Mga one week bago naalis ang pulang marka sa leeg ko. Sa one week na iyon ay tinakpan ko ito ng band aid at laging nakalugay ang buhok ko para mas lalo itong matakpan at hindi ma-curious iyong mga taong pwedeng makakita nito. Hindi ko na iniisip kung saan ko ito posibleng nakuha. Ipinagpalagay ko na lang na kinamot ko ito ng matindi kaya ako nagkaroon ng marka rito. Hindi lang iyon, nawala rin sa isip ko ang ilang agam-agam sa utak ko nang kumprontahin ko sa harap ni Tito Arnulfo si Anna tungkol sa sumbrero na napulot ko sa kwarto ko. Inamin ni Anna na kanya iyon kaya naman nawala sa isip ko na posibleng may pumasok sa kwarto ko at siyang may gawa ng marka sa leeg ko. Nag-agree rin si Tito Arnulfo na sa anak nga niya ang sumbrero kaya mas lalo akong napanatag. Siya raw ang bumili ng sumbr