NAKATANGGAP ako ng tawag mula kay Tito Alfonso tungkol sa dinner mamayang gabi. Nagpa-reserve ito sa Al Fresco, isang high-end restaurant na pag-aari ng mga Pastor. I haven't met them, but they are pretty popular in the business world especially when their only daughter, Raven, won the race in Moscow a few years ago. Ngayon ay dalawa na ang anak nito at masaya ang buhay kasama ng asawa niya.
Hustong pasok ni Cleo at may dala siyang dalawang milk tea. Inabot niya ang isa sa akin. "O para sa 'yo. Alam kong stressed out ka. Ngayon na ba ang pagkikita ninyo ni JL?"
Tumango ako. "Yes. Katatawag lang ng daddy niya para ipaalala sa akin ang dinner ngayong gabi."
"Anong oras?" Sumimsim ito ng inumin niya.
Sa sobrang tense ko, sunod-sunod ang ginawa kong pag-sipsip.
"Alas-sais," sagot ko sa kanya.
"Ano nga palang gagawin mo kapag hindi pumayag si JL na magpakasal sa 'yo? Goodbye na ba 'yon sa lahat-lahat ng iniwan ng parents mo?"
Napangiwi ako. "I will do my best to convince him. Kasal at anak lang naman ang kailangan ko sa kanya, hindi ba?"
Cleo chuckled. "Bes, ang kasal nga sobrang hirap na — anak pa kaya?! Gaano kataas ang lagnat mo?"
Pinandilatan ko siya. "Hindi naman namin kailangang magsiping. Marami ng paraan ngayon para magbuntis."
"Malayo na kaagad ang imahinasyon mo eh. Ang unang tanong, pupunta ba siya ngayong gabi?"
"Siguro naman. Daddy niya ang nagpatawag sa kanya eh."
"Okay. So let's say pumunta nga siya — alangan naman bigla mo na lang sabihin na kailangan mo siyang maging asawa at anaka — aray ko!"
Binato ko siyang ginusot kong papel. "Ang gaspang lang ng linyahan mo."
"Sus! If I know— crush mo rin naman si JL. Umamin ka!" tatawa tawang sabi nito.
Ang nilalaro kong cellphone ay dumulas sa kamay ko at nahulog sa ilalim ng mesa. Damn it! Imbes na bitawan ko ang milk tea ko ay hawak ko pa rin 'yon nang lumuhod ako sa sahig at bahagyang sumuot sa ilalim ng mesa. At dahil medyo makipot ay nahirapan akong abutin kaagad 'yon.
"Hindi. Bakit naman ako magkakagusto roon ay napaka-suplado, tapos akala niya lahat na lang ng babae magkakagusto sa kanya. Ang dapat niyang ayusin muna 'yong mga mata niya para naman makita niya 'yong ginto sa tanso. Kung ang taste niya lang din ay 'yong mga mukhang palaging pawisan kaya kita na ang kaluluwa sa mga suot na damit, huwag na lang!" sagot ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap ni Cleo.
"There! I got—" Tumayo ako at biglang nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa may mesa ko. "JL," usal ko." s**t. Anong ginagawa niya rito?
"You were saying?" tanong niya. Hindi siya nakangiti at salubong ang kilay.
Shit. s**t. s**t. Si Cleo kasi eh. Kung hindi niya ako sinabihan na may gusto sa bwisit na ito, eh ‘di sana, smooth lang ang araw na 'to.
"I wasn't saying anything," tanggi ko. Inayos ko ang damit ko at ibinaba ang milk tea sa mesa.
"Just so you know, I prefer modern women. Someone who knows. . ." bahagya pa nitong ibinitin ang sasabihin, "Fashion. Maganda at sexy. At higit sa lahat, malaki ang. . . " ibinitin na naman niya. Napasinghap ako, dibdib ba ang sasabihin niya? Damn. "Kumpyansa sa sarili. I don't like women who are not comfortable with their skin."
Napalunok ako nang sunod-sunod. Bukod sa mali na ang naisip ko kanina ay sapul na sapul ako sa sinabi niya. I am clearly, and definitely not his type.
"Why are you here?" pinilit kong ibahin ang usapan.
"I came here to pick you up."
"Ha?"
"Before you get any ideas, napag-utusan lang ako ni Daddy na sunduin ka. Alas-sais ang dinner," sabi niya sa akin.
"Malapit lang naman dito ang restaurant, hindi mo na sana ako sinundo. Alas-kwatro pa lang. Dinner is not until six," paalala ko sa kanya.
Humalukipkip ito. "I know dinner is not until six. But you do know that Al Fresco is in Lipa, Batangas, right?"
Ha? Akala ko rito sa Alabang branch? Ano ba ang sabi ni Tito Alfonso?
"I didn't know—"
He waved his hand to let me know he doesn't really care about my excuse. Damn. Nakakainit ng ulo ang lalaking ito. "Fix yourself, get your things and let's go. I don't like to be late." Naupo ito sa couch malapit sa may pinto at nag-scroll sa cellphone niya.
Kaagad itong ngumiti at nagkagat labi. I wonder what he saw. Kay aga pa ay mukhang hinaharot na ang babae niya. Tahimik na tumayo si Cleo at kumaway sa akin na aalis na siya. Hindi ito tinapunan ni JL ng tingin at panay ang ngiti sa kung sinumang ka-text niya. Hindi ko mapigilan na hindi mapaismid. Mukhang mahihirapan akong mapapayag ang isang 'to. Naisip ko tuloy kung may iba pang paraan para iba na lang ang pakasalan ko. Kung bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng ilagay sa will, ang lalaki pang ito?
Dumaan ako sa washroom at nag-retouch ng lipstick. Bukod dito ay wala na akong ibang kolorete sa mukha. Ang buhok ko ay naka-bun at banat na banat mula sa anit. I'm wearing a black dress with three fourth sleeves at hanggang baba ng tuhod ko 'yon. Wala akong suot na belt kaya daig pa ang free size. Komportable ako sa suot ko, at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ang doll shoes ko ay itim din at may one inch heels. Ang tanging alahas ko lang ay ang pearl necklace ni Mommy. May ka-partner din itong hikaw.
Tumayo ako sa may gilid niya at tumikhim. "I'm ready."
Pinasadahan niya ako ng tingin at kitang-kita ko ang disapproval niya sa hitsura ko. I silently muttered a curse. Kung papatulan ko siya ngayon ay lalong magiging malabo na mapapayag siya sa kasal na kailangan ko. Saka ko na iisipin ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak. One step at a time.