XV. “ICE, ANO ’YAN?” hindi makapaniwalang tanong ni Kirsten. Hinihingal si Ice nang makabalik sa loob ng kanilang kuwarto. Hindi naman mapakali si Kirsten kung ano na ang nangyari rito. Umupo si Ice sa sofa at ininom ang tubig na nakita nito sa mesa. Nang gumaan na ang pakiramdam nito, nilingon nito si Kirsten. Masasabi na nitong pwede na itong makapagsalita. “Buhok. Hinila ko talaga ang buhok ni Tito,” sabi ni Ice. “T-Tito Fred?” panghuhula ni Kirsten. “Tito Zeddrick.” Napakunot ang noo ni Kirsten. “Bakit siya?” “Hindi kasi ako makatiyempo kay Tito Fred. Pero dahil close ako kay Tito Zedd, ginulo ko ang buhok niya at pasimpleng humablot ng buhok.” “Bakit nga siya?” “Malakas din kasi ang kutob ko kay Tito. Lalo na noong malaman ko na may cheating issue na siya before. All I can sa