XLI. APAT NA BUWAN na ang lumipas, nanatiling matatag ang relasyon nina Kirsten at Ice. Naramdaman niya kahit paano kung paano ang mahalin. Unti-unti na niyang nararanasan kung paano alagaan ng nag-iisang Ice Miranda. Masasabi niyang masaya at challenging sa kaniya. Sa apat na buwan naumipas, ang daming nangyari. Lalo na noong sa 24th birthday niya. Hinandaan talaga siya nang bongga ng asawa niya. Mas bongga pa sa mismong 26th kaarawan nito. Sa selebrasyon niya, hindi lang isa o dalawang letson kung hindi tatlo. Uminom pa siya sa gabing iyon at nalasing. Ang naalala niya, muntikan nang may nangyari sa kanila. Ngunit pinigilan niya ito nang maalala ang sinabi nito sa kaniya noon na hindi pa ito handa maging ama. Para sa kaniya, hanggang sa hindi pa niya makita na handa na ito maging ama a