[Seraphina Rivero]
NAKILALA ko ang babae na nakikipagtalik sa loob dahil namukhaan ko ang pulang nighties niya, ang isa sa mga bisita ni Miranda. Hindi ko alam kung paano niya nagawang pumuslit sa party para makipagtalik sa lalaking ito na may kakaibang ngiti sa labi. He continued to look at me while he’s having s*x with the woman.
Hindi ko maiwasan na ibaba ang paningin at mapatingin sa kanyang… Oh my, Lord!
Nanlalaki ang mata ko kasabay ng pagbilog ng aking bibig. Tinakpan ko iyon at baka pasukin pa ng langaw at baka kung ano rin ang isipin niya sa akin. Tila binalot ako ng init habang saglit na tiningnan ang mukha ng lalaki. Tumaas ang gilid ng labi niya habang hindi tumitigil sa pagkilos.
“Ah! Who’s that?!” galit na tanong ng babae. Sa palagay ko ay naramdaman niya ako.
“No one,” sagot ng lalaki habang sa direksyon ko nakatingin. Sa tingin ko ay aliw na aliw siya sa akin.
Naging hudyat iyon upang mabilis akong bumaba mula sa tinutuntungan at nagmadaling lumabas ng ladies’ room. Hindi naman bago sa akin na may mga tao talaga na mapupusok dahil sa mga estudyante ko pero unang beses kong makasaksi ng nagtatalik sa personal. Kahit p**n nga ay hindi pa ako nakapanood sa buong buhay ko.
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi habang pabalik sa kuwarto na inupahan ni Miranda. Kailangan ko nang magpaalam sa kanya na uuwi na ako. Mag-aalas-otso na rin kasi ng gabi at sigurado ako na hinahanap na ako sa amin.
Parang tattoo na tumatak sa isipan ko ang nasaksihan sa loob ng palikuran. Ramdam ko na nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon ngayon at tila nilalason ng kung sinong demonyo ang utak ko. This is wrong! Kailangan kong magdasal nang taimtim at manghingi ng tawad sa aking kasalanan.
Tinungo ko ang puwesto kung saan naroon ang mga inumin at inubos ko ang isang baso ng tubig. Bahagya akong kumalma matapos kong maubos iyon.
Natagpuan ko si Miranda na katatapos lang makipag-usap sa isang bisita niya. Nanghingi ako ng paumanhin sa kanya dahil kailangan ko nang umuwi. “I’m sorry, I need to go home. Alam mo naman na mapagagalitan talaga ako ng parents ko.”
Inirapan niya ako. “Ilang taon ka na ba? Twenty-seven! Pero daig mo pa si Cinderella kung magpaalam na uuwi.”
Halatang naiinis talaga siya sa akin. May lumapit na isa pang babae at sinabi na may surprise ang mga ito kay Miranda. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon na tuluyan nang umalis dahil tila nilipad ng hangin ang pagkabuwisit niya sa akin.
“Magkita na lang tayo ulit, sige na, bye!” Nakipagbeso na ako sa kanya sa pisngi at saka mabilis na umalis sa party.
Sa lobby ay natagpuan ko muli ang lalaki na nakita ko sa ladies’ room. Hindi ko maiwasan na itanong kung bakit ang bilis naman yata niyang makipagtalik doon sa babae. Mayroon siyang kausap na lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Matangkad siya na naglalaro sa anim na talampakan at mahigit pa ang taas. Hindi siya mestiso pero hindi rin siya gano’n kaitim. I can’t lie that he is handsome, with his masculine and strong jaws, his hooked and straight nose, his thin lips, and sharp and playful eyes. Bumabagay din sa kanya ang itim at alun-alon na buhok; ‘yung sakto lang na gupit ng mga lalaki.
Huwag kang titingin! Huwag kang titingin!
Hindi ko alam kung paano ako magtatago. Nagtagpo muli ang mata namin. Yumuko ako nang sobra at itinakip ang buhok ko sa direksyon niya para hindi niya ako mamukhaan. Bahala nang magmukhang nababaliw kaysa naman tanungin niya ako kung bakit ako naninilip sa kanya at doon sa babae sa palikuran.
Halos takbuhin ko ang daan papalabas hanggang sa makasakay sa naghihintay na taxi. Sinabi ko sa driver ang lugar kung saan ako magpapahatid. Doon lang ako nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay makakaalis na ako sa lugar na iyon.
The night was early. Pero heto ako at papauwi na sa amin na para bang pagod na pagod na sa maghapon.
Hindi ko rin maiwasan na ma-guilty habang iniisip ang kaibigan kong si Miranda. Masaya ako para sa kanya ngunit alam ko rin naman na magpapakasal lang siya dahil kailangan niya ng pera para sa nanay niyang may sakit. Hiling ko lang na sana ay maging maayos at masaya siya sa tatahakin niyang bagong buhay.
Inabot yata ng mag-iisang oras bago ako nakarating sa amin. Traffic pa rin kasi. Sinalubong ako ng papa ko na naghihintay sa gate matapos kong makababa sa taxi. Alam ko na ako ang inaabangan niya.
“`Pa!” Inabot ko ang kamay niya saka nagmano.
“Saan ka naman galing, hija? Bakit ginabi ka naman yata nang sobra?” tanong niya sa akin.
“Sorry, ‘Pa! Kailangan kong magpunta sa party ni Miranda. Nagpaalam ako sa sekretarya mo, hindi mo ba natanggap?” Sinigurado ko na tawagan ang sekretarya niya kaninang hapon para hindi sila mag-alala ng mama ko.
“Nasabi naman sa ‘kin pero hindi ko alam na gagabihin ka. Saka, ilang beses ko bang sasabihin na iwasan mo ‘yang kaklase mo no’ng high school? Tingnan mo’t ginabi ka.”
Kasalukuyan pa lang na mag-aalas-nuwebe at malalim na ang gabi para sa kanila o ang oras dito sa bahay namin. Alas-sais kasi ay narito na dapat ako sa amin. Puwera na nga lang kung may personal akong lakad na bibihirang mangyari.
Pinili ko na lang na manahimik at humingi ng paumanhin sa kanya. Alam ko naman kasi na hindi ako mananalo sa kanya dahil mahigpit ang magulang ko. “I’m sorry. Aagahan ko na lang po ng uwi simula bukas.”
Hindi na siya sumagot kaya alam kong kuntento na siya sa sagot ko.
Narinig ko na sinarado niya nang mabuti ang gate at ini-lock iyon. Umakyat na ako sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid ko, katabi ng silid ng magulang ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na nakakulong sa tahanan na ito. Isang ibon na nakakulong sa magandang hawla.
Mabigat na ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Isang puting kisame ang hinarap ko habang nag-iisip.
Naisip ko na tama si Miranda. Beinte-siete na ako ngunit daig ko pa ang isang disisiete anyos na babae dahil sa higpit ng magulang ko.
In my 27-years, my parents typically discipline me all the time. My clothes should be according to their liking—bawal ang sleeveless, strapless, humahapit sa katawan, malalim ang neckline at ang mas mataas pa sa tuhod.
Kahit ang mga babasahin kong libro ay sinusuri nila bago maipasok sa loob ng tahanan na iyon. They won’t accept me to read mature romance novels. Kaya naman puro academic ang laman ng aking bookshelf sa kuwarto.
Kung bibilangin at ililista ang mga bawal sa kanila, siguradong mananalo ang magulang ko sa The Guinness Book of Records.