Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtaob sa gilid ng kama pero hindi ko siya pinag-aksayahan na balingan nang aking tingin. Masyado akong nasaktan sa kaniyang ginawa. Kapag ako ay galit na galit siya kahit wala naman akong ginagawa maliban sa pakikipag-usap pero siya ay pwedeng-pwede kung kailan niya gusto. Hinayaan niya akong umiyak hanggang kailan ko gusto. Tahimik lang siya habang nakahiga sa tabi ko at pinakikinggan ako sa aking paghahagulhol. Ilang oras na akong umiiyak hanggang sa natapos na ang pananahimik niya. Siguro ay naiingayan na siya sa akin. "Just do it what I say," mahina niyang sabi sa akin. Sapat lang ang hina ng boses niya para marinig ko ang sinabi niya. Marami akong mga katanungan sa aking sarili. Bakit kailangan ko pang sundin ang mga gusto niya dahil sa