bc

MY FATHER'S LOVER (FREENBECKY)

book_age18+
32
FOLLOW
1K
READ
HE
billionairess
heir/heiress
drama
gxg
affair
like
intro-logo
Blurb

Siya si Mon Francisco, ang nag-iisang anak na babae ng pinakamayamang negosyante. Nasa kanya na ang lahat, kagandahan, kayamanan, at katanyagan.

Sa kanilang kayamanan ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Para sa kanya, walang makakapigil sa kanya pagdating sa pagkuha ng gusto niya.

Dumating sa buhay niya si Sam Ramirez, sa lakas ng karisma na taglay nito, lalo na kapag nakatitig at nakangiti ito, ay mabibighani ang sinumang makakasalamuha nito. Siya ay ang kasintahan ng kanyang ama.

Sa pagpasok nito sa buhay nila, hatid naman nito ang malaking pagbabago sa buhay niya.

Sa kagustuhan niyang maalis ito sa buhay nila ay gagawin niya ang lahat para masira ang imahe nito sa kanyang ama.

Pero paano, kung sa hindi inaasahang pagkakataon...

ay iibig siya rito?

chap-preview
Free preview
EP. 1 (1/4) - ANG UNANG YUGTO
GABI Gabing puno ng saya at halakhakan ng bawat isa… Gabing puno ng ingay at tugtugin ang buong paligid… Gabing puno ng alak at walang katapusang inuman sa paligid… Iyon ang nakapaligid kay Mon Francisco nang gabing iyon kung saan nasa loob siya ng isa sa mga high-end bar sa Maynila. Isa iyon sa mga mamahalin at kilalang bar sa Maynila at ang pwede lang makapasok doon ay ang mga kagaya niyang mga mayayaman. Nasa bar siya ngayon dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman, dahil sa nahuli niya ang pambabae ng kanyang ex-boyfriend. Nang gabing iyon ay lasing na lasing siya, kasama ang mga malalapit niyang mga kaibigan na sina Yuki Hernandez at Song Tan. Ang dalawang ito ang kanyang mga matatalik na kaibigan simula pa noong bata pa sila dahil ang mga magulang ng mga ito... ay kasosyo ng kanyang amang si Kirk sa kanilang kompanya na “Diversity Pop”. Ang “Diversity Pop” ay isang content creator company na sobrang kilala at nangunguna sa listahan na malaking kompanya sa Pilipinas. Sa kasikatan, tagal, at laki na ng kanilang kompanya sa Pilipinas ay kilala na rin ang buo nilang angkan, lalo na silang dalawang mag-ama dahil sila na lamang dalawa ang natitira sa pamilya. Kung titingnan sa media ay perpekto na ang buhay na meron siya dahil nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, kayamanan, at kasikatan, ngunit para sa kanya ay baliwala ang lahat ng mga iyon lalo na nang mamatay ang kanyang ina. Isang taon na ang nakakalipas nang namatay ang kanyang ina pero hindi niya pa rin matanggap ang pagkamatay nito, nadagdagan pa ang lungkot at sakit na kanyang nararamdaman nang mahuli niya sa akto ang kanyang ex-boyfriend na may ka s*x na iba. “Mon! Stop it! Hay naku! Kapag may nangyari sa‘yo ako ang mananagot kay Tito Kirk! Ano ba!” saway ni Yuki sa kanya sabay agaw ng baso sa kanyang kanang kamay. Kahit kasi lasing na lasing na at halos anino na lang ng mga ito ang naaaninag niya ay wala pa rin siyang tigil sa kakalagay ng whiskey sa sarili niyang baso. Hawak naman ni Song ang kaliwa niyang kamay dahil pinipigilan din siya nito. “Ano ba kayo? Akala ko ba kaibigan ko kayo? Bakit ngayon pinipigilan niyo ako?” nauutal habang nangangamatis na ang magkabilang mukha na bulyaw niya sa dalawa. “Mon, kaibigan mo nga kami kaya kami nandito! Alam mo? Ang nararapat talaga sa bunot na ‘yun ay ipatumba eh! Walang hiya siyang lalaki siya! Mamatay na sana siya!” bulyaw naman ng galit na galit na si Song sa kanyang harapan. “Song! Ano ba?” saway ni Yuki rito saka ito inilayo sa kanya. “Nakikita mo na ngang broken hearted ang kaibigan natin dinagdagan mo pa! Pwede ba? H’wag mong mas lalong galitin si Mon! Baka ano pang pumasok sa isipan niya!” Kapagkuwan ay bigla namang natigilan si Yuki at nagpalinga-linga, gano’n din si Song. “Wait! Nasa’n si Mon?” kinakabahang tanong ni Yuki kay Song. “Hala! Nasa’n siya? E, nasa likuran lang naman natin siya kanina! Mon? Mon!” malakas na sigaw ni Song habang walang tigil sa kakatingin sa mga tao sa paligid. *** Pagiwang giwang at sapo-sapo ni Mon ang sariling bibig habang naglalakad siya sa loob ng bar. Kahit tila mga anino na lang ang kanyang nakikita dahil sa kalasingan nang mga oras na iyon at hindi niya maintindihan ang sariling tiyan, ay pilit niya pa ring nilalabanan iyon. Pakiramdam niya naman ay meron siyang hinahanap sa loob ng bar… Pakiramdam niya ay may kung anong dahilan ang pilit humahatak sa kanyang mga paa… Hanggang sa tila natagpuan na nga niya ang dahilang iyon. Napahinto siya at nangliit ang kanyang mga mata habang pilit inaaninag ang dalawang aninong iyon. Nang matapat sa mga ito ang spotlight sa loob ng bar ay nakumpirma niyang mga babae ito na tila naglalampungan sa gilid ng bar. Kasabay naman niyon ang malakas na hiyawan sa loob ng bar dahil sa sweetness at hotness ng dalawa habang naghahalikan. Hindi niya maintindihan ang sarili pero dala na rin siguro ng kalasingan ay napakagat-labi siya sa kanyang nasaksihan. Napalunok siya sa sariling laway lalo na nang makita ang isang babae na hinahaplos nito ang kasintahan mula sa legs papunta sa tiyan at leeg nito... saka walang pag-aalinlangan na mapusok na hinalikan ulit nito ang labi ng kasintahan. Ginantihan din ito ng babae kasabay naman niyon... ang malalakas na hiyaw ng halos lahat ng tao sa loob ng bar. *** Kasalukuyang inaayos ni Sam Ramirez ang lipstick sa kanyang mga labi sa loob ng restroom. Kadarating lang niya sa bar na iyon at nagmamadali siya dahil may kikitain siyang tao roon. Papalabas na sana siya ng restroom nang bigla siyang magulat nang may isang babae ang lasing na lasing na humablot sa kanyang kamay at hinila siya papasok sa loob ng cubicle at isinara iyon. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na niya napigilan ito lalo na nang ubod na lakas na hinawakan nito, ang dalawa niyang mga kamay... at idinikit siya sa likod ng pintuan at maging ang kanyang mga kamay ay idinikit din nito roon paitaas, saka siya pinaghahalikan sa mga labi, leeg, at sa bandang batok. Habang ginagawa iyon ng babae ay hindi naman niya alam ang magiging reaksyon, dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari. Hindi siya makapag-isip ng maayos, dumagdag pa ang lakas ng pwersa ng babae dahil na rin sa kalasingan nito. Ramdam niya ang pang-iinit na nagdulot ng pawisan niyang pakiramdam. Sa ginagawa nito, mahina na lamang siyang napaungol at napadaing dito. Lalo na nang pababa nang pababa na ang mga labi nitong malayang naglalakbay malapit sa banda niyang dibdib. Sa pagtama ng kanilang mga mata ay doon niya lang mas lalong natitigan ang ganda nito. Tila isa itong manika sa kanyang paningin dahil sa perpektong mukha at alindog na taglay nito. Mas lalo niyang natitigan ang mga mata nitong kulay hazel, gano’n din ang perpektong eyelashes nito at mga kilay nito, maging ang matangos nitong ilong at pinkish nitong mga labi. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang maikli at natural brunette color na buhok nito na nagpadagdag sa stunning look na meron ito. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong full blooded british dahil walang ni anumang katiting na mababakat na ibang anyo sa hitsura nito. Nagising ang nakatulala niyang isipan nang mapangahas na haplusin nito ang kanyang mga labi, lalo na nang binihag nito ulit iyon. Sa puntong iyon ay mas lalong naging mapusok ito at sa bawat galaw at pagdiin ng mga labi nito sa kanyang mga labi, ay hatid naman niyon ang bulta-boltaheng kuryente sa buo niyang katawan. “I can’t help this!” mahina niyang daing at hindi na napigilang kagatin ang lower lip nito. Napangiti naman ito at mas lalong naging mapusok sa kanya. Sa puntong iyon ay hindi na rin niya napigilan ang sarili at mapangahas na hinawakan niya ang mga braso nito. Mabibilis ang mga kamay na inayos niya ang toilet seat at pinakandong ito paharap sa kanya, habang wala pa rin silang tigil sa kakahalik sa labi ng isa't isa. Amoy na amoy niya ang nakakalasing na inumin na nagmumula sa bibig nito, pakiramdam niya tuloy nalalasing siya dahil doon. Napayakap at napasabunot na lamang ito sa malambot niyang buhok lalo na nang mapunta, ang mga labi niya sa kanang tainga nito at bahagyang kinagat iyon. Sa init na kanyang nararamdaman ay kung saan-saan na naglalakbay ang kanyang mga kamay... hanggang sa natagpuan na ng mga iyon ang totoo nitong pakay... nang mapunta ang mga iyon sa zipper na nasa bandang likuran ng suot nitong off shoulder black dress. Ibababa na sana niya iyon nang isang malakas at sunod-sunod na katok ang kanyang naririnig mula sa labas ng pintuan. "Mon? Mon? Are you there?" sunod-sunod na sigaw mula sa labas ng cubicle.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.2K
bc

Beauty As The Beast

read
36.0K
bc

NINONG

read
385.0K
bc

NINONG III

read
406.4K
bc

NINONG II

read
642.9K
bc

BAYAW

read
79.3K
bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
71.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook