LXIII. NAPATIGIL SA PAGSASALITA si Ice nang bigla siyang hinalikan ng anak sa pisngi. Humagulgol naman siya nang hinawakan nito ang mukha niya at hinaplos. Paglingon niya rito, umiiyak ito pero nakatitig pa rin sa kaniya. Nakikita niya ang takot sa mukha nito. “Ice, ibalik mo na ang anak ko!” sigaw ni Kirsten. “No! Napakaramot mo! Anak ko rin ito! Ano pa ba ang gusto mong gawin ko!? Humingi na ako ng sorry sa iyo! Pinaluhod mo na rin ako! Ano pa ba, Tin!” sigaw ni Ice. “Iyan! Iyan ang ugali mo. Iyan ang dahilan kung bakit hindi kita mapapatawad. Imbes na humingi ka ng patawad ay nagmamalaki ka pa! Imbes ipakita mo ang good side mo sa bata, kung meron man. Pero ano ang ginawa mo!? Nanipa ng taong mahalaga sa kaniya, nanunutok ka pa ng baril, naninigaw! Ice, sa tingin mo. . . nakabubuti