"ARE you out of your mind, Drake Spencer?!" dumagundong ang boses ni Don Diego dahil sa galit.
Ibinato nito ang mga diyaryong puro ang headlines ay ang tungkol sa babaeng lumabas mula sa Mansiyon two days ago. Hindi naman makaimik si Spencer, ginawa na niya ang lahat para maharangan ang pagkalat ng balita. Subalit hindi niya inaasahang may nag- video pala at naging trending na sa sosyal media ang lahat.
"Did you ever saw the news online huh? Did you know that this news will use the enemy to take you down, idiot!" galit pa rin ang Don.
"Dad, I didn't expect na may mga reporters sa labas ng bahay. Saka, dinala ko lang naman ang babaeng iyon para magpalipas ng gabi rito." Pagpapaliwanag ni Spencer.
Isang malakas na batok ang natikman ni Spencer mula sa Don.
"Akala mo ipinanganak lang ako kahapon ha? Nag- warning na ako sa inyo ni Dion hindi ba? Anong ini- expect mong buhay ha? You are the son of the billionaire natural na minitored ang mga kilos mo pati mga galaw!" singhal ng Don.
Maya- maya pa'y may kumatok. Sumenyas ang Don na buksan ang pinto. Mula sa labas ng pinto ay bumulaga ang mukha ni Butler Toni. Yumuko ito at binati ang mag- ama.
"Ano ang sadya mo Toni? Nagawa mo na ba ang inutos ko sa'yo?" tanong ng Don.
"Opo! Narito na nga pala ang lahat!' tugon ni Toni sabay abot sa brown envelop.
"Teka! Ako ang nagbilin sa'yo ah!" reklamo ni Spencer nang tila mahimigan nito ang ibinigay sa Don.
"Paumanhin, Senyorito pero ang ama pa rin po ninyo ang aking amo." Hinging- paumanhin ni Toni.
Nagngingitngit naman ang kalooban ni Spencer. Wala na itong nagawa pa kundi irapan na lamang ang butler. Pagakakita ni Don Diego sa mga larawan at ang profile information ng babaeng dinala ni Spencer ay nanginig ang mga kamay nito sa galit. Marahas niyang tiningnan si Spencer saka pinaghahampas nito ng mga papel na hawak. Todo ilag naman si Spencer dahil hindi niya alam ang dahilan.
"Dad! Teka, bakit ba?" wika ng binata habang umiilag pa rin.
"Papatayin mo talaga ako sa galit! Tingnan mo! Tingnan mo ang gulong ginawa mo!" singhal ng matanda sabay hagis sa mga papel kay Spencer. Isa- isa namang pinulot iyon ni Spencer at tiningnan. Maging siya ay nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang profile information ni Sweet na nakilala niya. Nakasaad doon na Strawberry Lychee Mendoza, 18 years old college student at Manlapaz University taking up BSED course major in Mapeh. Parang gustong masuka ni Spencer, ang babaeng kinaulayaw niya ng isang gabi ay napakabata pa. Kumpara sa kanya na thirty years old na ang edad.
"I can deal with those women na dinala mo rito dahil alam kong pera lang ang habol nila sa'yo. But this girl, a very young girl! My God, Spencer you two are viral on the internet! How can I deal with her?" mariing wika ni Don Diego.
"Dad, kasalanan ko ba kung ginusto rin niya? Saka, iniligtas ko lang naman siya sa kamay ni Austin kaya ko siya nadala rito! Believe me Dad!" sagot ni Spencer.
Napangisi ang Don sabay hampas kay Spencer. Napangiwi ang binata dahil mabigat ang kamay ng Don.
"Idiot! I'm sure this girl is innocent! Nakasaad diyan kung ilang part time job ang pinagtatrabahuhan niya for her living. Ulilang lubos, walang bisyo ni hindi party goers! I'm pretty sure nasama siya sa mga friends niyang socialite!"
"But, Dad! Hindi ko naman sinasadyang galawin siya! Ang intensyon ko lang talaga ay patulugin siya rito just one night. Dahil hindi ko alam kung saansiya nakatira, nagpapahatid siya but she was drunk! Hindi ko siya magising- gising kaya dinala ko na siya rito!" paliwanag ng binata.
Hindi umimik si Don Diego at nanatiling nakatitig sa kanyang anak. Nagsasabi naman si Spencer ng totoo dangan lamang at talagang hindi niya natiis na hindi galawin ang babae.
"One question, I want your answer honestly by this time. Is she a virgin?" mababa na ang boses ng Don.
Napalunok si Spencer.
"I'm waiting! Para alam ko ang ginagawa ko, Spencer!" wika ng Don.
Napabuntonghininga si Spencer at nagbaba ng kanyang tingin.
"Yes!" mahinang sagot ng binata.
Nakahinga nang maluwag si Don Diego. Napatango- tango ito at bumaling kay Toni.
"Bring this girl as soon as possible here!" bilin ng Don.
"Masusunod po!" tugon ni Toni at yumukod.
Saka muling binalingan ang anak nito.
"Prepare yourself, this time I will give your punishment for not obeyed my rules. You will getting married five days from now!" madiing sabi ng Don.
"What?! Pero, Dad naman! Puwede ko naman siyang tulungan in a different way! Nasa tamang edad naman na ako, I can dealt with her!" kontra ng binata.
"This is your punishment as I've said. Matagal mo nang pinapasakit ang aking ulo, Spencer. Ayokong malagay sa alanganin ang dignidad ng ating pamilya. Stand as a man, face your responsibility. After all, malinis siya ng makuha mo ang lahat sa kanya. Nararapat lamang na ikaw din ang maglilinis sa binahiran mong puri niya. Kasalanan man niya o hindi, may pananagutan ka sa kanya. I can see na magiging mabuti siyang asawa sa'yo. Dahil ang babaeng nasanay sa trabaho, silawin mo man ng salapi hindi siya matitinag." Saad ng Don.
"What do you mean by that, Dad?" maang na tanong ni Spencer.
"Kung talagang pera ang habol niya sa'yo, she will not leave the house and ran away. She will expose her identity to threaten you and ask you money. But she didn't, she's hiding from you. Indications that, she's not interested weather you're a rich man or not!" sagot ng Don.
Hindi nakaimik si Spencer, may punto naman ang Daddy ng binata. At sa lahat ng babaeng dinala niya sa Mansyon ay si Strawberry pa lang ang nakatawag pansin sa kanyang ama. Bagay na hindi nagawa ng mga babaeng nadala niya roon. Maging ang kanyang ex- girlfriend na si Tylane. Ang puno't- dulo ng kanyang pagloloko mula noon hanggang ngayon.
Muling tiningnan ni Spencer ang mga litrato ni Strawberry, napangisi ang binata. Napapailing- iling ito at napabuntonghininga. Kapagkuwan ay naalala niya ang bra ng babae na naiwan nito. Nakakatiyak si Spencer na walang suot na bra ang dalaga nang umalis ito mula sa Mansiyon. Napaisip ang binata na hindi na rin masama ang kanyang punishment, nakakatiyak naman siyang hindi makakatagal ang babae sa piling niya. Lalo pa't bata pa ito, baka nga pagka- graduate nito ay iiwanan na siya. Kaya ngayon pa lang ay gagawa na siya ng kanyang sariling rules, uunahan na niya ang babae. Matira ang matibay, iyon ang kanyang motto sa pakikiisang dibdib niya sa batam- batang kanyang nakaulayaw. Tutal ang ama lang naman niya ang may kagustuhang pakasalanan niya ang babae. Still, he can di what he want kahit na kasal na siya sa babaeng iyon. After all, wala naman silang feelings sa isa't- isa kaya no worries ang binata.
"Ayusin mo na ang sarili mo, at umalis ka na sa paningin ko. Hanggang ngayon, pinapakulo mo pa rin aking dugo!" untag ng Don kay Spencer.
Mabilis namang inayos ni Spencer ang sarili nito at nagpaalam na siya sa kanyang ama.
"Spencer!" muling tawag ng Don sa binata.
Napatigil ang binata sa paghakbang nito palabas ng study room pero hindi niya nilingon ang kanyang ama.
"Treat her nicely," wika ng Don.
Hindi umimik si Spencer bagkus ay nagpatuloy na ito sa paglakad papalabas ng silid. Naiwan ang Don na napabuntonghininga saka napapikit nang mariin. Hinilot- hilot nito ang sariling sentido at napabuga ng hangin. Dadalawa ang kanyang anak pero, triple ang ibinibigay na sakit ng ulo sa kanya ang mga iti. And he have no choice kundi parusahan na ang mga ito sa kanilang mga ginagawa. Mahirap man para sa kanya bilang ama subalit kailangan niyang ipakitang may isa siyang salita. Nang sa ganoon ay may pangingilagan ang dalawang niyang anak kahit papaano. Hindi niya kinukunsinti kailanman ang mga maling gawain ng kanyang dalawang anak. Kaya bago pa lumala ang sitwasyon ay kailangan nang malunasan ito. At iyon lamang ang alam niyang paraan upang hindi maging masama sa paningin ng iba si Spencer. Dahil kapag ito ay lumala, hindi lang ang kanyang anak ang mapapahiya kundi maging ang buong pamilya nila. Pati na ang kauna- unahan nilang mga ninuno na siyang nagtayo at nagtatag sa matibay na negosyo ng kanilang pamilya. Ayaw ng Don na basta- basta na lamang itong mawawala lahat ng kanilang pinaghirapan ng dahil lamang sa isang pagkakamali ng kanyang mga anak. Dugo at pawis nilang pamilya ang naging puhununan nila patungo sa matagumpay at stable na karangyaan sa buhay nila.