Episode 9: Madugong Bakbakan

1518 Words
NAKALUHOD si Ka Omar, habang nakatali ang mga kamay niya sa likuran nito at nasa harapan naman niya si Kumander Allhe. Pinag-aralan nito kung ano ang kahinaan ni Ka Omar, dahil alam niya na takot itong mamatay. "Nasaan ang kuta ninyo?" kalmado na tanong ni Kumander Allhe. "Wala kayong makukuhang sagot galing sa akin!" seryoso naman nitong tugon. Agad hinugot ni Kumander Allhe ang kaniyang military knife. "Alam mo bang mahaba lang ang aking pasensya?" pananakot niya rito. Napalunok naman si Ka Omar dahil nakita niya kung gaano ka tulis ang military knife ng kausap niya. "Naririnig mo ba iyong isang sundalo na namugot ng ulo sa mga lider ng mga rebelde?" bulong ni Klent. Muling napalunok si Ka Omar at tumango siya. "Siya iyon! Kaya kung ako ikaw, kung gusto mo pang mabuhay," muling bulong ni Klent. "Bibilang ako ng tatlo, at huwag mo akong subukan," wika ni Kumander Allhe. "Isa… Dalawa… Tat—" "Magsasalita na ako! Magsalita na ako!" Pawisan si Ka Omar at paulit-ulit itong napalunok. "Magsalita ka na habang hindi pa naubos ang aking pasensya." Sinabi ni Ka Omar kung saan ang kanilang kuta, at sinama nila ito sa pagpunta sa kuta. Takot ang nararamdaman niya dahil alam nito na walang kapatawaran ang ginawa niyang pagsuplong niya ito sa buo nilang grupo. Bago paman sila dumiretso sa naturang area ay inutusan muna ni Kumander Allhe ang kapatid na patingnan ang buong kapaligiran gamit ang kanyang drone. Agad kumilos si Alsi at kinuha ang drone niya mula sa kanyang military bag at ang maliit nitong monitoring. Hanggang sa napalipad na ni Alsi ang drone. Habang si Kumander Allhe, Col. Jacob Samonte, at si Capt. Jase Samonte ay seryosong pinagmasdan ang monitoring. Napansin nila naghahanda ang mga rebelde at ang iba ay nakapwesto na ito. "Hindi tayo puwedeng umatake ngayon. Nakapag handa na sila at siguradong maraming malagas sa ating mga kasamahan," paliwanag ni Kumander Allhe. "Mas mabuti kung mamayang gabi tayo aatatake," suhestyon ni Col. Jacob Samonte. "Sang-ayon ako sa suhestyon ni Colonel," turan ni Capt. Jase. "Sige. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo. Pero maging alerto kayo sa buong paligid." turan ni Kumander Allhe. Umupo muna sila sa kagubatan at doon nagpapalipas ng gabi. At itinali nila si Ka Omar sa puno upang hindi makatakas. Alas-sais na nang hapon at nagsimula nang umagaw ang liwanag sa dilim. Pareho ang lahat na nakaramdam ng gutom dahil kaninang tanghali pa sila na hindi kumain. Napansin ni Kumander Allhe na tumayo ang kapatid niya at kumuha ng mga kahoy. Nang akmang sisindihan niya ito ay maagap na hinawakan ng kapatid niya ang kamay nito. "Ano ang gagawin mo, Sirocco?!" Nagulat naman ang mga kasamahan nila, na kahit si Switlyne na nakaidlip na ay nagising. "Kumander, magluluto sana ako ng makakain natin," inosente nitong tanong. Ito pa lang ang kauna-unahang beses na sumama siya sa giyera na inabutan ito nang gutom kaya hindi pa niya alam na bawal iyon. "Hindi mo puwedeng gawin iyan dahil matunton tayo ng mga kalaban," mahinahon na paliwanag ng kapatid. Hindi agad nagsalita si Alsi, at iniisip niyang mabuti kung paano sila matunton. "Kung magsindi ako, paano kami matunton?" tanong niya sa sarili. "Ah! I see… I got it. Dahil pala sa apoy at usok!" tanong niya, ay sagot lang din. At nasapak pa niya ang sariling ulo. "I'm sorry, Kumander Allhe," pakumbaba niyang sabi sa kapatid. "It's okay." Sabay tapik-tapik niya sa balikat ng kapatid. "Alsi, halika dito!" tawag ni Switlyne, at meron itong kinuha sa military backpack at kinuha ang di-latang beans. "Ito, kumain ka muna." Binuksan niya ang lata at inabot niya sa nobyo na may kutsara na. "Wow! Salamat nito, Swit! Buti na lang nagdala ka." Umupo naman si Alsi sa tabi niya. "Walang anuman." At nakangiti ito. Lihim na napapangiti si Kumander Allhe, dahil natuwa siya sa ginagawa ni Switlyne para sa kapatid niya. Napansin niya na may mga bakas na papalapit sa kaniya at hinintay niya itong magsalita. "Allhe, hindi ka pa ba nagutom?" tanong ng asawa niya, at umupo ito sa tabi nito. "Hindi pa," simpleng sagot naman niya. "Men— Get ready!" utos ni Kumander Allhe. Dahil sumapit ang alas-siyete nang gabi. Agad tumayo ang mga militar at naghati sila sa tatlong platun. Hindi na isinama ni Kumander Allhe si Ka Omar, dahil magiging pabigat lang ito sa kanilang lakad. Pinaiwan ni Kumander Allhean ang limang militar para magbantay kay Ka Omar. Maliban sa limang sundalo ay pinaiwan rin ni Kumander Allhe ang twenty military medics. Ang bilin niya ay hintayin ang kanyang tawag. "Jacob, mag-ingat ka," bulong ni Kumander Allhe sa asawa. "Ikaw rin, Allhe," tugon nito. Kumilos na ang mga militar at naghiwa-hiwalay ang tatlong platun. Sobrang dilim sa buong paligid na ang nagsilbi nilang mga ilaw ay ang sinag ng bilog na buwan. Kahit nakapwesto ang mga rebelde pero hindi nila napansin ang pag-atake ng mga sundalo dahil sobrang dilim sa paligid. Pagkalipas ng isang oras ay nasa malapit na sila sa kuta ay agad na silang nagha. Sumenyas si Kumander Allhean na gapangin ang mga naka-posting na mga rebel para maiwasan ang malagasan ang platun nila. At maya-maya pa ay nagsimula na ang putukan sa hanay ni Capt. Jase Samonte. At dahil doon ay nabulabog ang kuta ng mga rebelde at agad sumiklab ang giyera. Medyo marami ang mga rebelde. Kaya matagal natapos ang giyer, idagdag pa ang kadiliman sa paligid. Patuloy ang giyera, at hindi hiwalay sa tabi ni Kumander Allhe ang kapatid niya. Lagi itong nasa likod niya. Dahil ayaw niyang mapahamak ang kapatid niya. Tuluyang nakapasok ang pardus force sa kuta ng mga rebelde at bawat isa sa kanila ay puno nang pag-iingat dahil hindi nila alam kung may mga bomba sa bawat sulok nito. "Mag-ingat kayo!" wika ni Kumander Allhe sa lahat. Nagsimulang umalingawngaw ang mga malalakas na pagsabog at hindi na nila alam kung sa kanila ba galing o sa mga rebelde. Habang patuloy ang giyera ay hinahanap naman ng mga mata ni Kumander Allhe ang leader ng mga rebelde. Ngunit nahihirapan siya dahil masyadong madilim sa paligid at idagdag pa ang mga usok na nagmula sa mga sumasabog sa paligid at ang mga nasusunog na kubo. "Tulong… Tulong…" paulit-ulit na mga sigaw ng mga kababaihan. "Men… search the area!" utos ni Kumander Allhe. Agad naman kumilos ang mga pardus force at hinahanap kung saan galing ang mga sigaw. Habang pumasok ang iba nilang kasamahan, may look-out naman sa labas nito. Mula sa dalawang kubo ay na-rescue nila ang anim na babae. Pareho ang mga ito na tanging panty at bra lang ang suot. "Jennith, Tennio, Joy. At kayong dalawa. Protektahan niyo ang mga na-rescue. Mauna na kayo, and make sure safety silang makalabas dito!" "Yes, Kumander Allhe!" "Sandali!" pigili niya. "Bakit kumander?" tanong ni Jennith. "Albert, sumama ka na sa kanila. Masyadong delikado dito." "Kumander, kung nandito si Swit, dito lang din ako," aniya. "Swit, sumama ka na rin," pahayag ni Kumander Allhe. "Kung ganoon, maiwan na lang dito si Jennith, Tennio, at Joy. Kami na ang bahala sa mga na-rescue." Good!" Sige na, move!" "Agad naman silang kumilos at bumalikwas kung saan sila dumaan at kasama nila ang anim na mga kababaihan. Doble-doble ang pag-iingat ni Switlyne at Albert III., dahil anim na buhay ang nakasalalay. At pero ang dalawa na ayaw biguin ang tiwala ni Kumander Allhe sa kanila. Medyo kinabahan si Alsi, pero kailangan niyang lakasan ang loob. Sapagkat nais niyang protektahan ang babaeng mahal niya, at hindi siya ang palaging pinoprotektahan nito. Hanggang sa naka layo-layo na sila mula sa kuta ng mga rebelde. "Huwag kayong mag-alala ligtas na kayo," mahinahon na sabi ni Switlyne sa anim. "Maraming salamat sa inyo. Ang akala namin ay doon na kami mamamatay,' umiiyak na pahayag ng isang nakaligtas. SAMANTALANG patuloy naman na hinahanap ni Kumander Allhe ang pinuno ng mga rebelde ngunit hindi niya ito mahagilap. Umabot ng hating gabi ang bakbakan bago humupa ang putukan. Hindi alam ni Kumander Allhean, kung napatay ba sa giyera ang leader nila. Dahil masyadong madilim ang paligid at malawak pa. "General Samonte, okay ka lang ba?" pag-alala na tanong ni Col. Samonte sa asawa. "Oo. Ikaw?" balik tanong niya rito. "Yes, I'm fine!" "Capt. Samonte, may tama ka?" At dali-dali niya itong nilapitan. Napansin niya na may tama ito dahil sa kulay pula na nasa braso nito. "Wala ito, daplis lang," aniya. Medyo malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Capt. Jase Samonte. Sapagkat limang miyembro sa platun niya ang nasawi at tatlo ang sugatan. Habang kay Col. Jacob Samonte naman ay dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan. Samantalang kay Kumander Allhe naman ay apat na sugatan pero hindi naman malubha, ngunit sa wala namang nasugatan sa miyembro ng pardus force. "Sandali— Si Albert at si Switlyne?" kinabahan niyang tanong at sabay linga sa paligid. "Huwag kang mag-alala, Colonel Samonte. Ligtas sila. Pinauna ko sila sa paglabas dito para protektahan ang anim na mga babaeng na-rescue namin." "Mabuti kung ganoon. By the way, napatay n'yo ba ang leader nila?" "Wala. Pero hindi ko pa alam kung patay ba siya o buhay," tugon niya sa asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD