Chapter 7

4894 Words
Nagulat si Dylan nang makita niya si Ayesha na nakatayo malapit sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng binata na di maalis ang tingin sa dalagang nakatayo. Mas nilapit pa ni Ayesha ang kahon sa may mukha ni Dylan kaya nalipat ang atensyon nito sa kahon. "Kunin mo na!" Pamilyar ang kahon na nasa harapan niya. Naalala niya na ito ang kahon na hawak ni Ayesha kanina. "Teka ito iyong kahon na may cookies na para kay Jack hindi ba?" Paniniguro ng binata na hindi agad tinanggap ang binigay. "Oo iyan iyon!" Mataray na sagot ni Ayesha na napapanguso ang labi. "Teka para pala iyan kay Jack, bakit mo sa akin binibigay?" "Ayaw mo?" Hamon ni Ayesha. "Kung ayaw mo edi huwag!" "Hindi ba ibibigay mo pa iyan kay Jack.." "Kukunin mo o hindi?" Agad hinablot ni Dylan ang kahon at di na nagdalawang isip pa. "Sige na nga, kukunin ko na! Walang bawian. Huwag mo akong sisihin na hindi mo na ibigay ito kay Jack!" Palihim na napangiti si Ayesha. Umupo ang dalaga sa tabi ni Dylan. "Kainin mo na iyan. Nagugutom na mga alaga mo sa tiyan!" Binuksan ni Dylan ang kahon at sa loob ay mg cookies na may hugis. "Anong hugis ito?" Usisa ni Dylan na napatitig sa mga cookies na kakaiba. "Kakaiba ang hugis. Hindi naman bilog, hindi rin parihaba at hindi diamante. Anong hugis ba to?" Napakunot noo si Ayesha habang nakikinig sa pag- usisa ni Dylan. "Kakainin mo ba o hindi? Ibalik mo nalang iyan!" Inilayo ni Dylan agad ang kahon mula sa katabi. Natatakot itong bawiin ng dalaga ang binigay. "Syempre kakainin ko!" Agad sinubo ni Dylan ang iilang cookies sa bibig. "Masarap! Magaling ka palang mag-bake." "Ang totoo tinuruan ako ng yaya Mita ko kahapon. Madaling araw na nga ako natapos sa paggawa niyan." Nakangiting kwento ng dalaga. "Kaya pala inaantok ka sa klase kanina. Madaling araw ka ng natulog. Para sa cookies na to muntik ka ng maparusahan." Sermon ni Dylan na patuloy sa pagsubo. "Oo na." Kumuha ng isang cookie si Ayesha at pinagmasdan ito. Natigilan naman si Dylan at napatingin sa dalaga. "Ang hugis nito ay ang simbolo ng paaralan na to. Hindi man halata at hindi perpekto pero para sa akin napakaganda nito." "Simbolo?" Napatingin si Dylan ulit sa mga cookies. Napagtanto na niya at nakita kung anong hugis ito. Ito ay ang simbolo o logo ng paaralan halintulad ng kanyang brooch. "Oo nga.." "Salamat pala kanina.." pasasalamat ni Ayesha na nakangiti sa binata. Medyo nahihiya man pero nagpasalamat ito. "Hm? Saan?" "Sinipa mo ang upuan ko sa baba para magising ako.." "Ahhh.." Reaksyon ni Dylan na agad umiwas ang tingin sa dalaga. "Hindi ko sinasadyang maitulak ang upuan mo. Inuunat ko lang ang paa ko noon. Nakakabagot na kasi.." Paliwanag ni Dylan na hindi na makatingin sa dalagang katabi. Sumubo pa siya ng sumubo hanggang maubos na niya ang mga cookies sa loob ng kahon. Hindi na pinansin ni Ayesha ang mga sinabi ng binata. Napasandal nalang siya at tumingala sa langit. Napalingon si Dylan at napatanong. "Hindi ka ba babalik sa classroom? Malapit ng masimula ang klase." Inunat ni Ayesha ang kamay niya pati ang mga paa habang nakaupo sila sa sahig. "Parang gusto kong magrelax muna!" "Pagsisisihan mong sumama ka sa akin!" Pananakot ni Dylan. Kumunot ang noo na tumingin si Ayesha kay Dylan. "Bakit lapitin ka ng gulo? Bakit palaging nakabuntot ang kamalasan sa iyo?" Sinagot ni Dylan. "Wala akong kasalanan! Hindi ko kagustuhan ang mga nangyayari!" "Gangster ka ba? Naghahanap ka ba lage ng gulo at suntukan?" Usisa ni Ayesha. "Aba! Don't judge the book by its cover! Mukha ba akong gangster?" "Tingnan mo nga ang mukha mo. Palagi nalang may pasa at sugat ang mukha mo!" May hinablot si Ayesha sa kanyang bulsa. "Ang hirap sa mga tao madaling manghusga. Minamaliit ang mga mahihina." Seryosong sabi ni Dylan. Binuksan ni Ayesha ang dalang betadine na hiniram niya sa infirmary. Hindi napansin ni Dylan ang pag-angat ng kamay ng dalaga at may hawak itong cotton na may betadine. Inilapat agad ni Ayesha ang cotton sa may kanang gilid ng noo ni Dylan kung saan may sugat. Nagulat ang binata. "Anong ginagawa mo?" "Huwag kang gumalaw muna!" Utos ni Ayesha. Napakaseryoso ng mukha ng dalaga habang si Dylan ay napasulyap sa kaharap. Natigilan ito at natahimik. Inilapat din ni Ayesha ang isang band - aid pagkatapos. "O hayan! Tapos na!" Ang mga matang nakatingin sa sugat ay bumaba sa mga mata ng binata kaya nagkasalubong ang mga tingin nila. Natahimik ang dalawa. Hindi rin sila gumalaw sa kinauupuan nila. Hanggang umihip ang hangin at ang mga talulot ng bulaklak ay nagsiliparan na umabot sa kinaroroonan ng dalawa. Naunang umiwas ang tingin ni Ayesha at sumunod si Dylan. Napakamot ng ulo ang binata na halatang nahihiya. Si Ayesha naman ay pinagmasdan ang mga talulot na sumasayaw kasabay sa hangin. Tuluyan ng lumiban sa klase ang dalawa. Hindi na sila pumasok sa kanilang mga aralin. Nanatili lamang sila sa rooftop at nakaupo. Dahil sa pagod ay agad namang nakatulog si Dylan kahit nakaupo lang ito. Pinagmasdan ni Ayesha ang mga ibon na malayang lumilipad. "Ang ganda nilang pagmasdan. Malaya silang lumilipad sa kalangitan." Mahinang sabi ni Ayesha na kausap ang sarili. Biglang nagsalita si Dylan kahit tulog. "Salamat.." Napangiti ang dalaga ng marinig niya ito. Hanggang napasandal ang ulo ni Dylan sa balikat ni Ayesha. Medyo nagulat ang dalaga kaya napalingon siya. Mahimbing na natutulog si Dylan at ginawang unan ang balikat niya. "Matulog ka lang.. ngayon lang to, okay?." pangiti - ngiting paalala ni Ayesha sa binata. Bumaba na rin ang dalawa sa rooftop. Hindi alam ni Dylan na natulog ito na nakasandal sa balikat ni Ayesha na mahigit ilang oras. Bago pa magising ang binata ay pinasandal na niya sa dingding. "Ang sarap ng tulog ko!" Wika ni Dylan. Si Ayesha naman ay nakasunod sa kanya at panay hawak at masahe ng balikat niya. Lumingon si Dylan. "Nakatulog ka ba?" Napapatango nalang si Ayesha at sumagot ito. "Oo, ang sarap nga ng tulog ko. Tuloy sumakit ang balikat ko!" Ningitian ni Dylan ang dalaga bago ito nagpatuloy sa paglalakad. Unang lumabas sa gusali ang binata. Paglabas ni Dylan ay nagulat siya sa nakita. Patungo na ang kanyang mga bodyguard para sunduin siya. "Naku po!" Nanlaki ang mga mata ni Dylan. Nakita rin siya ng mga ito. Bumalik sa loob ng gusali si Dylan kung saan naroon pa si Ayesha. Hinablot niya agad ang kamay ang dalaga at tumakbo sila. "Teka, anong nangyayari?" Pagtataka ni Ayesha na tumakbo kasama ang binata. Tumakbo sila ng tumakbo na parang may humahabol. Hindi alam ng dalaga ang nangyayari at kung bakit sila tumatakbo. Napunta sila sa labasan ng isang gusali na harap nito ay ang exit 3. Bihira lang ang mga mag-aaral na lumalabas roon. Parehong hinihingal ang dalawa. "Ano ba ang nangyayari? Bakit ba tayo tumatakbo?" Usisa ni Ayesha na hinahabol pa ang hininga. "Maglaro muna tayo!" Nakangiting sabi ni Dylan. "Ano?" Naguguluhan si Ayesha sa mga pinaggagawa ni Dylan. "Ano ba ang pumasok sa utak mo? Dala na ba to dahil nalipasan ka kanina?" Lumapit si Dylan na napakaseryoso sa dalaga. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ni Ayesha at pinaharap siya sa gate na exit 3. "Maglaro muna tayo!" "Huh? Anong laro ba to?" Nakatayo sa likod si Dylan habang si Ayesha ay nakaharap na sa gate. Sa pagkakataong ito hinawakan ni Dylan ang magkabilang pisngi ng dalaga habang nakatayo sa likod. "Ang rules ng laro ay huwag kang lilingon!" Nagulat si Ayesha sa sinabi ni Dylan. Medyo kinakabahan ito sa pinapagawa nito. "Lumabas ka sa gate at umuwi na di lumilingon!" "Huh?" Bumulong si Dylan."Kapag magawa mo iyon, ikaw ang nagwagi. Bibigyan kita ng isang kahilingan. Kahit anong gusto mo, ibibigay ko!" "Talaga?" "Sympre!" "Sinabi mo yan ha!" "Oo na! Pero kapag lumingon ka, may parusa at ibibigay mo ang gusto ko!" Binitawan na ni Dylan ang pisngi ni Ayesha. Nagsimula ng humakbang ang dalaga papunta sa gate namay kalayuan. Pinagmasdan ni Dylan si Ayesha na lumalayo na sa kinatatayuan nila kanina. Sa likod naman ni Dylan ay naroon na ang mga body guard. "Young master.." Tumigil saglit sa paghakbang si Ayesha nang medyo malapit na ito sa gate. Kahit malayo na si Ayesha ay tanaw pa rin ni Dylan ang dalaga. Sa isip naman ni Dylan. "Huwag kang lilingon.." "Young master naghihintay na sila.." ----- Nakauwi na si Ayesha sa kanila. Umupo siya sa kanyang mesa at pinatunog ang music box na isang merry go round. Pinagmasdan niya ang mga kabayong umiikot habang ang tumutugtog ang musika. May mga bagay na bumabagabag sa kanya. "Bakit niya naisipan ang ganong laro kanina? Para saan iyon?" Inilapat niya ang kanyang siko sa mesa at sinupurtuhan ng kanyang nakabukang palad ang kanyang pisngi habang patuloy sa siya sa pakikinig. "Kung napalingon ako, anong mangyayari?" Tanong nito sa sarili. Naalala niya ang mga bulong ni Dylan. "Huwag kang lilingon.." Flashback Nang nakalabas na si Ayesha ng gate ay napatigil siya. Naalala niya bigla ang naiwang bag sa classroom kaya kailangan niyang bumalik sa loob. Lilingon na sana siya ng biglang may tumawag. "Ayesha!" Hindi natuloy ang paglingon niya pabalik sa paaralan bagkos ay napatingin siya sa taong tumawag sa kanya na nasa labas lang. "Ayesha!" Nakita ng dalaga si Dorothy at lumapit ito sa kanya. Dala nito ang bag niya. "Saan ka ba pumunta kanina pagkatapos sa canteen? Hindi ka na bumalik sa classroom. May nangyari ba?" Nag - aalalang tanong ng kaibigan. "Wala naman.. Sumama lang ang pakiramdam ko kaya hindi na ako pumasok.." sagot ni Ayesha. "Ahh, ganoon ba..Sabi nga nila na nakita ka nilang pumunta ng infirmary. Kumusta ka naman?" "Mabuti na!" Inabot ni Dorothy ang bag ni Ayesha. "Heto naiwan mo ang bag mo." "Salamat." End of flashback Napabuntong - hininga nalang si Ayesha. Samantala ay napahiga na rin si Dylan sa kama niya. Sumasakit ang buong katawan niya lalo na ang binti. Napapikit ng mga mata ang binata at ang mukha ni Ayesha ang unang nakita niya sa kanyang isipan. Dumilat siya bigla at bumangon. Ang lakas din ng kabog ng dibdib niya. "Bakit biglang siya sumusulpot?" Narinig ito ni Jack na papasok sa kwarto ni Dylan. "Sinong sumusulpot?" "Huh? Wala.. iyong pusa!" "Pusa? Saan ang pusa?" Usisa ni Jack na umupo na sa upuan sa study table. "Haist! Huwag mo ng alamin!" Kunot noong sabi ni Dylan. Naging seryoso ang mukha ni Jack. Natahimik si Jack at mukhang may bumabagabag sa binata kaya napansin agad ito ni Dylan. "May gusto kang sabihin?" Nagsalita na si Jack. "Dylan, patawad kanina. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Patawad dahil hindi kita naipagtanggol kina Froi at binubully ka nila. Pati rin sa VIP na mesa na dapat ay naroon ka pero ako ang naroon. Hindi ka man lang nakakain ng wasto." "Okay lang iyon.. huwag mo ng isipin. Pa-minsan minsan kailangan ko ring maranasan ang mga iyon. Isa pa, sa huli maganda naman ang resulta!" Pangiti ngiti nitong sabi at inabot niya ang mansanas na nasa mesang malapit. "Maganda? Paano?" Pagtataka ni Jack. "Secret!" Sagot nito sabay kagat sa mansanas. "Kumusta pala ang sugat mo?" Napansin ni Jack ang band - aid sa noo nito. Hindi na sumagot si Dylan at nagpatuloy ito sa pagkagat at pagnguya ng mansanas. Kinabukasan ay naunang bumaba si Dylan sa kanilang kotse para maglakad patungo sa paaralan. Ayaw niyang may makakita sa kanya na sakay sa magarang kotse. Sa loob ay naroon si Jack at ang driver nila. "Dito na lang ako!" Masayang pagpapaalam ng binata. "Sigurado ka ba Dylan. Medyo malayo - layo pa ang lalakarin mo patungo sa paaralan." Ani ni Jack. "Malapit lang iyan. Ilang ikot lang naman yan sa field. Kayang - kaya! Isa pa early exercise!" Sagot nito. Si Mang Lino ay nakikinig lamang sa dalawang binata. Hindi na niya pinakialaman ang dalawa. Sinimulan na ni Dylan ang paglalakad at umandar na rin ang sasakyan. Hindi namalayan ni Dylan na nasa uniform niya naka-pin ang brooch niya. Marahil ay inilagay ito ng maid. May iilang estudyante naman ang naglalakad sa medyo matarik na daan patungo sa paaralan at sa gilid nito ay mga puno at halaman. Masayang nagsisipol si Dylan habang naglalakad hanggang nakita niya si Ayesha sa unahan na naglalakad na mag - isa. "Ayesha!" Tawag ng binata. Narinig naman ni Ayesha ang boses ni Dylan na nagpahinto sa kanya. Naalala tuloy niya ang sinabi ng binata kahapon. "Huwag kang lilingon.." Pero sa pagkakataong ito ay lumingon na siya. Nakangiting nakaharap sa kanya si Dylan na nakatayo na may sampung metro ang layo. Napatitig ang dalaga sa binata at biglang kumabog ang puso niya na napakabilis. Napapahigpit ang hawak nito sa libro sa may dibdib niya. Lumapit si Dylan sa dalaga kaya nagkaharap na sila ng malapitan. "May ginawa ka na naman bang cookies?" Tanong ni Dylan. "Huh? Wala!" "Ay sayang!" Napangiwi ang labi ni Ayesha at inangat ang nakabukas na palad malapit kay Dylan. "Nasaan na ang premyo ko? Hihiling na ba ako?" Napahawak sa isang strap ng backpack si Dylan at palinga - linga ito ng tingin. "May sinabi ba ako? Nakalimutan ko na.." Pabiro nitong sagot. Nagulat si Ayesha sa sagot ng binata. Hindi niya ito inaasahang itatanggi ni Dylan. "Aba't! Ang sabi mo maglalaro tayo. Hindi dapat ako lumingon. Ang lilingon ay talo!" "Napakamot ng ulo si Dylan tila ayaw panindigan ang mga sinabi nito kahapon. "Uhm.. wala akong matandaan!" Pangiti - ngiti nitong tugon. "Pinaglalaruan mo lang ba ako?" Kunot noong sumbat ng dalaga. Biglang tumakbo si Dylan palayo kay Ayesha pero nakangiti ito. "Wala akong maalala!" Hinabol naman ni Ayesha si Dylan. Bigla nalang siyang nainis sa binata na tila pinalalaruan lang siya nito. Kung tutuusin, mabilis tumakbo si Dylan pero sa mga oras na iyon ay para lang siyang naglalaro at hindi gaanong mabilis. Hindi parin maabutan ni Ayesha ang binata kaya tumigil nalang ito sa pagtakbo. Napahinto rin si Dylan dahil napansin niyang may nahulog mula sa kanya. Bumalik siya kunti sa dinaanan at nakita ang brooch sa lupa. Pinulot niya ito at saktong pagtayo niya ay biglang may libro ang tumama sa ulo niya. Itinapon ni Ayesha ang libro niyang dala. "Aray naman!" Reaksyon ng binata. "Yes!" Biglang may naalala si Dylan sa unang araw niya na may tumama rin na sapatos sa kanyang ulo. Nang nakaharap na si Dylan ay biglang kinabahan si Ayesha at naalala na ginawa na niya ito dati. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin at natigilan. "Sorry.." sambit ng dalaga. Agad itinago ni Dylan ang brooch sa bulsa at napatingin sa nakabukas na libro sa lupa. Dali daling pinuntahan ni Ayesha ang binata. Pinulot naman ni Dylan ang libro at tumakbo na dala ito. "Hoy! Ibalik mo yan!" "Itinapon mo na ito! Akin na to!" "Dylan!" Naghabulan ang dalawa hanggang sa paaralan. Mula sa second floor na bintana ay napanood ni Jack sina Dylan ay Ayesha. Seryoso itong nanood hanggang mawala na sila sa paningin niya dahil nakapasok na ang dalawa sa gusali. Lumabas si Jack sa classroom para salubungin ang dalawa sa pasilyo. Naglakad nalang ang dalawa sa pasilyo at nakasunod parin si Ayesha. "Dylan! Ibalik mo na ang libro ko!" Utos ni Ayesha. "Eh, bakit mo kasi itinapon? Sa ulo ko pa!" Tukso ni Dylan na pangiti - ngiti pa rin. "Ikaw kasi..." Sa kalayuan ay napansin na ni Dylan si Jack na nakatayo sa dadaanan niya. Kaya nang nakalapit na si Dylan kay Jack ay inabot niya ang libro sa binata. "Ibalik mo ito sa kanya!" Utos ni Dylan na biglang naging seryoso ang mukha. Medyo nagulat si Ayesha nang makitang inabot nito ang libro kay Jack. Napahinto siya sa paglalakad at pagsunod. Nasa kamay na ni Jack ang libro. Bago pumasok sa pinto si Dylan ay sumulyap pa siya sa dalaga. Pinuntahan naman ni Jack si Ayesha. "Sa iyo ba ito?" Napatango nalang ang dalaga. "Salamat!" ------- Seryosong nagsusulat ang mga mag-aaral bago inanunsyo ng guro na may gagawin silang report. Si Dylan naman na nakaupo sa likuran ni Ayesha ay panay gumuguhit sa mallit na parte papel ng mga emoticon na may iba't ibang emosyon sa mukha. Una niyang ginuhit ay nakatawang pabilog ang mukhang emoticon. After he draw, he ripped the part that surrounds the drawing. Then he crumpled it and throw it to Ayesha. Medyo nagulat ang dalaga sa pagdapo ng isang kunot na maliit na papel sa mesa niya. "Ano ito?" Binuksan niya ang papel at naroon ang isang guhit na natatawa. Pasulyap - sulyap naman si Dylan kay Ayesha at pangiti - ngiti pa ito. She crumpled it again at ipinasok sa bag. Dumapo na naman ang isang paple gaya ng nauna. Is na namang guhit na nakatawang may dila. Napangiti si Ayesha habang tinitingnan ang drawing. Sa pangatlong guhit ay pakindat na emoticon. Palihim na natawa si Ayesha. Napansin iyon ni Jack na katabi lang ni Dylan. Di na nakatiiis si Ayesha at lumingon na siya sa binatang nasa likod. Magtatapon na naman sana siya pero nakaharap na si Ayesha sa kanya kaya natigilan ang binata. Hindi niya inaasahan na lilingon ito agad. Bumulong ang dalaga. "Ang pangit ng drawing mo!" Pangiting tukso nito kay Dylan. "Aba nanlait pa!" Nakangiting bumalik sa pagharap sa mesa si Ayesha. Napalingon naman si Dorothy at napansin ang dalawa na kanina pa na palihim na nagtatawanan. Bigla nalang siyang kinilig. Nagsalita na ang guro nila. Ang lahat ay tumigil sa ginagawa at napatingin sa kanya. "May gagawin kayong report at ito ay by partner. Malaya kayong mamili ng inyong kapareha!" Agad tumaas ng kamay si Jack. Napansin iyon ng guro kaya tinawag niya ito. "Jack!" Tumayo si Jack. Napakaseryoso ng mukha ng binata. Ang mga kaklase niya ay lahat nakatingin sa kanya maliban sa dalawa na sina Ayesha at Dylan. Ang pang - apat na ibinigay na guhit ng binata ay galit na emoticon. Palihim na natawa tuloy si Ayesha sa upuan niya dahil alam niya kung bakit ganon ang ibinigay ni Dylan na expression ng emoticon. Ang mga mag - aaral ay umaasa na mapili ni Jack na makapareha lalo na si Pamela. "Sir, si Ayesha ang gusto kong makapareha!" Ani nito. Natahimik ang lahat sa di inaasahang pagpili niya. Nagulat talaga sila. Nanlaki naman ang mga mata ni Ayesha. Sabay na napalingon sina Ayesha at Dylan kay Jack. "Ako?" Tanong ni Ayesha na di makapaniwala. Lumingon si Jack sa dalaga at ngumiti. ------- Ang lahat ay may kapareha na para sa gagawing report. Binigyan sila ng oras ng kanilang guro para magresearch at gumawa. Ang iba ay pumunta na sa library at ang iba ay sa student lounge. "Tayo na. Sa student lounge tayo.." aya ni Jack. Napatango lang si Ayesha at sumama ito. Naiinis naman si Pamela na makita na magkasama sila Jack at Ayesha. "Napakalandi ng babaeng iyan! Humanda siya! Hindi ko ito palalagpasin." Naiinis na sabi ni Pamela. Sinundan ng tingin ni Dylan ang dalawa na palabas ng silid. Lumapit naman si Fin na siyang kapareha niya. "Ano na Dylan, anong plano mo?" Tanong ni Fin. Inakbayan ni Dylan si Fin. "Tara! Punta tayo sa student lounge!" "Huh? Hindi ba dapat sa library?" "Pwede naman sa student lounge! Maraming tao sa library!" "Sige!" Pumunta sa student lounge sina Dylan at Fin. Naroon din sina Jack at Ayesha. Umupo sina Dylan sa mesa, pang - anim na mesa mula sa kaibigang si Jack. Tanaw niya ang dalawa sa kinauupuan. Lumipas ang oras at nanatili pa rin sila roon para pag - usapan at gawin ang na- assign na report. Napaka - busy ni Fin sa pagsusulat at pagresearch gamit ang mobile phone. Si Dylan naman ay napakalayo ng tingin na abot kina Ayesha. Halata sa dalawa na masaya. Ngumingiti si Ayesha gayundin si Jack habang nag - uusap. May sinusulat ang dalawa at sumusulyap din sa isa't isa. Napabuntong hininga nalang si Dylan kaya napansin iyon ni Fin. "May problema ba Dylan?" Hindi sumagot ang binata. Pinagmasdan niya si Dylan at napansin niyang nakatingin ito sa dalawa na nakaupo sa unahan. "Dylan, si Ayesha ba ang tinititigan mo?" Usisa ni Fin. Mahinang sumagot si Dylan. "Hindi, sa puno!" "Weh? Aminin mo, kay Ayesha ka nakatingin!" Tukso ni Fin na pangiti - ngiti. Napalingon si Dylan sa katabi na medyo nainis. "Hindi nga! Ang daming puno ryan bakit naman ako titingin sa kanya?" "Selos?" Napaupo ng tuwid si Dylan at sinagot niya agad si Fin na medyo malakas ang boses. "Ako? Hindi ah!" Dahil sa medyo malakas ang boses ni Dylan ay napatigil ang lahat ng naroon at napalingon sa kanya. Pati sina Jack at Ayesha ay napalingon din. Nahiya tuloy si Dylan kaya tumayo na ito at umalis. "Dylan saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" Sinundan na rin ni Fin si Dylan na dala ang mga gamit na di pa inaayos. "Anong nangyari sa kanila?" Pagtataka ni Ayesha na biglaang pag - alis ng dalawa. "Tapos na kaya sila?" "Hayaan mo na!" Ani ni Jack na napakaseryoso ng mukha. "Sige, magpatuloy na tayo. Saan na nga tayo?" Yumuko ang ulo ni Ayesha at nagpatuloy sa pagsusulat. Biglang may tinanong si Jack. "Binubully ka ba ni Dylan?" Nabigla si Ayesha sa tanong ng binata. "Bakit mo naman naitanong?" "Wala lang. Ganyan na kasi siya kahit noon pa. Kung sino ang gusto niyang ibully, gagawin niya. Hindi siya namimili, mababae man o lalaki.. Nakikipag - away siya kung gugustuhin niya." "Huh.. ah, ganoon ba.." Bumakas ang lungkot sa mukha ni Ayesha. Yumuko lang ito at may mga bagay na naalala ng dalaga. Naalala niya ang unang araw niya na nakita niyang nakikipagsuntukan ang binata sa mga estudyante. Iyon din ang panahon na binato niya ang kanyang sapatos. "Mas mabuti pang lumayo ka nalang kay Dylan..." Payo ni Jack sa dalaga. Hinarap ni Ayesha si Jack at napatanong. "Hindi ba magkaibigan kayo? Bakit mo sinasabi ang mga ganitong mga bagay?" Pagtataka ng dalaga na napatingin sa may uniporme ni Jack. Umiwas ng tingin si Jack at medyo nauutal. "Ka - kasi.. alam ko kung ano ugali niya. Nag - aalala lang ako sa inyo.." "Siya nga pala, hindi mo yata suot ang brooch mo.." Pagtataka ni Ayesha. Ito na kasi ang pagkakataon niyang makita ng malapitan ang brooch na na mahalaga sa kanya. Napatingin agad si Jack sa uniporme niya at di nga niya suot ito. Inilipat ng katulong ang brooch ng mapansin ito sa uniporme ni Jack habang di pa nila ito suot. "Naiwan ko yata sa bahay.." sagot ni Jack na di alam kung nasaan ang brooch na inilagay na niya kagabi pa sa uniporme. ------- Naglakad - lakad sina Fin at Dylan sa pathway na may mga halaman sa gilid. Tahimik ang binatang si Dylan at napansin iyon ni Fin na kumakain ng cookies na binili niya sa canteen. "Kanina ka pa tahimik Dylan.. may problema ba?" Pag - aalalang tanong ni Fin. "Wala naman..." "Hindi na magkaibigan kayo ni Jack.. bakit bihira ko nalang kayo makita na magkasama?" Usisa nito. "Okay lang iyon. Nagkikita naman kami sa bahay. May mga bago siyang kaibigan at kailangan niyang makipaghalubilo." Paliwanag ni Dylan. "Ganon ba iyon? Kailangan bang iwan ang dating kaibigan para sa bago? Iiwan mo rin ba ako kung may bago ka na?" Inakbayan ni Dylan si Fin at sinagot niya ito. "Syempre hindi! Bakit naman kita iiwan!? Kung iiwan kita, wala ka ng kaibigan!" "Loko mo talaga!" Natawa si Fin sa pinagsasabi ni Dylan. Masayang naglalakad ang dalawa at nagtatawanan. Inalok pa ni Fin ng cookie si Dylan. "Gusto mo?" Nang makita niya ang cookie ay may naalala siya. Napatanong siya kay Fin. "Kung ikaw ay isang babae, bakit mo ipag-bake ng cookies ang isang lalaki?" Nabigla si Fin sa di inaasahang tanong ni Dylan. Mukha pa ng binata ay napakaseryoso nito. "Uhm.. anong klaseng tanong iyan?" Napahawak sa baba si Dylan na mukhang nag - iisip. Pinagmasdan naman ni Fin ang kaibigang nagpatuloy sa paglakad at iniwan siya. Nang medyo nakalayo na si Dylan ay sinagot ni Fin ang tanong ng kaibigan. "Siguro gusto niya ang lalaki! Nag - eeffort ang babae para mapansin ng isang lalaki. Gusto nilang ipahayag ang kanilang nararamdaman gamit ang ginagawang bagay." Napahinto sa paglakad si Dylan. "Gusto niya ba si Jack?" Tanong nito sa sarili na hindi naman narinig ni Fin. Tumakbo papalapit si Fin sa kaibigan. "May tanong ka pa ba?" Napapikit nalang si Dylan at napangiti. "Ganon pala..." Napakamot nalang ng buhok si Fin habang pinagmamasdan ang kaibigan. ------- Magkasama sina Dorothy at Ayesha. Maghuhugas sila ng kamay sa may lavatpry na nasa likuran ng isang building. "Kumusta ang report ninyo Ayesha?" Tanong ni Dorothy. "Okay naman. Natapos din namin.." "Mabuti naman.." "Sa inyo? Kumusta?" "Okay lang din." Natapos na ang dalawa sa paghuhugas ng kamay pero patuloy sila sa pag - uusap. "Kumusta ang pagiging partner mo sa anak ng may - ari ng paaralan?" Tanong ni Dorothy na medyo kinikilig. "Okay siyang kasama.. madali lang namin nagawa ang report.." sagot ni Ayesha. "Ganoon ba.. alam kong maraming nainggit sa iyo kanina. Biruin mo siya pa ang pumili sa iyo. Ang galing!" "Nagulat nga ako na pinili niya ako." Ani ng dalaga. Nang lumingon silang dalawa ay may limang mga babae ang pumaligid sa kanila. May dala silang tig tatlong mga itlog. Kinabahan si Dorothy. "Naku po..anong gagawin natin Ayesha?" Matapang na hinarap ni Ayesha ang mga babae. Nagtago naman sa may likuran ni Ayesha si Dorothy. "Anong kailangan ninyo?" Napangiwing ngumiti ang mga babae na tila may masamang balak. "Nabalitaan lang namin na ikaw ang pinili ni Jack, ang anak ng may - ari ng paaralan. Tama ba?" "Eh ano naman sa inyo?" Taas noong sagot ni Ayesha. "Totoo pala.." Hinigpitan ni Dorothy ang hawak may balikat ni Ayesha. Nanginginig sa takot si Dorothy pero hindi nagpahalata si Ayesha sa kanyang kaba. Itinuro ng isa na nasa gitna si Dorothy. "Ikaw!" "Huh? Ako?" Takot na sagot ni Dorothy na mas nagtago sa likod ni Ayesha. "Umalis ka sa likod niya! Lumayo ka sa kanya!" Utos ng isang babae. "Kung ayaw mong madamay.. umalis ka na!" Nabigla ang dalawa. Napatingin si Dorothy kay Ayesha na naiiyak. "Ayesha.." "Iwan mo siya!" Pasigaw nitong utos. Mahinang inutusan ni Ayesha ang kaibigan. "Umalis ka na.. baka madamay ka pa.." "Pero..." "Sige na. Iligtas mo ang sarili mo.." Humakbang papalayo si Dorothy habang ang mga luha niya ay hindi mapigilan. Napapikit nalang itong nilisan ang lugar at naiwan ang dalagang si Ayesha sa mga babae. "Ang duwag naman!" Natawang sambit ng isa. "Ako ang harapin ninyo!" "Sige, sinabi mo yan! Tumayo ka lang ryan at huwag kang gagalaw. Titigil lang kami kapag mauubos ang lahat ng dala naming itlog na di ka umaalis sa kinatatayuan mo. At kapag ang mga tuhod mo ay aabot sa lupa, magiging alipin ka namin!" Nanggigil si Ayesha sa mga babae pero nagpigil ito. Sinimulan ng isa ang ihagis ang itlog kay Ayesha. Tumama ito at nabasag sa ulo niya. Tuwang tuwa naman ang nagtapon. "Bulls eye!" Itinapon naman ng isa ang kanyang dalang itlog at nabasag ito sa damit ni Ayesha. "Naku, sorry. Narumihan ko!" Nakatayo pa rin si Ayesha pero napapayuko ang kanyang ulo. Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Wala siyang magawa kundi tanggapin nalang ang mga binabato nila. Dapat siyang magpakatatag hanggang sa huling ibabato nila. "Sorry Ayesha. Huwag kang mag - alala, hahanap ako ng tulong!" Ani ng isip ni Dorothy na tumatakbo papalayo sa kanila. ------- Pinuntahan ni Dorothy ang tambayan nina Froi. Alam niyang naroon at kasama nila si Jack. Laking tuwa niyang makita agad ang binata. Talagang kasama niya ang grupo ni Froi at naglalaro sila ng chess. "Ikaw na ang titira Jack!" sabi ni Froi na pangiti - ngiti. Napakaseryoso naman ni Jack na halatang nag - iisip. Di na nagpaligoy - ligoy si Dorothy at nilapitan na nya ang binata. "Jack!" Napalingon ang lahat sa dalaga. "Anong kailangan mo kay Jack, scholar girl?" Tanong ni Clarence.. "Jack, kailangan ng tulong ni Ayesha! Pinagtripan siya ng limang babae! Baka mapahamak siya!" Balita ni Dorothy na halatang kinakabahan. Napakunot noo si Jack at nanatili pa sa kinauupuan. Sinagot naman ni Froi ang dalaga. "Huwag kang mag - alala.. naglalaro lang sila.." "Paano mo naman nasasabi?" "Magsasawa rin sila sa laro nila lalo na sa basura!" Pagmamayabang ni Froi na halatang alam ang pinaggagawa ng mga babae. Ang mga babaeng iyon ay inutusan ni Pamela. "Jack! Tara na!" Pilit ni Dorothy. "Jack, ikaw na ang titira!" Tumira na si Jack ng isang chess piece na di nag - iisip. Sinagot naman ni Clarence si Dorothy. "Sino ba si Ayesha para ibigay ang oras ni Jack sa kanya. Kilala mo ba si Jack? Siya ang anak ng may - ari ng paaralan. Si Ayesha, hamak na estudyante lang!" Nainis talaga si Dorothy sa sinabi ni Clarence. Binigyan nya ng masamang tingin ang mga naglalaro ng chess at isa na roon si Jack. "Kung ikaw pala ang may - ari ng paaralan, wala ka na palang pakialam? Hahayaan mo nalang na may mapahamak?" Napatigil si Jack nang marinig niya ito habang hawak niya ang isang piece. Pagkatapos sabihin iyon ni Dorothy ay tumakbo na ito papalayo sa lugar nila. Nawala sa concentration si Jack at nailagay niya ang chess piece sa maling lugar na siyang nagpahamak sa kanyang reyna. "Yes!" Laking tuwa ni Froi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD