CHAPTER 40 NANG MAKARATING si Kirsten sa address na sinend sa kanya ni Britney kung saan ang bagong condo nito ay dumiretso siya sa unit ng kaibigan. Nang matunton niya ang unit ni Britney ay kumatok kaagad siya. Ito naman ang nagbukas ng pinto na halatang bagong paligo. Ngumiti siya sa kaibigan habang si Britney naman ay umirap sa kaniya. "Mabuti naman at dumating ka na." Nilakihan ito ang bukas pagkakabukas ng pinto at pumasok siya doon ginala niya ang paningin sa kabuuan ng condo at malaki ito kaysa sa inalisan ito ng unit. Kulay puti lamang ang pintura nito sa pader at sa kisame at na binagayan naman ng mga muwebles na dala pa nito mula sa dating tinirhan. "Sorry na naging busy lang talaga doon sa office. Saka alam mo ba kanina habang nagla-lunch kami ni Lavi, nakita namin si Anthony