BUSOG NA busog ang mga mata ni Tami habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Kabababa lang nila ni KG sa yate at may sumalubong pa sa kanila na dalawang babae na nagsuot sa kanila nang kuwentas na gawa sa bulaklak. Feel na feel niyang lalo ang ambience ng tabing dagat kahit hindi summer. Mayroong beach mansion na kulay puti at ang bubungan ay kulay asul. Ang gilid niyon ay ang kinaroroonan ng infinity pool. Maraming halaman at puno sa paligid niyon na lalong nakakapagpa-refresh sa kaniyang paningin. Ang sarap lang pagmasdan. Pinong-pino ang puting buhangin. May kalawakan din ang sakop ng buhanginan sa harap ng beach mansion bago ang mismong kinaroroonan ng tubig sa dagat. Sa gilid ng tabing-dagat ay mayroon pang naghelera na mga punong niyog. “Nakahanda na po ang tanghalian ninyo,