Ivy's POV Tahimik kaming kumakain kasama sila tita, Candy at Kysler. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako dahil nakita kami ni Manang Rose na nasa itaas ako ng lababo nakaupo habang kaharap ko si Kysler. Habang abala kami sa pagkain, nagsalita naman ang anak ko. "Mama, hindi ka po ba umuwi kagabi?" tanong sa akin ni Candy. Nagpalipat-lipat naman ang aking paningin. Napatingin na rin sa akin si tita. "Bakit? Hindi ka ba umuwi kagabi, Ivy?" si tita naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Bigla namang tumikhim si Kysler. "She slept in my room," si Kysler na ang sumagot. Abala na ulit si Kysler sa pagkain. Ang laki naman ng ngiti ng anak ko. Nalipat naman ang paningin ko kay tita. Sa akin naman ito nakatingin. Nahihiyang napatungo ako at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Big