CHAPTER 3

1079 Words
[Seraphina Rivero] TAHIMIK ang kabuuan ng klase dahil mayroong exam sa araw na iyon. Lahat ng estudyante ay nakayuko sa binabasa nilang answer sheet. I’m a grade 9, Math Teacher. Ilang taon na akong nagtuturo sa junior high school sa paaralang ito ng St. Benedict. Hindi ko alam pero parang nagsawa na ako sa buhay na ganito; teaching, lesson plan, report tapos ay uuwi sa bahay—then, repeat. For a couple of years ay ganito ang nangyayari sa akin sa araw-araw. Pakiramdam ko ay walang pinatutunguhan ang buhay ko. Tiningnan ko ang bintana sa labas. The yellow sunlight is inviting me to go somewhere. Nag-iisip ako na mag-beach na bibihira kong magawa. I just want myself to soak in water, listen to the sound of waves and enjoy the sun.  Lumipas ang ilang minuto na nililipad ang isip ko bago unti-unting nauubos ang mga estudyante sa loob na nakatapos na ng exam nila. I allowed them to enjoy their time because they finished the exam. Nagbuga ako ng hangin. Halata na may makahulugan akong hugot sa paraan ko ng paghinga. I feel exhausted, exhausted from my routine activities every day.  Sininop ko ang lahat ng mga papel na ipinasa sa akin sa ibabaw ng table. May naiwan pang limang estudyante sa loob ng kuwarto na patuloy pa rin sa pagsagot sa mga papel nila. Sinilip ko ang oras at mayroon pa silang limang minuto bago mag-alas-tres para tapusin ang exam. Pahapyaw kong sinuri ang mga papel na naunang ipinasa sa akin sa mesa. Napapangiwi ako dahil may mga tanong na hindi nasagot ng ilang estudyante. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka hindi ako magaling na guro kaya hindi nila masagutan ang ilan sa mga tanong. "Ma'am." Inabot ng isang estudyante na lumapit sa akin ang kanyang sinagutang answer sheet. Kumunot ang noo ko nang makita na kakaunti lang ang sinagutan niya sa papel. "Hindi ka nag-review?" mahinhin na tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa ulo. Halata na sinagot niya na ako ng oo, hindi siya nakapagreview. "Okay, you may go now." Hinihilot ko ang aking sentido. Parang dumoble kasi ang kirot nito. Hindi pa natatapos ang oras ng klase ko nang makarinig ako ng komosyon sa labas ng silid. "Leave her alone! You're a bully!" "Fu*k off!" pasinghal na sagot ng kung sino. ‘Tapos ay may tumili matapos ang kaluskos. Nagmadali ako na tumayo at saka binuksan ang pintuan para silipin kung ano ang nangyayari sa labas.  Nakita ko na may estudyante na nakaupo sa gilid ng pader na halatang tumilapon siya doon. Estudyante ko siya, si Manuel Ginoo. Matalino siya at madalas na honor. May isang estudyante ang nakatayo sa harap niya, ang bully sa school, si Aki Perez. Madalas na ipatawag ang magulang niya na businessman. Sa unang tingin ay alam ko na agad na sinuntok niya si Manuel. Hinawakan ni Aki ang kuwelyuhan ng suot na polo ni Manuel na napaupo sa sulok ng pader. Nakaamba ang kamao niya para ihampas sa huli. "Perez!" tawag ko sa pangalan niya. Tinakbo ko siya para pigilin ngunit tumama sa pisngi ko ang suntok niya.   "Ahh!" Napahiyaw ang mga nakasaksi, nabigla ang lahat matapos akong tumilapon sa pader. Para bang namanhid saglit ang utak ko at hindi ako nakapag-isip kaagad nang tama—blangko at parang nawala ako sa ulirat. "M-Ma'am, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Manuel bago hinarap si Aki. "You bastard!"  Dumating ang principal kasama ang security. "Perez and Ginoo, to the guidance office! Everyone, go home!" singhal niya sa lahat.  Nakabawi ako nang marinig ko ang boses niya. Tumayo ako nang tuwid at inayos ang sariling kasuotan na bahagyang nalilis. Ramdam ko rin ang sakit ng panga ko na nakaranas ng dahas. Hinipo ko iyon at napapikit nang mariin. Pinigilan ko ang umiyak. "Miss Rivero, what happened to you?! Hindi mo ba kayang pigilin ang gulo ng mga estudyante mo?" galit na tanong ng principal sa akin matapos magsialisan ng mga estudyante.  Gusto ko sanang magreklamo sa kanya na nasaktan ako ng estudyante ngunit parang naipit sa lalamunan ko ang mga kataga, mas pinili ko na lang ang magpaumanhin. May pagkakamali rin kasi ako. "I'm sorry, Ma'am."  Inirapan niya ako at saka siya tumalikod. Hinilot ko ang aking pisngi na namanhid bago pumasok sa loob ng kuwarto. I felt bad even more when I saw my remaining students in the room, copying the answer sheets on the table. I don't know what to say. Gusto kong magmura o sumigaw. Nalingat lang ako saglit dahil sa komosyon sa labas ngunit nagawa na ng mga estudyante ko ang mangopya sa mga estudyanteng nag-aral talaga. Napapikit ako nang mariin. "You may now go home. Your score will be zero. Wala nang sasagot!" Para silang mga langaw na mabilis na nagsialisan.  Kinalma ko ang sarili kaysa ang umiyak. Napaupo ako sa silya na parang nauupos na kandila. This is the baddest day of my career as a teacher.  Iniligpit ko na lang ang lahat ng mga gamit ko para makauwi na sa bahay. Doon ko na lang itutuloy ang mga kailangan ko pang gawin. Hindi rin ako sigurado kung nagkapasa ako sa pisngi.  Dahan-dahan at mahinhin kong nilakad ang kahabaan ng pasilyo papalabas ng eskwelahan. Sa gate ay natagpuan ko na naghihintay sa akin ang nobyo kong si Luis. Nabigla ako sa biglaan niyang pagsulpot lalo na at alam ko na oras pa ng trabaho niya. He's a nice man. May restaurant na pag-aari ang pamilya niya. Nagtatrabaho naman siya bilang accountant sa isang accounting firm. He's tall and has a slim body. Mestiso siya dahil namana niya iyon sa lola niyang espanyol. Kahit ang ilong niya ay may katangusan. May maliliit na tumutubong balbas at bigote sa mukha niya na halatang araw-araw niyang inaahit. Sa kabuuan ay may pagkakahawig siya kay Dennis Trillo.  Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa pisngi.  "What happened to you?" he asked. I thought he was going to kiss me.  Bahagya kong tinabig ang kamay niya. "M-may nag-away na estudyante at nadamay ako. Sa bahay ko na lang gagamutin," simpleng sagot ko sa kanya. Tumango lang siya. Hindi ako sigurado kung nahalata niya na nailang ako sa paghawak niya sa pisngi ko. Inalalayan niya na lang ako na makasakay sa passenger seat ng dala niyang kotse. Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa habang lulan niyon. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang ikukuwento ko sa kanya. Ibabahagi ko ba na masama ang araw ko ngayon? Mas pinili ko na lang na sarilinin dahil alam ko na sa huli ang sasabihin niya sa akin ay sundin ko ang magulang ko. Sa bahay nang hapon na iyon ay hindi ko akalain na may mas mabigat na balita ang sasalubong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD