Ivy's POV Maaga akong nagising para pupunta sa aking in-applyang trabaho. Kagabi lang kasi ay nabasa ko ang text ng isang kompanya na isa sa mga in-applyan ko. Mabuti na lang at may nag-text sa akin sa dami ng pinasahan ko ng aking resume. Para sa anak ko. "Laban!" Gagawin ko ang lahat para makapag-ipon ng pera at may maipambayad ako sa aking magiging abogado. Nag-make up ako, naglagay ng medyo makapal na lipstick at nagtali ng aking buhok. Formal din ang aking suot. Nang makita ko kasi si Candy at nakasama kahit sandali lang ay nabuhayan ako. May sapat na akong lakas para ipagpatuloy ang nakasanayan ko noon kahit hindi ko man ngayon kasama si Candy. Umikot-ikot ako sa malaking salamin. Maganda naman ako, maputi at isa pa matangkad. Pero bakit ni-katiting na pagmamahal ata mula