XL. NASA OPISINA SI Kirsten at abala sa pinapagawa sa kaniya ni Ice. Kanina pa siya nakaharap sa laptop niya at inayos ang ginagawa niya. Gusto niya lang na maging pulido ang lahat para hindi na siya dumagdag sa problema ng asawa niya. Kanina pa niya napansin na tahimik lang ito. Gusto man niyang tanungin ito pero natatakot talaga siyang gawin iyon. Sa tingin niya, mas magandang ideya kung kusa itong magkuwento sa kaniya kung ano man ang iniisip o pinoproblema nito. Habang papatapos na sa ginagawa si Kirsten, nagnakaw siya ng tingin sa asawa. Katulad kanina, tahimik pa rin ito at abala sa pagbabasa ng mga papers na isinumete kanina ng mga tauhan nito. Ang ginawa niya, pinatakbo ang swivel chair at lumapit dito. Napalingon naman ito sa kaniya at nginitian siya. Sa ngiti nito, naalala niya