Ivy's POV "Ivy, tawag ka ni sir Albert," si Dalia na kakapasok lang. Nagmadali naman ako para puntahan si sir Albert sa kinarooonan niya. Siguro mayron ito ipag-uutos sa 'kin. Kumatok naman ako sa pintuan ng office nito. Pinapasok naman kaagad ako nito. Nadatnan ko silang nag-uusap dalawa ni miss Joanna. "Hi, Ivy," bati sa akin ni Joanna. Naalala kong sinama niya ako sa bar noong nakaraan gabi pero hindi ko maalala kung hinatid ba niya ako pauwi. Lumapit pa ako sa kanila. "Ahm...Ivy, wala kasi tayong ibang staff kaya pwede bang ikaw na lang magdala nito sa studio." Turo ni Joanna sa mga hindi gaano kalakihan na mga kartons. Pero napakarami nito kapag dinala ko ito sa studio, mga ilang balik rin ako kapag nagkataon. "Pasensya ka na, Ivy. Hindi naman kasi pwedeng ako ang magdal