng taong pipili sa stick na may hula. Kaya ang mga hula at payo raw na isinulat niya ay talagang nakalaan para sa mismong taong nakatadhanang makakuha ng mga ito. Nang nasa temple na kami at natapos ang mga ritwal, pumili na kami ng hula. Binasa ko ang sa akin. "Haharapin mo ang maraming pagsubok sa buhay ngunit manatili kang matatag. May lihim na mabubuyag. Masalimuot ang pag-ibig. May dalawang bagay kang pagpipilian: ikabubuti, o ikaliligaya." "Waahh! Ang lalim ng sa iyo!" ang sambit ni Carlo nang binasa rin niya ito. "May lihim na mabubuyag? ano kaya iyon?" "Eh, lihim nga eh!" ang supalpal ko naman. Naisip ko kasi na baka iyon na iyong aking naramdaman para sa kanya. "E... iyong pagpipilian mo kung ano ang ikabubuti o ikaliligaya. Hmmm..." hinagod-hagod ni Carlo ang goatee niya. "Di ba pareho lang iyon?" Dagdag pa niya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon." "Lalim mo Toy!" sabay tawa. "Pero ikaw, ano ang pipiliin mo?" "Syempre ang ikaliligaya ko! Pero kanya-kanya kasing sitwasyon iyan eh." Ang sagot ko na lang. "Ikaw? Kung papipiliin ka, ano ang pipiliin mo?" dugtong ko. "Ang ikaliligaya rin, syempre. Pero pipilitin ko pa ring gumawa ng mabuti..." "Toy, hindi lahat na nakakapagdulot ng ligaya ay nakabubuti. Hindi rin lahat ng nakabubuti ay nakakapagdulot ng saya." "Kagaya ng?" tanong niya. "Halimbawa, kapag ang lahat ng oras mo ay igugugol mo sa barkada, pag-iinum, pagdo-droga. Masaya ka nga pero nakabubuti ba?" "Ah... diyan, hindi na ako magbabarkada at lalo nang hindi magdo-droga." "Masaya ka ba kung puro aral na lang ang atupagin mo?" ang tanong ko uli. "Diyan, pipilitin ko na lang na maging masaya." "Ah ang pinili mo ay ang ikabubuti... pinili mong magsakripisyo para sa ikabubuti." "Kailangan ba talagang may isakripisyo para sa ikabubuti? "May mga pagkakataon na kailangan..." Tahimik. "Bakit ba kailangan nating mamimili sa buhay?" "Ewan ko... Siguro upang mas masaya ang buhay. Kasi kung wala kang pagpipilian, parang ang boring. Kagaya nang manood ka ng palabas sa sine o TV. Isa lang? Tapos, ang hitsura at ugali ng mga kaibigan mo ay iisa lang. Gusto mo iyon?" Natawa naman siya. Ngunit nagtanong uli. "Bakit may mga bagay na napunta sa atin ngunit hindi naman natin pinili?" "Halimbawa ano?" "Dimples ko. Di ko naman pinili ito" sabay ngiti at turo sa kanyang dimples. "Yabang!" "Gaya ng pangalan ko, di naman ako ang pumili niyan" "Ganda kaya ng Carlo na pangalan" "Ikaw nagustuhan mo pero ako hindi. Palit na lang kaya tayo?" "Tado." "Atsaka, bakit may mga bagay na gusto mo, pero hindi naman puwedeng maging sa iyo?" "Gaya ng?" "Gaya ng pagiging matalino, tulad mo." "Hirap kaya noon. Lahat ng gusto mo ay makukuha mo? E di magkagulo ang mundo. Kasi, lahat na gusto ng tao ay nakukuha. Paano kung kulang ang supply para sa gusto ng lahat? Limitado kaya ang supply ng kapogian" sabay pose papogi. "Limitado rin ang supply ng katalinuhan" turo ko sa ulo ko. "Yabang!" Sambit rin niya. "Pikon!" At iyon, naghahabulan na kami. "Patingin na nga lang ng nabunot mo?" ang tanong ko naman nang nahimasmasan na kami sa paghaharutan. Iniabot niya sa akin ang nahugot niya. Binasa ko ito. "Huwag magpaka-kampante sa nakamit na magandang samahan ng pamilya. Kung naging maayos ito ngayon, maaaring gumulo ito at mapariwara ang iyong buhay. Sa larangan ng pag-ibig, may isang tao kang minahal na lihim na nagmahal din sa iyo." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD