V

2759 Words
V. NAGSIMULA NG MAGSITAYUAN ang mga balahibo sa katawan ni Kirsten nang magsalita na ang pari sa huling linya nito. Sasabihin na nito na silang dalawa na ng lalaking kinaiinisan niya ay ganap ng mag-asawa. Pumikit na siya habang nanginginig ang tuhod sa kaba. Segundo na lang ang lilipas ay magiging Mrs. Miranda na siya. “I now pronounce you husband and wife.” Tumingin ito kay Ice. “You may now kiss the bride.” “Pass,” walang ganang sagot ni Ice. Sa inis ni Kirsten, palihim niyang inapakan ang paa ni Ice. Tumawa lang si Ice at nilingon ang mga tao sa paligid. “Tingnan ninyo. Galit na ang misis ko. Gusto niya talaga ng kiss ko,” pang-aasar ni Ice. Puno ng hiyawan ang mga tao na nasa simbahan. Namumula na ang mukha ni Kirsten. Pero hindi iyon sa kilig kung hindi inis. Pinagmukha ba naman siyang patay na patay siya rito. Kung tutuusin, napunta siya sa sitwasyong ito dahil sa pagiging makasarili nito. “Hi, misis ko. My sweety boo. Handa ka na ba?” “Hindi,” inis na sagot ni Kirsten. Natawa si Ice. “Kalmahan natin, misis ko.” Dahan-dahan ng ibinuklat ni Ice ang belo na suot ni Kirsten. Nakangiti lang ito at halatang nang-iinis. Nang tuluyan ng mabuklat ang belo na suot ni Kirsten, inirapan na niya ang asawa. Tinitigan niya ito nang masama. Naiinis lang siya sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala na sa lalaking nasa harapan niya ibibigay ang unang halik. Para sa kaniya, hindi nito nararapat iyon. Dapat sa taong mahal niya lang ito ibigay at hindi sa isang taong makasarili. “Kiss! Kiss! Kiss!” sigaw ng mga taong malalapit sa dalawa. Habang tinitingnan ni Snow sina Kirsten at Ice, hindi nito mapigilang mapangiti. Naalala lang nito noong bata pa sila. Ito pa iyong nagmistulang pari sa kunwaring kasal ng dalawa. Kahit alam nitong hindi nagmamahalan ang dalawa, masaya pa rin ito. Kinikilig lang ito. Para rito, may kilig factor ang kaibigan at ang bunsong kapatid nito. “Kiss na daw,” si Ice. Kinindatan pa nito si Kirsten. “’Wag mo masyadong idikit. Lagot ka talaga sa akin. ’Wag mo akong sagarin, Ice.” “Of course. Kadiri ka kaya.” “Napaka—” Nanlaki ang mga mata ni Kirsten nang biglang idinampi ni Ice ang labi nito sa kaniya. Pagtitig niya rito, kinindatan lang siya nito. Gusto man niya gumalaw pero hindi niya magawa. Biglang naparalisa ang katawan niya nang wala sa oras. Bumuwag na sa paghalik si Ice. “Malambot ang labi mo ngunit. . . magaspang.” Sa sinabi ni Ice ay tila bumalik si Kirsten sa wisyo. Napahawak siya sa kaniyang labi. Hindi maitago sa itsura niya ang pag-aalala. Para sa kaniya, nabawasan ang kaniyang dignidad sa pagpapahalik sa taong hindi niya mahal. Iginiya niya ang kaniyang tingin sa paligid. Nang nakita niyang nakangiti si Snow ay napataas ang kilay niya. Napaisip naman siya kung ano ang iniisip nito. Nagtataka lang siya kung bakit masaya ito. Ang alam niya, nalulungkot ito para sa kaniya. Nang nagtama ang mga mata nila ay bigla itong nalungkot. Mas napataas ang kilay niya. Kaibigan niya ito kaya alam niyang nagpapanggap lang itong malungkot. Bumuntonghininga siya, hind na niya alam ang nangyari at mangyayari pa sa buhay niya. Siguro ang hihintayin na lang niya ay kung kailan sila maghiwalay ng lalaking pinakasalan niya. Ang hiling niya ay sana hindi iyon magtagal. Sa lalong madaling panahon ay maghiwalay na sila. “Wife, look at me,” hiling ni Ice. Kinurot ni Kirsten ang pisngi ng asawa habang nakangiti. Umaarte siyang natutuwa o kinikilig dito pero ang totoo ay nilakasan niya ang pagkurot. Binuhos na niya ang lahat ng galit dito. “A-Aray ko!” reklamo ni Ice. Tumawa ang lahat sa ginawa ni Kirsten. Ang akala ng mga tao ay nagbibiro lang siya. Sa inis niya, dinagdagan pa niya ng isang kamay. “Ang cute talaga ng mahal ko. I love you, Ice!” nakangiting sabi ni Kirsten. “A-Aray!” Binitawan na ni Kirsten ang pisngi ng asawa. Pagkatapos, niyakap niya ito habang tinapakan ang mga paa nito. Ang akala niya ay ipagliliban na niya muna ang paghihiganti, pero hindi na niya napigilan ang sarili. Nang tumikhim ang pari, bumitaw na si Kirsten nang may saya sa mukha. Tinitigan niya ang asawa na hindi nakapagsalita sa ginawa niya. Pagkatapos, kinindatan niya ito. Para sa kaniya, kung pagkindat lang ang pag-uusapan ay kaya niya rin iyon. “Akala mo, ha!?” irap na sabi ni Kirsten. Nang tuluyan ng natapos ang kasal ay dumiretso na sila sa reception. Sa tulong ng mga organizers, napalitan nila ang pangalan ni Lorraine roon. Lahat ng nandoon ay tungkol na kina Kirsten at Ice. Dahil biglaan ang kasal nilang dalawa, wala ng naganap na anumang pakulo. Kumain lang sila at sumayaw. Kahit hindi niya gusto ang nangyari, natuwa na lang siya kahit paano nang binulong sa kaniya ni Ice na sa kaniya na lahat ng pera na nakadikit sa bridal gown na suot niya. Ilang oras ang lumipas, gabi na at natapos na rin ang pagdiriwang ng kasal. Dumiretso na ang lahat sa mansion ng Miranda para umuwi. Gusto mang magsalita ni Kirsten pero hindi niya magawa. Kasama niya sa van ang pamilya ng napapangangasawa niya. “Hijah,” sambit ni Ivy. Napalingon si Kirsten dito. “Yes, Tita?” “T-Tita? It should be Mama or Mommy, hijah. Asawa ka na ng anak ko,” paalala ni Ivy. “M-Mom, syempre, naiilang pa ’yang misis ko. Masasanay rin ‘yan. Alam mo na, lumaki siyang Tita ang tawag niya sa ‘yo. Then the funny thing, she attended in a wedding as a maid of honor tapos at the end of the day. . . siya pala ang magiging bride ko. Ipinaglaban niya ang pagmamahal niya sa akin.” Nilingon ni Ice ang asawa. Hinawakan pa nito ang kamay. “I love you, misis ko.” “Ang sweet talaga ng apo ko. Basta, regalo ninyo na sa akin ang apo ko sa tuhod. Ice, galingan mo. Huwag mong ipahiya ang lahi natin,” nakangiting sabi ni Doña Irwana. “Of course, Mamita. Ang swerte nga ng asawa ko...” Inakbayan nito si Kirsten. “Siya ang makakauna sa akin.” Nagsitayuan na ang mga balhibo ni Kirsten sa mga narinig. Kung pwede lang sumuka ay ginawa na niya sa harapan ng pamilya ng asawa niya. Pero dahil mag-asawa at totoong nagmamahalan sila sa mga mata ng pamilya ng asawa niya, wala dapat siyang ilang na ipakita sa mukha. “Kirsten, mag-ingat ka sa apo ko. May malaking karga iyan na minana sa yumaong asawa ko,” si Doña Irwana. “Tama ka, Mom,” natatawang sabi ni Ivy. Nilingon nito si Sid at hinalikan sa pisngi. “I love you, mahal. Binubusog mo ako.” “Huwag ninyong tinatakot si Kirsten. Baka aatras iyan sa first honeymoon nila ni Ice,” sabi ni Sid. Nanginginig na ang tuhod ni Kirsten. Hindi siya mangmang. Alam niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. “Mom, Dad, Mamita, pagdating kay Kirsten. . . I’ll always be gentle. She deserves it,” sabi ni Ice. Sa isipan ni Kirsten, sumuka na siya. Sa tingin niya, hindi niya na makakayanan pang makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Kailanman, hindi sumagi sa isipan niya na magkagusto sa napangasawa niya. Kaibigan lang ang turing niya rito kaya grabe ang pag-aalala niya rito. Lalo na sa ginawa nito kagabi. “Ang tahimik ni Kirsten, Mamita. Siguro, iniisip na niya kung gaano kalaki ang ak—aray!” sigaw ni Ice. Napanganga ito. Nagtawanan ang lahat habang kinurot ni Kirsten ang asawa. Hindi na niya hahayaan na magsasalita pa ito. “Ganyan din kami noon ni Sid. Nakikita ko ang mga sarili namin sa inyo. Ipagpapatuloy ninyo ’yan,” natutuwang sabi ni Ivy. Hindi niya mapigilang kiligin sa dalawa. “Anyways, obviously tonight ang first honeymoon ninyo. . . what’s next?” tanong ni Sid. “If ever papalarin na maka-shoot, Dad. Plano ko talaga na magkaroon agad ng anak para kay Mamita for us. Tapos, magpokus na ako sa trabaho. Gagalingan ko para sa future ng Miranda. Kahit wala ang Guillermo, I will prove everthing na kaya natin,” si Ice. “Nice mindset, Ice. Hopefully, maka-shoot ka agad. Gusto kong makita ang magiging apo ko sa inyo. You are handsome na mana sa akin at si Kirsten naman, pinaghalo ang mukha sa ina at ama niya,” sabi ni Sid. Napalingon si Kirsten sa ginoo nang masabi iyon. Kahit sina Ivy, Doña Irwana, at Ice. “B-Bakit?” nagtatakang tanong ni Sid. Nahihiwagaan lang ito sa titig ni Ivy. “K-Kilala mo ang ama ni Kirsten?” Makikita sa mukha ni Ivy ang pagkagulat. “H-Hindi. What I mean. . . kilala natin si Marissa. She’s beautiful like Kirsten, pero aminin man natin ay kalahati lang ang mukha nito na naipama kay Kirsten. So, I conclude, sa ama niya galing ang kalahati.” Pilit itong ngumiti. “B-Bakit? Akala ninyo kilala ko? Kung alam ko man. . . bakit hindi ko sasabihin? Kirsten grew up na hinahanap ang kalinga ng ama. Ipapagkait ko ba iyon as a father?” Bumuntonghininga si Kirsten. Ang akala niya ay kilala na ni Sid ang ama niya, pero hindi pala. Umaasa lang siya. Kahit bente tres anyos na siya, nagbabaka-sakali pa rin siya na isang araw, bubungad ang ama niya. Pero ang tanong, hindi niya alam kung paano. Walang clue na naiwan ang ina niya. “Akala namin ay alam mo. . . pero Sid, paano kung isa sa mga kaibigan mo iyon?” tanong ni Ivy. “Nahihibang ka na ba? All my friends were married. At isa pa, inisa-isa na natin ang CCTV everytime na may party sa bahay. Walang ni isa ang lumalapit kay Marissa. Walang kakaiba.” Tiningnan ni Sid si Kirsten. “Kaya sigurado ako, hijah. Ang ama mo ay mula sa labas at ang tanging nakakaalam lang niyon ay ang ina mo.” Hindi na sumagot si Kirsten at tipid lang na ngumiti. Napatingin naman siya kay Ivy na nagpakawala nang malalim na hininga. “Maaari. Pero hindi naman umaalis ng bahay si Marissa,” si Ivy. “A-Anong hindi? Inuutusan mo siyang mamalengke minsan o hindi kaya pagkain na nakalimutan mong bilhin noon kina Snow at Ice.” “Tama pala. Pero ano iyon? Nagnanakaw ng oras si Marissa para makipag-date and had a. . .” Napatingin si Ivy kay Kirsten. “Sorry, hijah. I’m just overthinking. Gusto ko lang talaga mahanap ang ama mo para malaman niya na may isa siyang maganda at mabuting anak. How unlucky he was na hindi ka man niya nakilala.” “Okay lang, Tita. Naiintindihan ko. Salamat sa inyo. Pero kung buhay pa man ang ama ko. Sana nga buhay pa siya at masaya sa pamilya niya kung meron man,” si Kirsten. “The question is. . . alam niya kayang may anak siya? Ewan ko ba kay Marissa, masyadong malihim,” si Ivy. Nag-iisip ito. “W-Wait! May naalala ako.” Kumunot ang noo ni Sid habang nakatingin sa asawa. “Ano na naman iyan, mahal?” “One time, inutusan ko si Marissa. Alam mo ba kung kanino siya nakisakay pag-uwi? Sa mga kaibigan mo including Zeddrick. Sa van ni Zeddrick. Malamang sa ganda ni Marissa, may nagkaka-interes sa kaniya sa mga kaibigan mo.” “Mahal, may asawa na nga ang mga kaibigan ko. Hindi nila magagawa ’yon,” giit ni Sid. “But they are men who can easily cheat.” “Stop being misandristic, mahal. Hindi porque lalaki sila ay magagawa na nila iyon. Make me an example. . . did I cheat you? Hindi, ’di ba? Isipin mo ’to. . . did you think na magagawang maging kabet ni Marissa?” “Tama pala.” Bumuntonghininga si Ivy. “Hindi ko man lang iyon inisip. Para ko na rin palang sinabi na mistress ang kaibigan ko.” Nilingon ni Ivy si Kirsten. “Sorry again, hijah.” “Naiintindihan ko, Tita. No need to say sorry,” nalulungkot na sabi ni Kirsten. Tumikhim si Ice kaya nasa kaniya ang lahat ng atensiyon. Tiningnan ito ni Kirsten at seryoso rin itong nakatingin sa kaniya. Sa isipan niya, may sasabihin na naman itong hindi maganda. “’Wag kang mag-aalala, misis ko. Ang mahalaga, may ama ang magiging anak natin. Nandito lang ako para sa inyo. Alam mo na, mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaan na mangyari sa magiging anak natin ang nangyari sa iyo. May maging pamilya siya. Buo,” sabi ni Ice. “Aw,” sagot ni Kirsten at yumuko na lang. Napakamot sa ulo si Ice. Hindi nito inaasahan na sasagutin ito nang ganoon. Ang inaasahan nito, sasabayan ni Kirsten ang sinabi nito. “Ang sweet mo. Sana lahat katulad mo, misis ko,” sarkastikong sabi ni Ice. Tumawa lang sina Doña Irwana at ang mag-asawang sina Sid at Ivy. Natutuwa lang silang tingnan ang bagong kasal. Dinadala lang sila nito sa nakaraan. Naalala nila ang masasayang alaalala nila noong nakaraan. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa mansion. Unang bumaba si Ice. Habang papababa na si Kirsten sa van, nakita niyang nag-aabang sa kaniya si Ice. Bumuntonghininga siya, masama na naman ang kutob niya. May mangyayari na namang hindi maganda. Hindi pa man siya tuluyang nakababa ng van ay kinarga siya nito. Katulad ng ginagawa ng groom sa bride kapag bagong kasal. “Hayop ka! Bitawan mo ako, Ice!” gigil na bulong ni Kirsten. “You chose me. . . be it!” mayabang na sagot ni Ice. “Napaka mo talaga!” Walang nagawa si Kirsten kung hindi hayaan ang sarili na kargahin ng asawa na nagbabalat-kayo sa harap ng pamilya. Ang ginawa niya, pumikit na lang siya para hindi ma-distract ng mukha nito. Alam niyang nakasisilaw ang kaguwapuhan nito kaya umiwas na lang siya. Hindi nagtagal, dumating na sila sa loob ng mansion. Napa-isip naman siya kung wala ba talaga siyang balak na bitawan nito. “Ang sabi mo, hindi mo kahinaan ang isang tulad ko? Why you can’t stare at me,” tanong ni Ice. Maririnig sa boses nito ang yabang. “Kaya ko. . . but not this time. Nandidiri ako,” nakapikit na sabi ni Kirsten. “Ang choosy mo, ha? Lagot ka talaga sa akin kapag makatulog ka na. Kukunan ko ng litrato ang ano mo at gawin kong angry emoticon.” Hindi napigilang matawa ni Kirsten sa sinabi nito. Hindi niya mapagkaila na kahit hambog at makasarili ito, may mataas din itong sense of humor. Napapatawa siya nito. Itinikom na ni Kirsten ang bibig nang maramdaman na papaakyat na sila sa hagdan. Kinakabahan lang siya na baka mahulog sila. Ang inisip niya na lang ay magaan siya at hindi mahihirapan sa kaniya ang asawa. Minuto ang lumipas... “Everyone!” sigaw ni Ice. Naimulat ni Kirsten ang mga mata niya sa sinabi ni Ice. Tiningnan niya ito. Pagkatapos, sunod niyang tiningnan ang ibabang parte ng bahay. Nasa palapag na pala sila kung saan makikita ang kuwarto ni Ice. Nakikita niya mula sa itaas ang pamilya ng asawa sa baba. “Kung may lindol na magaganap mamaya. . . ’wag ng mag-duck, cover, and hold. Kami lang ’yon ni Kirsten ang nagbakbakan sa kuwarto,” si Ice. Kinurot ni Kirsten ang asawa. “Bwes*t ka, Ice. ’Wag kang hambog! Akala mo talaga magagawa natin iyon?” “’Wag kang epal! Hindi ka sexable,” inis na sabi ni Ice. “Sh*t!” Nagsimula ng humakbang si Ice papunta sa kuwarto nito. Nang bumukas na ito, kinabahan na si Kirsten. Pagpasok nila, hindi naman sila pinansin ni Amara na nababagot na tiningnan sila. Maaaring nagtampo ito dahil hindi sinama. “Ibaba muna ako,” hiling ni Kirsten. “The game is over,” sabi ni Ice sabay hagis kay Kirsten sa kama. Walang nagawa si Kirsten kung hindi ang mapasigaw na lang sa gulat. Nang lumapag na siya sa kama ay napahawak na lang siya sa likuran niya. Mabuti na lang ay malambot ang kama nito. Tiningnan ni Kirsten nang masama ang asawa. “Hayop ka talaga!” “Talaga? Aw! Aw! Aw!” anito. Tumahol pa ito na parang aso. Napailing na lang si Kirsten. Wala man lang utang na loob ito sa kaniya. Ngayon pa lang ay manunumbat siya sa isang taong walang hiya. Lalo tuloy siyang nanggigil dito. Gusto niyang pigain ang mukha nito. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD