Chapter 8

1087 Words
NAKAPANGALUMBABA si Clara sa may canteen. Lunch time pero wala siyang ganang kumain. Hindi mawala sa isip niya ang paghalik ni Sir Anthony sa kanyang noo. "Laki ng problema natin, ah." Pukaw ni Jayson kay Clara. Inilapag niya ang tray na dala sa tabi nito. "Wala kang balak kumain?" Hindi sumagot si Clara na ikinabahala ng mga kaibigan. "Ano problema mo? Nasermunan ka na naman ba?" usisa ni Sarah. Nagtataka siya dahil kakaiba ang awra ng kaibigan nila ngayon. Sanay na naman masermunan ito pero parang ang lala ng sermon ngayon araw. Narinig nila ang paghugot ni Clara ng malalim na hininga na mas ikinapagtaka nila. Hinintay lang nila na magsabi si Clara habang nagsimula na silang kumain. Hindi naman sa wala silang pakialam kay Clara kung ayaw kumain, gutom din sila. Umayos ng upo si Clara at sinulyapan ng tingin ang tatlong kaibigan na busy sa pagkain. "Kaibigan ko ba talaga kayo? Kita n'yo na nga na malungkot ako tapos kayo ang sarap ng kain dyan," parang bata niyang reklamo. "Clara, pwede ka namin damayan sa problema mo pero ang damayan ka sa hindi pagkain....ibang usapan na 'yun," maarteng sagot ni Jayson na busy na sa pagnguya na akala mo ay mauubusan. "Ano ba nangyari at parang pasan mo ang universe?" tanong naman ni Sarah. Muli siyang huminga ng malalim bago nagsimulang magkwento sa tatlo sa kung ano nangyari noong nakaraang araw sa loob ng restaurant. "What?!" chorus na tanong ng tatlo, gulat na gulat sa kanyang kwento. Napatigil pa ang tatlo sa pagsubo at nakatingin na kay Clara na para may ginawa siyang isang malaking krimen. "Stop staring at me. Nakakatakot kayo makatingin," sita ni Clara. "Daks ba?" tanong ni Jayson na muling nagsimula kumain. "Anong daks?" kunot noong tanong ni Clara. "Daks, kung malaki ba ang hotdog ni fafa Anthony," kaswal na saad ni Jayson. "Hindi ko alam! Nakapasok ang p*nis niya sa bunganga ng baba-" Naputol ang iba pang sasabihin ni Clara ng subuan siya ni Jayson. "Hinaan mo naman boses mo. Masyado kang bulgar. Ang sabi namin kukulayan namin ng berde ang utak mo. Pero huwag mo naman ipanlandakan! Maloloka ako sayo," mahinang sambit ni Jayson. Nginuya naman ni Clara ang isinubo ni Jayson at muling ngumanga. "Isa pa, baks," ungot niya. Imbes na subuan siya ni Jayson ay ibinigay nito ang kutsara sa kanya. "Kumain ka mag-isa. Kadiri ka, baka isipin nila girlfriend kita," diring-diring sambit nito. Wala naman pag-aalinlangan na nagsimula sumubo si Clara. Habang si Jayson ay nilantakan ang chocolate cake na pangdesert nito. "Bakit hindi mo naman nakita?" ungot muli ni Jayson. Curious talaga siya sa kung gaano kalaki ang hotdog ng kanyang ultimate crush. Napahinto sa pagsubo si Clara. "Kasi nga agad niyang itinago pagkakita niya sa akin. Pero sa tingin ko malaki kasi halos mabulunan ang babae...masarap ba 'yun?" inosente niyang tanong. Sunod-sunod na napaubo si Raymond dahil sa tinanong ni Clara. Hindi talaga niya akalain na may makikilala pa siyang inosente pagdating sa usaping s*x. Mabilis siyang inabutan ng tubig ni Sarah at sinamaan ng tingin na parang bang nagbabanta. "Ayan, mga nakakarelate. Ikaw sumagot Raymond, masarap ba?" pang-aasar ni Jayson. Napalunok si Raymond ng ilang beses saka sumagot, "Ba-bakit ako? Si-sino ba sumusub-aray!" malakas niyang daing ng pingutin siya ni Sarah at pinanlakihan ng mata. "Sabi mo naiwan pa kayong dalawa sa banyo? Ano ginawa n'yo?" muling usisa ni Jayson. "Wala," diretso sagot ni Clara. "Wala? As in wala? Kayo lang dalawa sa loob?" Di makapaniwala si Jayson. "Hmmm. Isinandal niya ako sa pader tapos inamoy niya leeg ko. Tapos sabi niya huwag raw ako tsismosa, sabi ko nga na-curious lang ako. Sabi niya pa huwag ko daw hayaan na kulayan n'yo ang utak ko," paliwanag ni Clara. "Sinabi niya 'yun?" Nakataas kilay na tanong ni Jayson. Tumango lang si Clara. "Tapos? Ano pa ginawa n'yo?" pangungulit pa rin ni Jayson. Hindi kasi siya makapaniwalang walang ginawa ang pinakamatinik sa angkan ng Villaflor. "Wala na, kumatok kasi si Sir Kenneth." "Walang pag-asa. Hindi man naakit sa kanya. Nandun na solo na pero nganga," sabad ni Sarah. "Pero hinalikan niya ako kanina sa noo," sambit ni Clara. "Whuaaaaattt?" malakas na boses ni Jayson. "Boses mo baks! Kanina sabi mo dapat mahina lang," saway ni Clara rito. Umayos naman si Jayson at sumeryosong humarap kay Clara. "Ano naman naramdaman mo ng halikan ka niya sa...noo?" "Siyempre nagulat ako. Bukod kay daddy wala pang nakahalik sa akin. Tapos, ang bilis ng t***k ng puso ko. Napatulala nga yata ako dahil diko na namalayan na nakaalis na siya. Ang bait niya baks kasi talaga inalo niya ako nung umiyak ako dahil dyan sa boss kong pinaglihi sa sama ng loob," mahabang pahayag ni Clara. Napatingin si Clara sa tatlong kaibigan ng matiim siyang tinignan. "What?" tanong niya bago muling sumubo. "Gusto mo ba siya?" kapagkuwan tanong ni Sarah. "Paano mo ba masasabi kapag gusto mo ang isang tao?" wala sa sariling tanong ni Clara. "Ano ba aasahan natin sa kanya? NBSB nga siya diba?" ungot ni Jayson. "Gusto mo ba matuto paano lumandi? Kasi kung sakaling magustuhan mo siya, imposibleng patulan ka niya." Napasimangot si Clara. "Grabe, ah! Panget ba ako?" "Hindi!" sabay na sagot ni Jayson at Sarah. "Hindi naman pala. Bakit di niya ako magugustuhan?" "Dahil inosente ka sa usaping s*x," diretsang sagot ni Jayson sa mababang boses. Nanlaki na lang ang mga mata ni Clara. Mukha ngang nasa makabagong panahon na sila kung saan ang s*x ay parang pagkain na kailangan upang mabuhay. "Hindi naman pagkain 'yang s*x pero bakit parang ang halaga naman." Natahimik naman ang tatlo na mukhang napaisip sa sinabi ni Clara. "Well, that's how the world revolves now. S*x is like a food that everyone could offer anyhow. A food to be enjoy. For you, who don't have any idea about relationship... It will be hard specially if the person you are starting to like enjoy the food too much," mahabang salaysay ni Raymond. "And Sir Anthony prefer wild women. 'Yun bang kayang makipagsabayan sa kanya pagdating sa kama. Hindi kailangan turuan sa kung ano ang dapat gawin," dugtong naman ni Sarah. "So... May dalawang pagpipiliian ka. Forget about him as early as now or be someone he likes," nakangising sambit ni Jayson. Aaminin naman ni Clara na iba ang epekto ng binata sa kanya. At hindi niya sasayangin ang pagkakataon na mapansin ng unang lalaking nakaagaw ng kanyang atensyon. Wala naman masama kung susubukan. "I choose the latter," puno ng kumpyansang sagot niya na nagpanganga sa tatlo niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD