WALA kaming imikan mula sa opisina ko hanggang sa paglulan ng elevator. Ni hindi kami nag-usap kahit nang makababa na sa lobby. He parked his car in front of the restaurant at mantakin mo 'yon — hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto! Gusto kong mainis na kahit naman hindi sexy ang suot kong damit ay babae pa rin ako at karapat-dapat pagbuksan at alalayan sa pagsakay. Nakita ko na sa magazine before ang mga stolen shots niya kasama ang iba't ibang babae. Lagi niyang inihahatid ito sa passenger seat, and I could only assume na pinagbuksan niya ang mga ito like a true gentleman would.
Hinagip ko ang seatbelt nang makaupo ako. Pero sa kamalasan, pati naman ito ay stuck at hindi mahila! It kept clicking at hanggang ngayon ay ayaw makisama — parang amo niya, nakakainis! Ramdam ko ang titig niya pati na ang padaskol na paghinga.
"Let me do it," inis na sabi nito at nakakunot ang noo ng tingnan ko.
Sa sobrang lapit niya, amoy na amoy ko ang ginamit niyang aftershave at bodywash. Kahit ang cologne niya ay masarap sa ilong at hindi masangsang. Hindi katulad ng ibang lalaki na kulang na lang ay ipaligo ang pabango. Grabe naman ang lalaking ito at kahit mukha, halos walang pores! Lahat tiningnan ko sa malapitan. Palagi itong clean shaved at ang buhok bagamat mahaba ay palaging maayos na nakasuklay. 'Yon siguro ang nakakapagpaakit sa mga babae niya. Sino nga ba ang latest nito? Si Erin ba o si Mollie? Hindi naman sa chismosa ako, pero sisihin na lang natin si Cleo. Updated kasi siya kay JL.
Pero kahit si JL ay nahirapan sa seatbelt at sa kagigios niya ay dumampi ang braso niya sa ibabaw ng dibdib ko. I'm blessed with a B cup at kahit may ibang babae na mas malaki sa thirty-six ay okay na ito sa akin. The last thing I want is a back injury. Nakita mo ba 'yong mga babaeng hukot na sa sobrang bigat ng dibdib nila. Silicon pa more!
Pero ang reaction ng katawan ko ang hindi ko maintindihan. My n*****s instantly hardened, na para bang hinagod ito ng kamay niya kahit may bra naman. Ano bang nangyayari sa akin? Kahit naman magandang lalaki si JL ay — okay, may crush ako sa kanya, pero slight lang! It's not like I am sexually attracted to him or anything.
"Stop staring. You are not my type," sabi niya sa akin.
Namula ako sa lantaran niyang pagtanggi sa akin pero umakyat din ang dugo ko sa ulo. Ubod nga ng gwapo pero ubod din naman ng yabang. Napaka-arogante! Akala naman niya lahat may gusto sa kanya. Oo at madami nga pero hindi lahat at kasama na ako roon mula ngayon. Ayaw ko na siyang maging crush!
"Staring agad? Pwedeng sobrang lapit mo lang at hindi ko maibaling ang mukha ko? Hirap sa 'yo e, akala mo lahat may gusto sa 'yo," sabi ko sa kanya na may kahalong ismid.
Bahagya itong napatawa. "Oh really? So ibig sabihin, hindi ka naga-gwapuhan sa akin kahit katiting?" hamon niya.
Napalunok ako ng isang beses. "Wala."
"Kahit kaunti?" inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na para bang isa akong insekto na kailangang titigan ng malapitan at suriin.
"Bingi lang? Ulit-ulit?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Pwede ba, you're too close. Male-late na rin tayo kaya kung ilalagay mo 'yang seatbelt ay ilagay mo na."
Tumawa ito. "Hirap sa 'yo eh. Titig ka nang titig, nabingi ka na tuloy. Hindi mo narinig ang pag-click ng seatbelt kanina? Dala ka ng cotton buds sa bag at maglinis ka ng tenga," nakangisi nitong sabi sa akin at saka umayos ng upo sa driver's seat.
He started the car at hindi nagtagal ay nasa biyahe na kami papuntang Batangas. There was a slight traffic pero hindi naman ganoon ka-busy. Isa pa, swabeng mag-drive si JL kaya para akong hinehele sa kaantukan. Lately, hindi ako masyadong makatulog sa kundisyon ng mana. Idagdag pa na malaking problema talaga kung paano ko kukumbinsihin si JL. Sa takbo ng nangyayari ngayong araw na ito ay harap harapan niya akong tinatanggihan. Wala namang kaso sana kung hindi ko siya kailangan. Ang tanong, ano bang pwede niyang kailanganin mula sa akin para tulungan niya ako?
Kasi sa tipo ni JL, hindi ito mapapahinuhod ni Tito Alfonso na pumayag sa kasal. Hindi nila kailangan ng pera dahil mayaman din ang mga ito. Bahay, lupa — mayroon din sila. Anong pwede kong i-offer? Wala. Kahit yata maghubad ako sa harap niya ay tatanggihan pa rin niya ako — not that I would do it. But eventually, I have to. Kailangan ko rin ng anak mula sa kanya pagkatapos ng kasal. My gosh! This is so hard. Mas mahirap pa ito sa final exam ni Ms. Papio!
"Huwag mo akong tutulugan at hindi mo ako driver," narinig kong sabi niya. Nang sulyapan ko siya ay nag-iwas ito ng tingin sa akin.
Ni ayaw niya akong tingnan. Ganoon ba ako kapangit sa paningin niya? Grabe naman ang lalaking ito. Pinili kong huwag sumagot at kulang na lang ay lagyan ko ng toothpick ang mga mata ko para manatiling nakabuka. Bukod sa mahinang tunog ng musika na hindi ko kilala, ugong ng mga sasakyan, at panakanakang busina ay walang ibang usapan na nangyari sa amin. Kung ayaw niya akong kausap ay ayos lang.
Then his phone rang at dahil konektado ito sa kotse niya ay kaagad na nasagot. I saw Mollie name's come up on the screen. So, ito nga ang bago niya?
"Hey, sweetheart," bati niya rito.
Hindi ko napigilang umismid. Ito rin kaya ang ka-text niya kanina sa opisina noong ngingiti-ngiti siya o si Erin? Mind your own business, Genovia.
"I want to show you my new lingerie. Turn on your cam, loverboy."
Ew. Ew. Ew. Kung pwede lang mabingi na ako para hindi ko marinig ang bedroom voice ng babaeng ito na nang-aakit ay magkatotoo na sana. Baka mamaya ay maka-isip pa ng phone s*x ang mga ito.
"I'm afraid that's not possible," sabi ni JL dito.
"Oh, why?" maarte nitong tanong at sobrang disappointed pa. Hindi lang maipakita sa video ang pangtulog niya ay nalungkot na. Give me a break.
"I'm on the road. I have to meet with my father but after this, I'm going to see you."
Tumawa nang pilya ang babae sa kabilang linya, "Ooh! I like that! I will see you then," malandi nitong sabi. Base sa palitan nila ng salita ay alam ko na ang gusto nilang gawin and that put a picture on my head. Hindi kaaya-aya at pinilit kong burahin sa isip kong virgin pa. Narinig ko pa ang tunog ng halik ni Mollie bago nito tuluyang ibinaba ang telepono.
Kung ganito rin lang ang tipo niya ay hindi ko alam kung bakit siya ang ipinagkasundo ng aking ama sa akin. Hindi na ako magtataka kung past time niya ang s*x!