XXI. “TIN, NAPALUHA KA?” nag-aalalang tanong ni Lorraine. Napipilitang ngumiti si Kirsten. Gusto niyang ipakita sa kaibigan na masaya siya para rito. Kahit ang totoo, nadudurog siya. Para bang sinaksak ng patalim ang puso niya. Masakit para sa kaniya na napunta ang lalaking mahal sa kaibigan. “Masaya lang ako para sa iyo. Finally, nakatagpo ka na ng para sa iyo.” Tiningnan ni Kirsten si Vico. “Kaklase ko lang pala ang nakatadhana para sa iyo. Sana lahat.” “Kaya nga, Tin. He’s my everything. Sa sandaling panahon na kinilala ko siya, I could say na he is the one,” nakangiting sabi ni Lorraine. “Stay strong sa inyo.” Nilingon ni Kirsten si Ice sa tabi niya. “Iihi na muna ako.” Tumayo si Kirsten para umalis sana pero hinawakan ni Ice ang kamay nito. Pagtingin niya rito, tinitiga siya nit