CHAPTER 54

1105 Words

CHAPTER 54 NANG MAKABALIK sa sasakyan si Kirsten ay kaagad niyang nginitian si Lavi na nakatingin lang sa kaniya. Nakababa ito sa sasakyan at nasa tapat ng shutgon. Seryoso ang mukha nito habang siya naman ay tiningnan pa ang mga pinamili. pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. "Thank you. Ilagay ko muna ang mga ito sa likod." "Ako na," ani Lavi bago kinuha ang mga dala niyang pinamili. Tinulungan naman niya ito hanggang sa mailagay nilang lahat sa passenger seat ang mga iyon. "Okay na. Tara na," aniya sa nobya. "Sino iyong kausap mong lalaki kanina?" Kumunot ang noo niya. "Lalaki?" Sandali siyang nag-isip. "Ah, si Kurt? Classmate namin ni Britney iyon noong college." "Ah... Anong pinag-usapan ninyo?" "Wala naman. Kumustahan lang tapos he invited me sa darating na reunion."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD