CHAPTER 28

2512 Words

“KATHLEEN!” Napakunot ang aking noo nang marinig ang pangalan ko. Nakita ko si Jerome na tumatakbong palapit sa akin. Kalalabas ko pa lamang sa karinderya nila. Kaya anong kailangan nito sa akin? Huminto ako at hinintay siyang makalapit sa akin. “Bakit?” pagtatanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin. Hinihingal pa nga siya kaya napahawak siya sa kanyang tuhod. “Huy, ano bang kailangan mo? Bakit mo ko tinawag, ha?” Ulit na tanong ko sa kanya at sinipa ang kanyang binti. “Hindi mo tinitignan ang mga gamit mo! Naiwan mo raw sabi ni Mama!” sabi niya sa akin, hinihingal pa nga siya. Medyo may kalayuan na rin kasi ang nailakad ko mula sa kanila. Sabado naman kasi kaya pinili ko na lamang maglakad. Inabot niya sa akin ang isang panyo. Nanlait ang aking mga mata habang nakatingin doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD