Chapter 55

2240 Words

NAGLALAKAD-LAKAD si Tami sa may driveway nang umagang iyon nang makita ang guwardiya sa may gate na naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. May dala iyong bungkos ng rosas. Napangiti siya. Mukhang may delivery para sa kaniyang abuela. “Good morning,” bati pa niya sa guwardiya. “Para po kay Lola Amanda?” tanong pa niya. “Good morning, Ma’am. Hindi po para kay Señora. Para po ito sa inyo. May nag-deliver po,” anito bago iniabot sa kaniya ang bungkos ng pink na rosas. May pagtatakang mababakas sa kaniyang magandang mukha nang kunin niya ang bulaklak mula sa kamay ng guwardiya. “P-para sa akin? Sigurado po kayo?” “Opo, Ma’am. Bilin po ng delivery boy, para kay Tamara Mie raw po. Eh, kayo po ‘yon,” anito bago nagpaalam na sa kaniya na babalik na sa may guardhouse. “Sige po. Salamat,” ani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD