"Sweet! Bakit ka ba absent ng two days?" agad na tanong ni Missy nang matapos ay last subject nila ng hapong iyon.
"Ahm...masama kasi ang pakiramdam ko!" pagdadahilan ng dalaga.
"Dahil ba sa nalasing ka roon sa party? But, where have you been that night?" sabad ni Jedda.
"Umuwi ako! Oo! Umuwi na ako noon!" pagkakaila pa rin ni Strawberry.
Matamang tiningnan ng dalawa ang kanilang kaibigan.
"Parang may sakit ka nga!" wika ni Hansel.
"Tama ka," alanganin ang ngiti ni Strawberry.
"Kaya pala bigla ka na lang nawala! Mabuti naman at nakarating ka nang maayos sa bahay mo despite na hindi ka man lang nagpaalam sa amin!" turan ni Missy.
Ngiti lang ang sagot ni Strawberry sa tatlo.
"Akala ko kasi na- bored siya kaya umuwi. Wala ka bang nabingwit o nakilala something like that? Iyong interested siya sa'yo ganoon!" sabi naman ni Jedda.
"Wala!" mabilis na sagot ng dalaga.
Napaawang ang labi ni Jedda.
"You know Sweet, you're bit weird today! As in, wala? How about Austin or that friend of him? Oh, I remember Spencer!" muling sabi ni Jedda.
Sukat doon ay napaubo si Strawberry habang kumakain ng sandwich. Agad namang inabutan ni Hansel ang dalaga ng hawak nitong bottled mineral.
"Are you okay?" nag- aalalang tanong ni Hansel sabay haplos sa likod ni Strawberry.
Tumango- tango si Strawberry habang inuubo pa rin.
"Did I said something wrong?" tanong ulit ni Jedda.
"Wala nga! May nakaalala lang siguro sa akin kaya ako napaubo." Sagot ng dalaga.
"Okay! Anyway, nasa bag ko iyong mga gamit mong naiwan sa bahay. Ang iba, personal mo na lang na kunin sa bahay kapag may free time ka." Si Jedda ulit.
"Salamat! Mauuna na nga pala ako sa inyo, alam naman ninyong malapit na ang oras sa pagpasok ko ng McDo. Two days ako hindi pumasok baka palitan na nila ako." Saad ng dalaga.
What for? Malaki yata ang sinahod mo mula sa amin? Saka, no worries I can give you a job!" sagot ni Missy.
Ngumiti si Strawberry.
"Huwag na! Okay na ako sa work ko, saka salamat sa pasahod ninyo!" wika ni Strawberry.
"Sus! Madaya ka lang eh! Sabi namin until midnight, umuwi ka past ten palang!" tugon ni Hansel.
Natawa sina Missy at Jedda.
"Huwag mo nang sisihin 'yan! Hindi kasi sanay uminom kaya ang goal natin is turuan siyang uminom para hindi na siya behind kung sakali." Sabi ni Missy.
"No way! Ayokong maging lasinggerang katulad niyo!" maagap na tanggi ni Strawberry.
"Girl, nasa modern society na tayo! Iilan na lamang ang natitirang Maria Clara sa ngayon! Kaya ikaw, sumunod ka na rin sa uso para kapag nagkagipitan hindi ka behind the scene!" sabi naman ni Jedda.
"Hindi! Mananatili akong ganito, kung anong ugali ko at gawain ko mula noon hanggang ngayon, hindi ko ito babaguhin!" saad ni Strawberry.
Nagkatinginan ang tatlo at kapagkuwan ay nagkangitian sila. Saka niyakap si Strawberry.
"Oo na! Ikaw na ang panalo! Sana lang ay makamit mo na ang premyo mong best in mabait, best in masipag at best in madiskarte award!" wika ni Missy.
Nagkatawanan silang apat. Kahit papaano ay nalimutan ni Strawberry ang problemang gumuglo sa kanyag isipan. Napapausal ito at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi magbubunga ang nagawa nila ng Spencer na iyon. Dahil masisira ang lahat ng kanyang pinaghirapan at paninindigan kapag nabuntis siya ng wala sa oras. Dalawang araw at dalawang gabi niyang iniyakan ang nangyari ng isang gabi sa kanya. Gusto na niyang iwasan ang tatlo niyang kaibigan kaya lang ay baka makahalata ang mga ito na may nangyari nga sa kanya na hindi maganda sa gabing iyon. Hangga't maaari ay ayaw ni Strawberry na malaman ng kanyang mgakaibigan ang lahat. Tama nang dalawa lang sila ng lalaking iyon ang nakakaalam. At sana lang ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng binata kahit na kailan.
"Pero alam niyo, may viral sa internet about sa Spencer na iyon or should I say sa pamilya nila." Wika ni Jedda.
"Ay, napanood mo rin? Kaya lang bigla nang nawala ang news eh! Saka iyong video," sagot ni Missy.
Biglang kumabog ang dibdib ni Strawberry. Napalunok ang dalaga at nagkunwaring hindi ito interesado sa pinag- uusapan ng tatlo niyang kaibigan.
"Mauuna na ako sa inyo! Wala naman na tayong next teacher kaya hindi ko nahihintayin ang talagang uwian. Nakapagpaalam naman na ako sa head," biglang singit ni Strawberry sa usapan.
"Okay! Ingat ka ha? Ayaw mong maki- chika eh!" sagot ni Hansel.
"Sige!" turan ng dalaga at nagmamadali na itong lumayo sa tatlo.
Iniiwasan niyang marinig ang tungkol sa lalaking nakasama niya isang gabi. Ang tagal bago nag- sink sa kanyang isipan ang pangalan ng binata. Kung hindi pa niya binalikan ang lahat ng kanyang naaalala sa gabing iyon ay hindi niya malalamang Spencer pala ang pangalan ng lalaki. At ang Austin na iyon, may bahagi rin ng puso ng dalaga ang nagpapasalamat na kay Spencer ito sumama. At hindi sa manyakis na Austin na iyon baka ikabaliw pa niya kung ito ang nakaulayaw niya ng gabing iyon.
Pagkalabas ng dalaga sa gate ng Unibersidad ay nakahinga ito nang maluwag. Huminga ito nang malalim at naghintay na ito ng jeep. Medyo mahirap ang sumakay ngayon dahil punuan ang mga dumaraang jeep.
"Miss Strawberry Lychee Mendoza?" biglang tanong ng isang lalaking naka- black suit.
Nagtatakang tiningnan ni Strawberry ang lalaki.
"Opo! Sino po kayo?" sagot ng dalaga.
"Maaari ka ba kitang maimbita sa aking amo saglit?" turan ng lalaki.
"Ha?" maang na tanong ng dalaga.
"Pinatatawag ka kasi niya, Miss Mendoza. Ako nga pala si Toni,"
"Sorry po ha? Pero hindi po ako sumasama sa hindi ko kakilala. At mas lalong hindi po ako pumapayag na makausap ang isang taong ayaw magpakilala." Mariing tanggi ng dalaga.
"Miss, please? Ginagawa ko lang ang aking trabaho!" tugon ng lalaki.
"Please din po! Huwag po sana kayong makulit," wika ng dalaga.
Napabuntonghininga ang lalaki at may sinenyasan. Sa gulat ni Strawberry ay hindi niya agad napansin ang tatlo pang naka- man in black na nasa kanyang likuran. Bago pa makasigaw at makatakbo ang dalaga ay nabuhat na siya ng isa sabay takip sa kanyang bibig. Kahit anong pagpupumiglas ng dalaga at pagsigaw sana nito ay wala ring nangyari. Pagkapasok sa kanya sa loob ng isang magarang sasakyan ay piniringan ito at itinali ang mga kamay ng dalaga.
"I'm sorry Miss pero kailangan naming gawin ito para matiyak na sasama ka sa amin. Trabaho lang po namin ito kaya pasensiya ka na, napag- utusan lang!" wika ng lalaki.
Wala nang nagawa pa si Strawberry kundi ang mapaiyak na lang. Taimtim itong nagdarasal na sana ay walang masamang mangyari sa kanya. Marami pa itong pangarap sa buhay na gusto niyang matupad muna bago siya mamatay.
Hindi alam ni Strawberry kung saan siya dadalhin ng mga tumangay sa kanya. Basta ang alam nito ay medyo malayo ang kanilang nilakbay bago huminto ang kanilang sinakyan. Narinig ng dalaga na bumukas ang mga pinto ng sasakyan. Kasabay ng pagbuhat na naman nila sa kanya. Kung kaya't muling nagpupumiglas ang dalaga. Hindi niya namalayan kung saan siya dadalhin basta inilagay siya sa isang upuan. Pagkatapos ay inalis ang tali nito sa kanyang mga kamay, kasunod ang busal sa kanyang bunganga. At ang huli ay ang kanyang piring sa mata. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Strawberry nang makita kung nasaan siya. Tila pamilyar ang bahay na iyon sa kanya subalit hindi siya sigurado. Pagbaling niya sa kanyang gawing kanan niya ay mas lalong nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makilala kung sino ang lalaking nakaupo sa swivel chair.
"Ikaw?" bulalas ng dalaga.
Napangisi ang lalaki kasabay ng pagpasok ng isang matandang matikas pa rin ang tayo. Kasama ang mga lalaking tumangay sa kanya mula sa pinapasukan niyang Unibersidad. Napatayo ang dalaga at nakadama ng takot. Tatakbo sana ito kaya lang ay paano kung nakaharang naman ang mga lalaking tumangay sa kanya sa pintuan. Maging sa loob ng kwartong iyon ay may nakabantay na mga lalakig tila mga bodyguard ang mga hitsura. Napapaisip si Strawberry kung ano ang gagawin ng mga ito sa kanya. Nahihintakutang napapailing at napapaatras si Strawberry. Napapaiyak na rin ito dahil sa magkahalong takot at tensyong nararamdaman nito. Saka ito napapatingin kay Spencer na prente lamang nakaupo na nakatingin sa dalaga. Tila nalunok na ni Strawberry ang kanyang dila dahil hindi ito makapagsalita kahit gustuhin man niya. Palipat- lipat ang tingin ng dalaga sa mukha ni Spencer at sa mukha ni Don Diego.