CHAPTER 42

3002 Words

CHAPTER 42 KAAGAD NA natunton ni Kirsten ang address ng bahay ni Lavi. Dahil nga anong oras na ay hindi siya naipit sa traffic. Bukod doon ay mayroon din siyang alam na shortcut upang mas mabilis ang biyahe niya patungo sa bahay nito. Ilang beses siyang huminga ng malalim at marahas na binuga upang maalis ang kaba sa kaniyang dibdib habang nakatanaw sa tapat ng malaking gate. Pilit na kikalma ni Kirsten ang sarili dahil para bang lalabas ang puso niya sa sobrang lakas ng t***k niyon. Maya-maya pa ay nilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa sling bag na nasa shotgun saka tinawagan ang numero ni Lavi. Isang ring palang ang dumaan at kaagad na nitong sinagot ang tawag niya. "Lavi, nandito na ako sa labas ng gate ninyo," wika niya rito habang tinatanong pa ang mataas na gate na nasa hara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD