Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa kama nang makarinig ako ng malalakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Tamad na tinungo ko ito habang iniisip ko kung sino ito dahil parang natataranta ang nasa labas ng pintuan. Nakatulog pala ako sa paghihintay na mawala ang mga bisita sa baba. Ang plano ko ay umidlip lang saglit para mawala kahit papaano ang pamamaga ng aking mga mata at ipahinga ang utak ko sa paggawa ng aking mga takdang-aralin. Ngunit nagtuloy-tuloy na pala ang tulog ko at hindi ko na namalayan ang oras. "T-Tito…" halos mautal na wika ko nang pagbuksan ko ng pintuan si Tito Arnulfo. Kita ko ang takot at pag-aalala sa kanyang mukha na siyang nabungaran ko at labis ko naman itong ipinagtataka. Kahapon, galit na galit siya sa akin. Ngayon, para siyang maiiyak habang pinagmama