MATAPOS kumain ng almusal ay nagpababa lang sila ng kinain ni KG. Sunod niyon ay inaya na siya nitong maligo. Sabay pa sila, bagay na madaling kinasanayan ni Tami dahil hindi na siya nakakaramdam pa ng hiya sa kaniyang asawa. “May pupuntahan ba tayo?” tanong pa niya sa kaniyang asawa matapos nilang maligo at nagbibihis na lamang sa loob ng walk-in closet. “Hmmm. Kaya bilisan mo ng magbihis,” suhistiyon nito na matapos isuot ang damit na polo ay nilapitan ang dalawang maleta na ikinakunot ng noo ni Tami. “Ilalabas ko lang ito,” paalam pa sa kaniya ni KG. Awang ang labi na nasundan niya ng tingin ang kaniyang asawa. Bakit may maleta? Bakas pa rin ang pagtataka sa kaniya na nagmadali na siya sa pagbibihis. Casual lang suot niya nang mga sandaling iyon. Balloon retro pants at puting damit n