Chapter 8

3583 Words
Patuloy sa pagbato ng itlog ang mga babaeng estudyante na nakapalibot kay Ayesha. Nanatiling nakatayo ang dalaga sa kadahilanang ayaw niyang magmukhang mahina at maging alila nila. Titiisin niya ang lahat ng pang - aapi nila. Tuwang - tuwa ang mga itong bumabato ng salitan. Dumapo sa ulo, mukha at sa uniporme ng dalaga. Nakapikit nalang ito at pilit na hinaharang ang sariling braso sa bawat bato nila. "Talagang matigas ka!" "Ito ang bagay sa iyo!" Sabay hagis ng itlog. Sa isip ni Ayesha ay di niya makakailang gusto niyang sumuko. Sino ba ang pwedeng makatulong sa kanya? "Sa mga fairy tale lamang ang mga kabalyero o di kaya isang prinsepeng magproprotekta sa isang prinsesa... Sa ganitong sitwasyon, kathang isip lamang ang mga prinsepeng handang sumugal at ipapatanggol ka sa mga masasamang nilalang." Unti - unting nanghihina na ang mga tuhod ni Ayesha at gusto na itong bumigay. Ramdam na niya na nanghihina na siya at kung magpapatuloy pa ito ay tiyak mananalo sila. "Magiging alipin na ba ako nila?" Tanong isip ni Ayesha. Ang utak niya ay sumisigaw na huwag susuko hanggang sa huling itlog pero ang katawana niya ay humihiyaw na rin na gusto ng sumuko. Limang itlog nalang ang naiwan. Kunting tiis nalang Ayesha. "Hindi ko na kaya.." Sigaw ng isip ng dalaga. Nanghina na ng tuluyan ang mga tuhod ni Ayesha at bumigay na ito. Pero bago pa ito mahalata ng mga babaeng mag-aaral na nakapaligid sa kanya ay may biglang may dumating at inalalayan siyang makatayo. Ang isang kamay nito ay hinawakan ang bewang ng dalaga at ang isa ay yumakap sa kanya para hadlangan ang mga itlog na tatama kay Ayesha. Ang lahat ng inihagis nila sa huling pagkakataon ay dumapo sa likod ng dumating. Nagulat ang mga kababaihan at naasar. "Anong ginagawa niya rito!?" Hindi nila inaasahan na may darating na tutulong kay Ayesha. Naubos na rin ang lahat ng itlog nilang dala. Idinilat ng dahan - dahan ng dalaga ang kanyang mga mata at laking gulat niyang napakalapit ng mukha ni Dylan sa kanya at yakap siya nito. Hindi lang iyon, hawak din niya ang kanyang bewang. "Dylan?" Pero kahit ganoon ay napatitig si Ayesha sa binata na alam niyang tinulungan siyang makatayo ng diretso at sinalo lahat ang mga natitirang itlog. Bumilis ang pintig ng puso niya at sa tingin niya ay tumigil ang oras sa sandaling iyon. "Okay ka lang ba?" Nag - aalalang tanong ni Dylan. Hindi sumagot si Ayesha bagkos ay mas lalo siyang napatitig dito. Ang mga babae naman ay naiinis pero wala na silang magagawa. Dali - dali silang umalis sa lugar. Lumingon si Dylan sa mga nagsitakbuhang mga babae. "Tumakbo lang kayo! Itlog lang pala ang kaya ninyong ibato! Bumato pa kayo!" Hamon ni Dylan. Hindi na napigilan ni Ayesha na umiyak. Rumagasa sa kanyang pisngi ang ilang litrong luha. Medyo nagulat si Dylan sa pabiglang biglang pag - iyak ni Ayesha. "Teka teka bakit ka umiiyak? Wala na sila, dapat matuwa ka na!?" Inalis na ni Dylan ang dahan dahan ang kanyang dalawang kamay sa bewang at sa pagkakayap sa dalaga. Umiwas din ng tingin ang binata para hindi mag - isip ng masama ang dalaga. "Sorry.. kung nabigla ka sa pagdating ko. Sorry kung nahawakan ko ang bewang mo.." Napapakamot ng ulo si Dylan. Hanggang inimudmod ni Ayesha ang kanyang mukha sa may dibdib ni Dylan. Nanlaki ang mga mata ng binata at natigilan. Dahil sa takot kung bakit napaiyak si Ayesha at di siya makapaniwalang may darating para tulungan siya. "Huwag ka ng umiyak... Huwag ka ng matakot, nandito naman ako.." Naging panatag ang loob ni Ayesha. Si Dorothy naman ay dali - daling bumalik at kasama niya si Fin. Sa malayo palang ay tinatawag na niya ang pangalan ng kaibigan. "Ayesha! Ayesha!" Pagkarating ng dalawa sa di kalayuan ay nakita nilang yakap ni Dylan si Ayesha at ang dalaga naman ay nakamudmod ang mukha sa may dibdib ng binata. Natigilan ang dalawa. "Sabi ko sa iyo okay na sila. Parang kidlat itong si Dylan! Dumating siya agad." Ani ni Fin na nakangiti. "Salamat naman.." Masayang sambit ni Dorothy. Hinablot ni Fin ang kamay ni Dorothy at hinila. "Tara!" "Huh? Teka! Saan tayo pupunta?" Pagtataka ni Dorothy. "Kumain muna tayo. Siguradong mamaya pa sila matatapos sa pag- eemote!" Sagot ni Fin na abot tenga ang ngiti. -------- Pinaupo ni Dylan si Ayesah sa isang bench na malapit lamang sa lugar. Tumigil na sa kakaiyak amg dalaga pero bakas sa mukha niya ang lungkot. "Salamat..." "Wala iyon. Kapag may nangangailangan, kailangan tulungan.." Ngumiti si Ayesha. Natigilan naman si Dylan at napatitig ito sa dalagang katabi. Napakaganda ng mga ngiti ni Ayesha na ibinigay niya kay Dylan. Kahit may dumi ang mukha at may malapot sa buhok ni Ayesha dala ng itlog ay di pa rin kumukupas ang ganda niya. Napalunok nalang ng laway si Dylan at agad umiwas ng tingin ng maramdaman niyang bumilis ang pintig ng puso niya. Kumakabog na ito na parang tambol at timebomb na anytime sasabog. Natataranta na ang binata at agad Tumayo. "Ma-marumi ang mu-mukha mo... May panyo ako rito.." nauutal na sabi ni Dylan na humablot sa kanyang panyo sa bulsa. "Magpunas ka muna." Nang paghablot ni Dylan ay may naisama ito at nahulog sa lupa. Nahulog ang brooch mula sa bulsa ni Dylan. Napatingin si Ayesha sa nahulog. Nakita niya na iyon ay ang brooch. Nanlaki naman ang mga mata ng binata sa di inaasahang nangyari. Tumayo si Ayesha at pinulot iyon. "Nahulog mo.." Inabot ni Ayehsa ang brooch. "Salamat!" Sa pagkakataong iyon ay mausisa si Ayesha. Sa pagtataka niya ay napatanong siya. "Hindi ba iyan iyong brooch na may simbolo ng paaralan? Hindi ba kay Jack ang brooch na iyan? Bakit nasa iyo ang brooch?" Natigilan saglit ang binata at hindi agad nakasagot. Nagkatinginan ang dalawa habang inaabot pa ni Ayesha ang brooch kay Dylan. "Uhmm... Na-naiwan niya. Nakalimutan kong ibigay sa kanya kanina..." Nauutal ulit na sagot ni Dylan na agad umiwas ng tingin. Tinanggap na nito ang inabot na brooch. "Salamat.." mahinang sambit ni Dylan. ------ Pumunta na ang dalawa sa comfort room para magpunas at makapagbihis na rin ng extra na siyang P.E uniform nila. Napakarumi na ang kanilang uniporme dahil sa mga itlog. Naunang lumabas si Dylan at hinintay ang dalaga sa labas. Medyo natagalan si Ayesha sa loob pero hinintay parin ng binata. Pabalik - balik ang kanyang lakad sa harapan ng comfort room. Ilang babae na rin ang lumabas ng comfort room at napapatingin talaga sa binata. "Matagal ba talagang magbihis ang mga babae?" tanong nito sa sarili na napapakamot pa ng ulo. Napasandal ang binata sa dingding malapit sa pinto. "Ayesha, okay ka lang ba ryan?" Nagtatanong nito na medyo mahina ang boses. Lumabas na rin si Ayesha pero matamlay ang dalaga. "Okay ka lang ba?" Pag - alala nito. Hindi sumagot ang babae bagkos ay nawalan ito ng malay. Nagulat si Dylan pero nahawakan naman niya agad ang likod at braso ng dalaga na muntik ng bumagsak diretso sa sahig. "Ayesha!" Tinakbo ni Dylan si Ayesha sa infirmary ng paaralan. Binuhat niya ang dalaga patungo roon. Kinabahan siya sa biglaang pagkahimatay ni Ayesha. Nabunutan na siya ng tinik ng masuri na siya ng school doctor at ang sabi ay okay lang ito. Natawagan na rin ang guardian ng dalaga tungkol sa nangyari. Nakahiga ngayon ang dalaga sa isang kama at sa gilid ay nakaupo sa silya si Dylan. Hindi pa rin nagkakamalay ang dalaga kaya nanatili muna si Dylan sa tabi nito. "Magpahinga ka muna..." Ang hindi alam ni Dylan ay dumalaw si Jack pero nanatili lang itong nakatayo sa may pinto na di man lang nagparamdam. Pinagmasdan niya ang dalagang nakahiga habang si Dylan ay naroon at nakaupo na nakatalikod sa kanya. Ilang minuto lang ay umalis na ito. Sa pag-alis niya ay ang pagdating nina Dorothy at Fin. Dali - dali silang pumunta sa infirmary ng mabalitaan nila ang nangyari. "Ayesha!" "Shh!" Sermon ng school nurse na nakauponsa may harapan. Napatango si Dorothy at dahan - dahang lumapit sa may kama kasama si Fin. "Anong nangyari Dylan?" Usisa ni Fin. "Nahimatay lang siya bigla pagkatapos niyang magbihis." Malungkot na sagot ni Dylan. "Kawawa naman si Ayesha. Kabago - bago lang nya rito sa paaralan, ito na ang mga naranasan niya.." ani ni Dorothy na napapatingin sa kaibigan. Dagdag pa niya." Naiinis ako kay Jack!" Medyo nagulat si Dylan sa narinig. "Naiinis ako kasi siya pa ang una kong pinuntahan para humingi ng tulong para kay Ayesha! Pero anong ginawa niya, hindi man lang siya kumilos! Nakakainis siya!" Sinagot ni Fin,"Nagiging katulad na kasi siya ni Froi. Kasapi na kasi siya sa grupo nila. Mapang - api sa mga mahihina lalo na sa mga estudyanteng mababa sa estado, mababa kesa sa kanila." Nakikinig lamang si Dylan sa kanilang dalawa. "Napakayabang nila! Porket mayayaman ang kanilang pamilya, nagagawa nila ang gusto nila!" nanggigigil na sabi ni Dorothy. "Mabuti ka pa Fin, may kaya ang pamilya mo pero hindi ka nila katulad.." "Mas mayaman sila kumpara sa amin pero di ko naman kaya na mang-api!" "Matagal na ba silang ganyan?" Usisa ni Dylan. "Ganito talaga rito! Kapag mas mayaman ka, mas nakakaangat ka! Gaya ng grupo nila na kasapi na ngayon ang anak ng may - ari ng paaralan. Mas makapangyarihan na sila!" Dagdag ni Fin. "Sshhh! Huwag kayong maingay!" Sermon ng nurse na nakakunot noong tiningnan sila. Yumuko ang dalawa at nagsorry. "Sorry po!" Naalala ni Dorothy ang mga gamit nila ni Ayesha sa classroom na naiwan. "Naku, ang mga gamit namin. Kailangan ko palang kunin iyon!" Hinablot agad ni Dorothy ang kamay ni Fin at hinatak. "Samahan mo ako Fin!' Gulat naman si Fin at walang magawa kundi sumunod ito. Hindi na pinansin amg dalawa na lumabas ng silid. Napakalalim ng iniisip ni Dylan sa mga oras na iyon. Kinuha niya ang kanyang brooch at tinitigan nya ito na nasa palad niya. "Kailangan kong kausapin si Jack.." mahinang sambit niya. Ibinalik niya ang brooch sa bulsa at tumayo. Aalis na sana siya sa kinatatayuan nang may humawak sa ibabang bahagi ng tshirt nya. Natigilan si Dylan at napalingon sa dalaga na dahan - dahang minumulat ang mga mata. Matamlay na mga mata ni Ayesha ang bumungad. "Teka lang.." Mahinang ani ni Ayesha. "May kailangan ka ba? Kumusta ang pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong ni Dylan na humarap. "Di ba may premyo pa ako na dapat iclaim sa iyo? Gagawin mo ano gusto ko at hihilingin ko?" "Huh? Uhm.. yata?." Napilitang sagot ni Dylan. "Maari bang manatili ka muna sa tabi ko.. iyan ang gusto ko.." Tugon ni Ayesha na nakangiti at dahan - dahang pumikit ang mga mata. Napangiti si Dylan at hinawakan ang kamay na nakahawak sa tshirt niya. Umupo na rin siya sa silya. "Sympre naman. You can now claim!" Samantala, hindi pa rin tumitigil ang grupo ni Froi sa mga ginagawa nila. Mas nagiging confident pa sila sa ginagawa dahil kasama nila si Jack. Napansin ni Clarence na hindi suot ni Jack ang brooch.. "Bro, hindi mo yata suot ang brooch mo?" "Huh? Ah, naiwan ko kasi!" Sagot ni Jackna medyo hindi komportable. Nagsalita pa ang isa nilang kasama,"Hindi ba simbolo iyon na ikaw ang anak ng may - ari at para makilala ka nila. Kapag hindi mo suot iyon magmumukha kang katulad lang naming mga estudyante." Sinermunan siya ni Jack. " Kahit hindi ko iyon suot, ako parin ang anak ng may - ari!" Biglang nagalit si Jack sa unang pagkakataon. Lumapit si Froi at inakbayan ang lalaki. " Chill! Tama si Jack kahit hindi niya iyon suot, siya pa rin ang anak ng may - ari ng paaralan. Dumadaloy pa rin sa kanyang dugo, tama ba Jack!?" Hindi sumagot si Jack at halatang galit pa rin ito at wala sa mood. Pinanindigan na talaga niya na siya ang anak. Nagpatuloy ang grupo nila Froi na mangbully sa mahihinang mga mag -aaral lalo na mga first year. Pinapaalis nila sa upuan kung saan magustuhan nilang umupo. Kahit hindi sila ang nauna ay pinipilit nila ang mga ito. Kapag trip naman nilang agawin ang magustuhan nilang bagay na pinagmamay - ari ng iba ay ginagawa nila. Nasisiyahan ang grupo nila na yumuyuko at kinatatakutan sila ng iba lalo na kasama nila si Jack. "Gusto ko ang gamit mong headphone! Bago ba yan?" Nakangiting tanong ni Froi sa isang estudyante. "Ba-bagong bi-bili.." nauutal na sagot ng lalaking estudyante na napapahawak sa kanyang headphone. "Pwede bang hiramin?" "Huh? Uhmm. Sige.." Inabot niya ang headphone sa kamay ni Froi. Nang nasa kamay na ng binata ay may sinabi ito. "Sa amin na ito!" "Ano!?" Reakyon ng binata. Inihagis ni Froi kay Jack at nasalo naman nito. "Kay Jack na iyon! Regalo mo sa kanya!" "Teka, akin ang headphone na iyan!" Angal ng lalaki. Inakbayan agad ni Clarence ang binata. "Kilala mo ba siya?" Turo niya si Jack na napakaseryoso ng mukha. "Hindi!" "Siya lang naman ang anak ng may - ari ng paaralan! Kung gusto mo pang manatili sa paaralang ito, magbigay galang ka!" Napayuko ang binata na walang magawa. Patuloy ang ganitong gawain ng grupo nila Froi kasama si Jack. Unti - unti ng nasisiyahan si Jack sa pagiging magkaibigan nila ni Froi. Ramdam niya na importante siya at binibigyan siya ng halaga at pinapagtanggol sa iba. ------ Habang abala ang grupo sa may student lounge ay may dumating isang ginang na nakasuot lamang ng simpleng bistida at may dala itong paperbag. Palinga - linga ito na mukhang may hinahanap. Napansin iyon ni Clarence kaya pinuntahan niya ito na medyo mayabang ang dating. "Ginang, may hinahanap ka ba?" Pabalang na tanong ni Clarence. Sumagot ang ginang. "Kilala mo ba si Jack? Nakita mo ba siya?" Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang ginang. "Si Jack po ba na anak ng may - ari ng paaralan?" "Huh? Anak ng may - ari?" Lumingon si Clarence kay Jack na masayang kasama nina Froi. Napatingin din ang ginang sa student lounge at nakita ang binata. "Siya ba ang hinahanap ninyo? Si Jack na anak ng may - ari ng paaralan?" Hindi sumagot ang ginang. "Ginang, yaya ba kayo ni Jack o katiwala?" Agad tumalikod ang ginang at umalis. Medyo nagulat si Clarence sa pagtalikod nito at di man lang siya sinagot. "Abat!" Nainis tuloy ang binata. "Baliw!" Sino kaya ang ginang? ---- Naunang umuwi si Jack sa bahay sakay sa kotse. Pagkapasok niya sa pinto patungo sa sala ng mansyon ay sinalubong na siya ng isang ginang, ang ginang na pumunta sa paaralan. "Jack!" Masayang tawag nito. Nagulat si Jack. "Ma?" Hindi niya inaasahang makikita niya ang kanyang ina at dadalaw ito. "Anak, kumusta ka na? Matagal na kitang di nakikita ng harapan!" Ani ni Ginang Esther, ang ina ni Jack. Napapahaplos siya sa mukha ng binata. "Okay lang naman ako ma." "Ang tangkad mo na! Pumuti ka rin!" Sabik nitong makita ang anak na simula noong sumama si Jack sa ama abroad ay di na niya nakita ang binata ng harapan. "Okay lang ako.." "Kumusta ang pag-aaral mo sa paaralan ni Madam?" "Okay lang naman po.."mahinahong sagot nito. "Balita ko na mga mayayaman ang nag - aaral roon?" "Opo.." Napakaseryoso ng mukha ni Jack at mukhang hindi gusto na makita ang ina. Hinablot niya ang kamay ng anak at hinatak niya ito patungo sa study room. Naging katiwala si Ginang Esther noon sa mansyon pero bumitiw lang ito. Nang nakapasok na sila sa silid ay isinara niya ang pinto. Pinaupo rin niya si Jack sa couch. Napakrus ang mga braso ng ginang sa may dibdib nito. "Pumunta ako sa paaralan ninyo kanina!" Napalingon si Jack sa kanyang ina. Hindi niya alam na pumunta ito roon. "Pumunta kayo?" Medyo kinabahan ang binata. "Oo at may nakapagsabi na ikaw daw ang anak ng may - ari ng paaralan! Totoo ba iyon?" Striktong tono ng boses ng ina. Napayuko si Jack. "Totoo po. Inakala nila na ako ang anak ni Madam.." Biglang tinapik ni Ginang Esther ang balikat ni Jack. "Magaling! Magaling anak!" Bakas sa mukha ng ginang ang kasiyahan. Nanlaki ang mga mata ni Jack. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang reaksyon ng kanyang ina. Mukhang natutuwa pa. "Ikaw ang tinuturing na anak ni Madam! Ikaw ngayon ang nasa itaas at makapangyarihan! Paano nangyari iyon?" Usisa nito. "Dahil sa brooch ni Dylan. Pinasuot niya sa akin noong unang araw ng pagpasok namin. Hindi pa siya pinapakilala kaya ang lahat ay inakala na ako dahil suot ko iyon." Paliwanag ni Jack. Napatingin sa polo ni Jack ang ina. Hinahanap ang brooch kung suot ba niya. "So nasaan ang brooch? Hindi mo yata suot." "Naroon kay Dylan. Inilipat yata ng katulong sa polo niya." "So ano na ang mangyayari?" "Alam ko pong panandalian lang ito kaya kung malalaman nila, wala na akong magagawa!" Sagot ni Jack na tumayo. Sinermunan siya ng ina. "Ito na ang pagkakataon mo para mas umangat ka kay Dylan! Hindi ka na ibubully ng iba! Yuyuko sila! Kaya kung may paraan, gawin mo!" Hindi na sumagot si Jack at humakbang ito paalis sa kanyang inuupuan at lumabas sa study room. Sinundan naman ng ina ang anak. "Jack!" Tawag nito. Hindi lumingon ang binata at dire-diretso itong naglakad. Dumating naman si Dylan na hawak ang isang strap ng backpack niya. "Tita Esther?" Natigilan si Ginang Esther at dahan - dahang lumingon sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Dylan. Sinalubong ng may ngiti sa labi ng binata ang Ginang. "Kayo po pala Tita Esther! Magandang hapon po!" Nakangiting bati ng binata. "Dylan, hijo! Kumusta ka na?" Masayang pagbati ng ginang na agad pinuntahan ang binata. "Okay lang naman po tita!" "Ang tangkad mo na. Ang gwapo - gwapo mo! Binatang - binata na!" Napakamot ng ulo si Dylan dahil nahihiya ito sa pinagsasabi ng ina ni Jack. "Hindi naman po.." "Ang liit mo pa noon noong huli kitang nakita ng harapan. Binata ka na ngayon! May girlfriend ka na ba?" "Po? Wala po!" "Siguradong habulin ka ng mga babae sa inyong paaralan o di kaya sa abroad!" Pambobola nito. "Hindi naman po." "Siguradong maraming magkakagusto sa iyo.." "Tita, masaya po ako na bumisita po kayo! Siguradong namiss ninyo si Jack at lalo na si Mang Lino. Ayie!" Tukso ni Dylan. "Ang pilyo mo talaga Dylan!" Bakas sa mukha ni Dylan ang kasiyahan na makita si Tita Esther na nag - alaga sa kanya noong bata pa siya at nakatira pa sa mansyon noon. Hinawakan bigla ni Ginang Esther ang mga kamay ng binata. "Dylan..." "Yes tita?" "May naikwento si Jack sa akin..." Natahimik si Dylan at nakinig ito sa seryosong sinasabi ni Ginang Esther. Nagpatuloy ang ginang sa pagsasalita. "Alam kong napaka-close ninyo ni Jack. Lumaki kayo na magkasama at parang magkapatid na kayo. May ipapakiusap sana ako..." "Ano po iyon tita?" Bago nagsalita ay napalinga - linga muna siya sa paligid na baka may makarinig. "Ang tungkol sa brooch... Maaari mo bang ipahiram muna kay Jack..." Hindi nakasagot si Dylan. --------- Umuwi na ang ina ni Jack na si Ginang Esther pagkatapos maghapunan kasama ng dalawang binata at ni Mang Lino. Si Jack ay nanatili sa kanyang kwarto at hindi man lang dumalaw kay Dylan. Ito ang unang pagkakataon na hindi ito pumunta sa kwarto ng kaibigan sa gabi. Tahimik lang ito na nakaupo sa study table niya. Hindi niya maintindihan pero nahihiya siyang makaharap si Dylan at ang tungkol sa brooch ay di niya maiwasang hindi isipin. "Hanggang kailan kami magpapanggap? Ipapaalam na kaya ni Dylan ang lahat? Ngayon pa na nakasanayan ko na.. Kung hindi ko iyon suot, mas maraming magdududa.." mahinang sabi niya sa sarili. Hindi inaasahan ni Jack na may kakatok sa pinto ng kwarto niya. Bago siya sumagot ay huminga muna siya ng malalim. "Jack, pwede ba tayong mag-usap!" Mahinahong pagpapaalam ni Dylan sa likod ng pinto. "Pumasok ka.." sagot ni Jack sabay tayo sa inuupuan niya. Pagbukas ni Dylan sa pinto ay nakaharap na si Jack sa kanya. "Anong sadya mo Dylan?" Humakbang papalapit ang binata sa kaibigan. Pareho silang napakaseryoso ng mukha. Ito ang kauna - unahang ganito mag-usap ang dalawa. "Isa lang naman ang sadya ko at ito ay tungkol sa ating lihim. " "Tungkol sa pagpapanggap natin? Gusto mo na bang bawiin at magpapakilala ka na ikaw ang anak ng may -ari?" "Maari kong gawin iyan anytime pero isa lang ang gusto ko ngayon. Kung gusto mong maging ako na isang anak ng may - ari ng paaralan, gawin mo ang nanaisin ko!" Napakunot noo si Jack at hindi nya mahulaan ang iniisip ni Dylan. Seryoso pa rin ang mukha ng binata at may hinablot sa bulsa niya at ito ay ang brooch. "Sa brooch na to, maaari kang magpakilala na ikaw ang anak ng may - ari. Hindi sila magdududa kung suot mo ito. Kung mawala man ito ay madali namang mapapalitan.." "Huwag ka ng magpaligoy - ligoy pa Dylan. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" Hindi na nagdalawang isip pa si Dylan sa gustong ipahayag. Direktang sinabi niya ang gusto niyang mangyari. "Sabihan mo ang mga kaibigan mo na huwag ng papakialaman si Ayesha! Huwag ninyo siyang sasaktan!" Hindi inaaasahan ni Jack ang pinapagawa ni Dylan sa kanya. Mas nagtataka ito kung bakit ito napaka-protective sa dalaga. Lumapit si Dylan sa mesa at inilapag ang brooch sa ibabaw nito. "Kung gusto mong gamitin ito at gawin ang gusto ko, isuot mo na. Kung hindi naman, maaari mong ibalik ang brooch sa akin!" Ningitian pa ni Dylan si Jack pagkatapos.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD