Chapter 7

995 Words
Mabilis na lumabas si Clara sa opisina ng kanyang boss at di na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Kaya hindi niya napansin ang kasalubong niya. Hindi na nakaiwas si Anthony dahil sa bilis ng pagsulpot ni Clara. Naramdaman na lang niya ang pagbunggo nito sa kanya. Mabuti na lang at maagap niya itong nahawakan sa baywang na naging dahilan para mapayakap ito sa kanya. "Aray," daing ni Clara ng bumangga siya sa isang matigas na bagay. Naramdaman niya rin na may humawak sa kanyang bewang at amoy na amoy niya ang panlalaking pabango kaya mabilis niyang inangat ang mukha. Ang nakangiting mukha ni Sir Anthony ang bumungad sa kanya. "Are you okey?" tanong nito sa napakalambing na boses. Parang gusto ni Clara na mawalan ng ulirat dahil sa napakaganda ng ngiti nito nang maalala niya ang panenermon na naman ng boss niya. Kaya sunod-sunod nagsipatakan ang kanyang mga luha. Nataranta naman si Anthony ng makitang umiiyak ang dalaga. Hinila niya ito papunta sa may pantry. Pagkapasok ay muli siyang humarap kay Clara. Kusa ring gumalaw ang kanyang mga kamay na pinapunasan ang luha nito. "What happened?" puno ng pag-aalalang tanong ni Anthony. Nagpatuloy lang sa pagluha si Clara. Suminghot-singhot pa siya at muli hahagulhol. Para siyang batang inagawan ng laruan. "May pa-panyo ka po ba?" humihikbing tanong ni Clara. Mabilis namang kumilos ang lalaki sa kanyang harapan at iniabot ang isang kulay gray na panyo. "Sa-salamat." Napangiwi si Anthony ng suminga si Clara sa kanyang panyo. Hindi niya alam kung matatawa, maaawa o ano ba dapat maramdaman sa dalagang nasa harapan.. Hinintay niya na lang na mahimasmasan ito habang nanatiling pinagmamasdan kung paano nito pinabaligtad-ligtad ang panyo niya at singahan ng paulit-ulit. Napailing na lang siya. Kasi walang kaarte-arte ito kung kumilos isipin pa na nasa harapan siya. Kung ibang babae baka kanina pa siya nilandi. Pinalibot niya ang tingin sa kabuuan nito. She's wearing a white blouse na pinatungan ng blazer. A skirt na hanggang tuhod nito, napataas kilay niya dahil halos skirt ng mga office girl ay kulang na lang ay panty na ang suotin. Nabalik siya sa sarili ng tumikhim si Clara kaya nabalik sa mukha nito ang kanyang tingin. Mukhang nakabawi na ito dahil maayos na ang bukas ng mukha at wala ng mga luha. "Salamat po sir, lalabhan ko muna po itong panyo n'yo. Nakakahiya naman po kasi mukhang napuno ng di kanais-nais na bacteria," nakangiwing sambit ni Clara. May hiya naman siya kahit paano. Nasa bag niya kasi ang panyo niya. "Ok lang kung gusto mo sayo na 'yan. Bakit ka ba kasi umiiyak? Nasermunan ka ba?" nakangiting saad ni Anthony at biglang humawak sa bewang ng dalaga ng mapansin ang pagkagulat sa mukha nito. "Baka lang malaglag." Pakiramdam ni Clara ay namula ang buong mukha niya dahil sa sinabi ni Sir Anthony. Nakakahiya, naalala niya pa ang mga pinagsasabi ko. Natawa naman si Anthony. Parang mas gumanda lang ang dalaga sa paningin niya habang namumula ang pisngi nito. "Fix yourself, ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa ng pinsan ko. Stop crying, ok. Mas maganda ka kapag nakangiti." Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo. Nang ma-realized ni Anthony ang ginawa ay mabilis siyang umatras at nagpaalam rito. Habang si Clara ay napahawak sa kanyang noo. At tila pangangapusan ng hangin sa kakaibang pakiramdam na nagsisimulang umusbo sa kanyang puso. WALANG KATOK-KATOK na pumasok si Anthony sa opisina ng pinsan niya. "What the f*ck!" malakas na singhal ni Andrew sa taong basta na lang pumasok sa kanyang opisina. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya ang pinsan na si Anthony na parang haring umupo sa sofa, isinandal ang likod at ipinatong ang mga paa sa center table. Kapal talaga ng mukha. "Stop being bitter couz. Pati ang walang kamalay-malay ay nadadamay dyan sa ugali mo," saad ni Anthony habang nakapikit ang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan niya si Clara. Kahit na sa noo lamang 'yun ay halik pa rin 'yun. "What are you talking about?" inosenteng tanong ni Andrew. Humarap patagilid si Anthony at binuksan ang mga mata. Nakita niya ang pinsan na busy sa harap ng laptop nito. Napabuntung-hininga na lang siya. "Spill it out," rinig niyang sambit ng pinsan. "I saw your secretary, she was crying. Ano na naman ginawa mo?" inis na tanong ni Anthony sa pinsan. Napaangat ng ulo si Andrew dahil sa tanong ng pinsan. Isinandal niya ang likod sa swivel chair and cross his arms. "Concern?" Binawi ni Anthony ang tingin sa pinsan at ibinaba ang mga paa. Tumayo siya at naglakad patungo sa gawi ng pinsan. "Yes.. remember I'm going to replace you for one month and I don't want to have a problem. What if she resign, I can't do all the job's here," pangangatwiran niya na sana sakyan ng pinsan niyang bitter. Nagdududa tinignan ni Andrew ang pinsan. Kung hindi lang talaga nito ibinandera sa kanila na hindi nito type ang secretary baka nag-isip na siya. "Hindi siya magre-resign, kaya don't stress yourself ok. At layuan mo rin siya. Dahil baka ikaw ang tuluyan magpa-resign sa kanya." Tinignan ng masama ni Anthony si Andrew. "What do you mean by that? Mukha ba akong nangangain ng tao?" "Hindi, mukha kang nangangain ng sariwang mani," sabi ni Andrew. "Hindi pa ako nakatikim ng sariwang mani 'no. I wonder if how it ta- f*ck!" malakas na daing ni Anthony ng may tumamang matigas na bagay sa kanya. "Pervert! Lumayas ka nga sa opisina ko!" sikmat sa kanya ni Andrew. Humalakhak lang si Anthony dahil pikunin talaga ang pinsan kahit kelan. Imbes na sundin ang pinsan ay humiga siya sa sofang naroroon. Lumagpas pa ang kanyang mga paa dahil may katangkaran siya. Bigla na naman niya naalala ang paghalik niya sa noo ni Clara. Ano kaya ang reaksyon niya sa ginawa ko? 'Yun ang nasa isip niya hanggang sa makatulog. Napailing na lang si Andrew nang marinig na humihilik na ang pinakababaero niyang pinsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD