LV. HABANG NAKALUBLOB SA tubig si Kirsten, pinilit niyang makawala sa mga kamay ni Ice. Kahit masakit ang tiyan at puwetan niya dahil sa pagbagsak kanina, nagawa niya pa rin na sipain ang asawa. Sa pagkakataong iyon, nabitawan siya nito. Lumangoy si Kirsten palayo sa asawa. Kahit hindi niya mapaliwanag ang sakit ng tiyan na nararamdaman niya ay pinilit niya pa rin na makalayo. Ginawa niya ang makakaya niya. Nang mahawakan na niya ang handrail ng swimming pool, aakyat na sana siya, pero hindi niya nagawa iyon nang hinila ang buhok niya. “Ice, tama na!” sigaw ni Kirsten. Labis na ang galit niya rito. “Lumalaban ka na, ha!?” natatawang sabi ni Ice. Wala man lang pagsisisi sa mga mata nito. “Oo, lalaban ako para sa anak ko!” sabi ni Kirsten sabay siko sa mukha ng asawa. Nang nagawa ng mak