ILANG sandali yatang nakatayo lang si Tami sa may paanan ng kama habang nakatingin sa may bandang uluhan niyon. Wala na roon ang wedding portrait nila ni KG na kanina lang ay nakasabit pa nang iwan ang silid na iyon. Tinanggal din siguro nito kanina. Kung saan man nito inilagay ay hindi na siya nag-usisa pa. Huminga siya nang malalim bago ipinasya ng mahiga sa kama. Wala naman siyang ginawa ngunit pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Kaya naman mabilis siyang iginupo ng antok. PAGPASOK ni KG sa master bedroom ay ang kinaroroonan agad ni Tami ang kaniyang unang nakita. Nakahiga na roon ang kaniyang asawa. Mukhang tulog na ito. Naglakad siya palapit sa kama nito at pinagmasdan ito. Base sa klase nang paghinga nito ay malalim na ang tulog nito. Sinamantala naman niya iyon para m