Sa isang sikat na restaurant kami sa Osaka nagpunta. Pagpasok pa lang ay marami ng mga kumakain ang napatingin sa Amin. Kaagad din kaming nilapitan ng isa sa mga waiter doon at inihatid sa ipina-reserve ko na table.
Habang naglalakad kami patungo roon ay napapansin kong balak ng dalawa naming kasama na lapitan si Nikolai. Tila nagbabalak ang mga ito na makatabi ito sa upuan kaya naman inunahan ko na sila. Kaagad kong inakbayan si Niko na napatigil sa paglalakad at napatingin sa akin.
"What?" kunwari ay balewala kong tanong.
"Alisin mo ang kamay mo sa balikat ko," malamig niyang sagot sa tanong ko.
"Fine," malamig ko ring sabi sa kanya. Inalis ko ang kamay ko sa balikat niya ngunit ibinaba ko iyon sa bewang niya.
Muli siyang napatingin sa akin na naniningkit ang mga mata. Akmang magsasalita na siya upang magprotestang muli ngunit inunahan ko na siya.
"Stop with your protests. Hindi ba at may usapan na tayo?" bulong ko sa kanya. Nakita ko ang pagtikom ng kanyang bibig at pagkatapos ay ang paglingon niya kina Jethro at Pavel na nakasunod sa amin. Nilingon ko rin sila at pinagtaasan ng kilay. Bumukas ang bibig ni Jethro.
"Move, moron."
Iyan ang nabasa kong sinabi niya.
"Fúck you," sagot ko sa kanya na walang boses at pagkatapos ay hinila ko na si Niko sa naghihintay na mesa.
Nauna na siyang naupo kaya naman ang ginawa ko bago maupo ay inilapit ko ang upuan ko sa kanya.
"You're so clingy," pabulong niyang sabi sa akin.
"Mas makikita mo mamaya kung gaano ako ka-clingy," pabulong kong sagot.
Nang makaupo na rin sina Pavel at Jethro ay kaagad na kaming nag-order. Pinauna ko na ang tatlo at nang ako na ang magsasabi sa waiter ay sinabi ko na kung ano ang kakainin ni Niko ay siya na rin sa akin. Napatingin tuloy silang tatlo sa akin.
"What?" painosente kong tanong sa kanila.
"You're treating him like a girl," prangka na sabi sa akin ni Jethro.
"But he's a g..."
"Vik!" puno ng babala na pigil sa akin ni Niko.
Napatigil naman ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya. Napalunok ako nang makita ang galit na kumikislap sa kanyang mga mata.
"He's a what, Viktor?" pang-aagaw ni Pavel sa pansin ko ngunit hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Nikolai at sa pamamagitan ng aking mga mata ay ipinarating ko sa kanya ang tahimik kong paghingi ng paumanhin. Muntik ko nang masabi sa mga kaibigan ko ang sikretong pinakatatago niya.
"Viktor," muling tawag sa akin ni Pavel.
"He's so gorgeous that sometimes I think he's a girl."
Mabilis kong sabi nang sa wakas ay lingunin ko na siya.
Napatawa naman si Jethro sa sinabi ko.
"Viktor is so fúcking in love with Nik, Pavel. Let him be, geez. But Viktor, if you won't stay loyal to him, Pavel and I would surely remove your two front teeth when we punch you on the face," nagbibiro ngunit puno ng babala na sabi sa akin ni Jethro.
"Bakit ako lang ang pinagbabantaan mo? Bakit hindi mo rin pagbantaan si Nikolai kung sakaling siya naman ang nagloko?"
"'Coz we know he ain't gonna do that," singit ni Pavel.
"I'm not talking to you," masungit kong baling sa kanya.
Imbes na mapahiya ay nginisihan ako nito nang sarkastiko. Oo, siya lang ang nakakagawa niyon.
"If you will have a side lover while still in a relationship with him, you're not just going to lose your teeth, Vik. I'll make sure you won't be able to walk again when I'm through with you."
Bumukas ang bibig ko para magsalita ngunit naunahan ako ni Pavel.
"That tells you to whom our loyalty lies so better not treat this relationship as a joke. Though I still wish it is," pabulong niyang saad sa huling sinabi niya ngunit narinig ko naman iyon.
Sa totoo lang, bilib din naman ako sa mga kaibigan ko kung gaano nila pangalagaan si Niko kahit laban sa akin. Iyon nga lang ay hindi ko mapigilang magselos sa closeness nila rito.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang girlfriend ko.
"Hello, Monique. We're through," kaagad kong sabi nang sumagot ang isa sa kanila. Hindi pa man ito nakasasagot sa akin ay pinatay ko na ang tawag sabay tingin sa mga kaibigan ko.
"Satisfied?" Iyan ang mga katagang nababasa nila sa mga mata ko.
"Rica, hello. Don't call me anymore. I'll block you. And if you try to come looking for me at our place, I'll tell our guards to shoot you."
Iyan naman ang sabi ko sa isa pa.
"Hi, Sharon. Oh, yes. It's Sheryl, my bad. So hi, Sheryl. Don't come see me anymore. Your breath stinks. Your armpits, too. Bye," sabi ko sa ikatlo.
At bago pa ilapag ng waiter ang mga pagkain a inorder namin at nakipag-break na rin ako sa dalawa pa.
"When we get home, I'm gonna change my phone number."
Kay Niko ko na sinabi ang pangungusap na iyon sabay lingon sa kanya na tahimik lang sa kanyang upuan.
"Good boy," pang-uuyam naman sa akin ni Jethro na hindi ko na lang pinansin dahil abala ako sa panghuhuli sa mga mata ni Nikolai.
Habang kumakain kami ay panay ang tingin ko sa kanya samantalang siya ay panay ang iwas na mapatingin sa akin. Hindi tuloy ako nasarapan sa kinakain ko samantalang ang dalawang kaibigan ko ay kulang na lang kainin pati ang pagkain namin ni Niko.
"Masisisi mo ba kami kung ginutom mo kami?" paniningil sa akin ni Pavel nang titigan ko siya dahil kinuha niya ang isang piraso ng karne sa plato ko.
"Besides, mas abala ka naman kay Niko at lumalamig na ang pagkain sa plato mo kaya akin na lang." Exaggerated pa siyang ngumuya kaya nginiwian ko siya.
Mayaman naman si Pavel pero nagmumukha siyang patay-gutom ngayon.
"Mamamasyal pa ba tayo dito sa Osaka?" tanong ni Jethro nang matapos na kaming kumain.
"I want to buy some souvenirs," sagot ni Pavel kaya iyon ang ginawa namin pagkatapos kong magbayad sa mga kinain namin.
"Are you okay?" tanong ko kay Niko ilang minuto pagkatapos naming maglakad-lakad. Nasa loob na sina Pavel at Jethro sa isang shop doon at namimili. Nagpaiwan kami ni Nikolai sa labas.
"I'm fine," mahina niyang sagot.
"Still running a fever?" tanong ko ulit sabay hawak sa pisngi niya para damhin kung mainit pa siya.
Kaagad niyang iniwas ang mukha.
"Vik," babala niya sa akin.
Bumuntonghininga ako sabay iwas ng tingin sa kanya.
Mabuti pa ang mga girlfriends ko noon, kulang na lang ay hilain nila ang kamay ko para lang mahawakan ko sila. Itong si Niko naman, ayaw na ayaw magpahawak sa akin.
Kunsabay, weird naman talagang tignan na hinahaplos ng isang lalaki ang pisngi ng kapwa niya lalaki.
Bakit ba kasi nagpapaka-clingy ako kay Niko? This is not me.
Pero nang lingunin ko siya, I once again felt the urge to be closer to him and touch him. I found my self thinking really hard. Hindi na lang yata simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko sa kaibigan ko kundi totoong pagmamahal na. I was physically attracted to him a hundred and one percent. But worrying about him, feeling sorry for him, and wanting him all the time are all first time to me. These are things I've never felt or done with my previous lovers. Sa kanya lang. It worries me and yet whenever I look at him, I just thought to myself that he's worth all these weird feelings happening to me.
"Nik," bulong ko sa kanya nang lumapit ako sa kanya.
"What?" tanong niya na tila nawiwirduhan pa rin sa akin.
"Can I fúck you again later?" seryoso kong saad sa kanya na kagyat na ikinaputla ng buong mukha niya. Napahawak pa ako sa kanya dahil parang matutumba na siya sa pagkakatayo niya.
"Fúck you, Vik! Do you have to say that here?" angil niya sa akin nang makabawi siya.
"Then when am I gonna say it? Kapag nandito na naman sila? At least tayong dalawa lang ang nakarinig sa sinabi ko. Besides, at least you can prepare."
Whatever preparation he might need.
"No."
"What?!" nangigilalas na tanong ko sa kanya. Dikit na dikit ang mga kilay ko.
"I said, no, Viktor. Ayoko pa."
"Ayaw mo pa? Eh, kelan mo gusto?" pangungulit ko sa kanya. Pagkatapos ay bigla akong napangisi nang may mapagtanto ako sa sinabi niya.
Ayaw pa niya.
Ibig sabihin, alam niya rin na meron at merong mangyayaring pagtatalik sa aming dalawa. And that only means that he already accepts his relationship with me.
"Ano? Kelan pwede?" patuloy kong pagtatanong dahil hindi niya masagot ang unang katanungan ko sa kanya.
"Nikolai, answer me," sunod kong sabi dahil hindi pa rin siya sumasagot at panay lang ang iwas sa akin.
"I don't know!" bulyaw niya sa akin nang waring makulitan na talaga siya.
"Are you saying na hindi mo alam kung kelan mo gusto? Then maybe if I will make you want it, you will let me fúck you again."
"Pwede ba, Viktor? We're in the street! Iyang fúcking pa talaga ang sinasabi mo sa akin, you perv."
"So what? We're lovers now. Kung Hindi nila maintindihan iyon, I don't give an f, Nik. But tonight, let's try. Let's find out if you will like it or not." I even winked at him and gave him a seductive smile.
"Shut up! Layuan mo nga ako, you fúcking weirdo!"
Bago ko pa siya mapigilan ay nagmamadali na siyang naglakad papasok sa shop kung nasaan ang dalawang kaibigan namin.
Pangiti-ngiti naman akong sinusundan na lang siya ng tingin.
Mark my words, Nikolai. Titiyakin kong magugustuhan mo ang gagawin ko sa'yo mamayang gabi na hahayaan mo akong angkinin ang dalawang bahagi mo, my Prince.
Matapos sabihin iyon sa aking isipan ay napangiwi ako sa itinawag ko kay Nikolai.
"Fúck, I'm really a fúcking weirdo," nasabi ko na lang sa kawalan habang nagkakamot ng ulo.