LVI. UMUPO NA MUNA si Kirsten sa sofa nila at agad naghanap ng periodic table sa Zoogle. Nakapagtapos man siya nang may magandang parangal ay hindi iyon dahilan para masagot niya nang mabilis ang katanungan ng anak. Aminado siyang nakalimutan na rin niya kung ano ang ilang element name, symbol, at atomic number na nilalaman ng periodic table. “Eighty five, fifty three, and six. . . umm, wait,” sabi ni Kirsten sa isipan. Napangiti si Kirsten nang may makitang periodic table. Pinindot niya na iyon para tingnan kung ano ang code na binigay ng anak. Minsan, aminado siyang mababaliw na sa anak niya. Sa murang edad nito, marunong na itong magbasa. Siguro isa sa dahilan ay mga libro ang palaging kasama nito. Wala itong mga kaibigan dahil nakakulong pa rin sila sa resort. Sa limang taon na lumi