XX. “TIN, ANO NA?” tanong ni Ice. Sabik na itong malaman ang naging resulta ng pinagawa nitong DNA test. Hindi napigilang mapaluha ni Kirsten lalo pa at nakumpirma niya na hindi niya ama si Zeddrick. Masaya lang siya sa katotohanan na hindi niya kadugo ito. Sa totoo lang, labis ang kaba niya sa posibleng maging resulta. Buong gabi niya inisip iyon hanggang sa hindi na siya nakatulog. “Salamat sa Diyos. Hindi ako anak ng isang demonyo,” naluluhang sagot ni Kirsten. Bumuntonghininga si Ice. “So wala na si Tito Zedd sa listahan. At least, nabawasan na ng isa. Tatlo na lang silang natira.” “Pwedeng ’wag mo na lang ituloy, Ice? ’Wag ka ng magsayang ng pera.” Kinuha ni Ice ang kamay ng asawa at hinawakan ito nang mahigpit. “Hindi issue sa akin ang pera. Ang mahalaga rito, ang karapatan mo