Chapter 7. May dumating na mga bisita.

2000 Words
Namamaga ang mga mata ko nang magising ako kinabukasan. Hirap na hirap akong imulat ang mga ito kaya naman nagpasya akong lumiban na lang sa klase ngayong araw. Tutal, wala naman masyadong gagawin ngayon dahil abala ang lahat sa nalalapit na Intramurals. Pero tumawag pa rin ako sa isa kong propesor para sabihin na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Ito rin ang sinabi ko kay Nana Mameng nang sunduin niya ako sa aking kwarto para sabayan ko sa almusal ang mag-ama. Sabi ko hindi ako papasok ngayon at hindi ako makakasabay sa pagkain ng almusal dahil masama ang pakiramdam ko. "Sasabihin ko kay Arnulfo ang kalagayan mo, hija. Matulog ka na muna riyan at dadalhan na lang kita ng pagkain mo rito mamaya." Tumango lang ako sa sinabi ng matanda at pagkatapos ay muli akong nagtalukbong ng kumot. Matutulog na lang ako buong maghapon baka sakaling mawala na ang hinanakit na narito sa puso ko kapag ginawa ko ito. But I know it won't fade. Hindi mabubura ng tulog ang tampong nadadarama ko kay Tito Arnulfo. Oo, nakikita kong pati si Anna ay nasasaktan din niya ng matindi minsan. Pero hindi ko akalain na darating ang araw at matitikman ko rin ito sa kanya. Ang sakit para sa akin. Hindi ako sanay lalo na at hindi naman ako naging pasaway sa kanya simula ng bata pa ako hanggang magkaisip ako. Yes, kapakanan ko lang ang iniisip niya pero hindi ba niya naisip na naging OA siya sa kanyang reaksyon kahapon. Nag-conclude siya kaagad ng ganoon without hearing my side of the story. 'Di bale, mag-m-move on na ako. It serves as a lesson to me. Simula ngayon ay talagang pipilitin ko na lalaki na ang mismong iiwas sa akin. Nakatulog akong muli. Paggising ko ay naamoy ko kaagad ang aroma ng masarap na sinangag at ilang klase ng ulam na alam kong niluto sa akin ni Nana Mameng para ganahan ako. Kaagad akong umalis sa ibabaw ng kama. Dumiretso ako sa loob ng banyo at nagmumog. Naghugas din ako ng aking mukha at pagkatapos ay itinali ko ang aking buhok. Lumabas ako ng banyo na nakangiti. I guess okay na ako. Hindi na ako nagdaramdam kay Tito Arnulfo dahil na-realize ko na hindi dapat. He just wants what is best for me. Tinuruan lang niya ako ng leksyon at hindi tamang magalit ako sa taong minahal ako at inalagaan. Naubos ko ang pagkain na dinala ni Nana Mameng dito sa kwarto ko. Sinimot ko lahat dahil naalala ko kagabi na hindi pala ako naghapunan. Inayos ko ang aking pinagkainan at pagkatapos ay pumasok muli ako ng banyo para maligo. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong wala na ang mga pinagkainan ko. Malamang umakyat muli rito si Nana Mameng para siguruhin kung kumain ba ako o hindi. Humugot ako ng pambahay sa drawer ko. Pagkatapos kong magbihis ay saka ako bumaba para tumambay sa garden at doon gawin ang ilang projects na kailangan kong maipasa bago kami mag-final exam. Malayo-layo pa naman ito actually pero gusto ko ng matapos ang ilan sa mga proyekto ko sa school para hindi na sasakit ang ulo ko sa paghabol ng mga dapat tapusin. Dala-dala ko ang bag ko at laptop ko nang lumabas ako ng aking silid. Nakasalubong ko pa si Nana Mameng na kasama ang dalawang katulong at may bitbit na maraming kurtina. Magpapalit na naman sila? Parang kailan lang yata noong magpalit na naman sila. Nginitian ko lang ang matanda at saka na ako nagtuloy-tuloy sa pagbaba sa ibaba. Ngunit nagulat ako nang makita kong nasa baba si Tito Arnulfo at may kausap sa kanyang telepono. As usual nakatayo siya sa tapat ng bintana habang nakalagay sa kanyang tainga at seryoso sa pakikipag-usap. Hindi siya pumasok sa trabaho? Mukhang may malaki nga yata siyang problema sa kanyang kumpanya dahil halos hindi siya makamayaw sa pakikipag-usap sa taong kausap niya sa kanyang telepono. Nilampasan ko si Tito Arnulfo at hindi na ako nag-abalang ipakita pa sa kanya ang presensiya ko. Baka mamaya ay ma-badtrip na naman siya at ako na naman ang pagdiskitahan niya. Kawawa naman siya. Naiintindihan ko na kung bakit mainit ang ulo niya. Maraming umaasa sa kumpanya niya na mga tao. Kapag bumagsak ito ay alam kong marami ang maapektuhan. Sana maresolba na kung ano man ang kinakaharap ng kumpanya niya ngayon. Sa garden, sinimulan ko ng tapusin ang ilan sa mga proyekto ko. Madali iyong iba kaya iyon na muna ang inuna ko. Paper works ang karamihan at sa laptop ko na ito trinabaho. Iyong medyo mahirap tulad ng mga drawing at paggamit ng ilang materyal para makabuo ng imahe ay hinuli ko na tutal naisip ko na next week ko na ito gagawin. Nag-uunat na tumayo ako sa aking upuan at nag-stretching saglit. Nangawit ang likod at pwet ko sa matagal na pagkakaupo kaya naman naisip kong tumayo muna at itigil muna ang aking ginagawa. Pumasok ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref at tumingin ng pwedeng kainin. Nadatnan ko si Nana Mameng doon na naghihiwa ng repolyo at patatas. Malamang nilagang baka ang ulam mamayang tanghalian dahil naamoy ko sa paligid ang aroma ng baka. Mukhang mapapasubo na naman ako ng kain nito lalo na kapag may patis at sili. "Ano'ng gusto mo, hija?" tanong ni Nana Mameng na kaagad tumayo at lumapit sa akin na busy sa pagbusisi sa loob ng ref. "Tubig po sana at pwedeng mameryenda kung mayroon," sagot ko. "Ako na. Maupo ka na riyan sa lamesa at ipaghahanda kita ng iyong meryenda." "Salamat po, Nana. Tubig na lang po ang iinumin ko." "Ayaw mo ng orange juice?" "Tubig na lang po muna ako ngayon, Nana." "Sige." Naglabas ng pitsel ng tubig ang matanda at inilapag ito sa harapan ko kasama ng baso. Pagkatapos ay muli nitong binuksan ang ref at naglabas naman ng isang karton ng cake at naghiwa mula rito ng isang slice. Natakam ako nang makita kong chocolate cake ito. Hindi naman nawawalan ng cake ang refrigerator dahil kaming dalawa ni Anna ay parehong favorite ito. "Ubusin mo iyan, hija. Itutuloy ko lang ang mga hinihiwa ko para makaluto na ng tanghalian. May mga bisita ang Tito Arnulfo mo at mukhang lahat ay bigatin na tao," tsismis ng matanda sa akin. Napamaang naman ako sa aking narinig. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho? Kaya ba siya Tarantang-taranta kanina dahil may mga darating pala siyang mga bigating bisita ngayon. "Ganoon po ba? Saan po kaya sila mag-stay? Sa garden po ba o sa visiting area?" "Hindi ko alam, hija. Walang hinabilin sa akin ang Tito mo. Dito kasi sa kusina ako nakatoka ngayon at malamang iyong ibang mga katulong ang pinaasikaso niya riyan." "Ah..." tangi kong nasabi. Sana naman huwag sa may garden dahil doon ko ginagawa ang mga proyekto ko. "Kaya ikaw umakyat ka na lang sa kwarto mo at doon mo na lang gawin ang ginagawa mo sa may garden. Puro lalaki ang ka-meeting ng Tito mo at hindi maganda na pakalat-kalat ka." Tumango ako sa sinabi ng matanda. Hindi ko rin nais na mapunta sa akin ang atensyon nila lalo na at nakamaikli lang akong suot na short at nakasando pa. Baka mamaya ito na naman ang maging dahilan para magalit sa akin ang Tito ko. Kadalasan pa naman sa mga matatanda ngayon ay manyakis. Makakita lang ng bata at sariwa ay natatakam na. Kinilabutan ako sa aking naisip. Lalo na nang sumagi sa aking isipan iyong nakakatakot na lalaki. Na hindi ko alam kung stalker ko ba o pinagtitripan lang ako. Ano kayang reaksyon niya na makita niyang wala ako sa apat na sulok ng university. Baka namumuti na mga mata niya kahihintay na masilayan ako. Mas lalo akong kinilabutan. Pero siguro titigilan na niya ako lalo na nang masupalpal ko siya sa mga salita ko. Kung makapagsalita kasi siya ay parang pag-aari niya ako. Pero what if stalker ko nga talaga siya? s**t! Hindi ko pa ito nasasabi kay Tito Arnulfo. Kailangan niyang malaman dahil parang obsess pa sa akin iyong lalaki. Pero naisip ko lang, nakakarating din ba sa kanya ang tungkol sa paglapit-lapit sa akin ng nakakatakot na lalaking iyon? Bakit parang iyong tungkol lang kay Levroz ang nakarating sa kanya kahapon. Naalala ko, nakausap ko iyong lalaki at lumapit din siya sa akin. Baka kasali na ito sa init ng ulo niya kahapon. Pero ang tutok lang ng atensyon niya ay si Levroz dahil nga nanliligaw nga ito sa akin. "Nana Mameng!" Pareho kaming nagulantang ni Nana Mameng sa malakas na pagtawag sa kanyang pangalan. Tarantang-taranta ang katulong na si Rosa na pumasok ng kusina at tila hinabol ito ng sampung demonyo kung habulin nito ang kanyang paghinga. Pansin ko na pawis na pawis din siya at akala mo ay malayo ang tinakbo niya. "Oh bakit, Rosa? Bakit natataranta ka?" "Maghanda na raw po tayo ng meryenda sabi ni Sir Arnulfo. Parating na raw ang kanyang mga bisita at dapat nakapaghanda na tayo sa may garden." Nakadama ako ng panic nang marinig ko na sa garden patutuluyuin ni Tito Arnulfo ang kanyang mga bisita. Kaagad akong tumayo at nagtatakbo para kunin ang mga gamit ko. On the way pa lang naman siguro iyong mga bisita niya at may time pa ako para salansanin ang mga gamit ko. Nagawa ko namang makuha ang mga gamit ko bago pa man dumating ang mga bisita ni Tito Arnulfo. Paalis na ako sa may garden nang makita ko ang magkakasunod na pagpasok ng mga sasakyan sa garahe. Shit! Narito na pala sila. Tamang-tama, paalis na ako at naghahanda naman na sina Nana Mameng at Ate Rosa ng mga meryenda sa mahabang lamesa. Kaagad akong pumasok sa kabahayan at aakyat na sana ako sa ikalawang palapag nang matigilan ako. Nakita ko si Tito Arnulfo na may kausap na pala sa sala at mukhang kanina pa dumating ang ilan sa mga bisita niya. Marami ang nakaupo sa napakalawak na sofa. Puro mga naka-business suit, nakasuot pa ng shades ang iba at ang iba naman ay may suot pang sumbrero. Puro mga bigating tao yata dahil English at Italian ang naririnig kong lenggwahe na ginagamit nila. Hindi ko nga masundan ang sinasabi nila dahil bukod sa malalim ang mga ginagamit nilang salita, may mga salita rin silang ginagamit na mukhang pang business term lang talaga. Itutuloy ko na sana ang paghakbang pataas sa hagdan nang matigilan ako. Pakiramdam ko may nakamasid sa akin at matamang pinag-aaralan ang aking kabuuan. Kaagad kong nahanap kung sino sa mga bisita ito ni Tito Arnulfo at halos kapusin ako ng hininga nang makita ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Prente siyang nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro at nakapahinga ang dalawa niyang mahabang braso sa headrest ng sofa. Tila isa siyang don na solong nakaupo roon habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang mga kausap. Sino kaya ito? Parang pamilyar ang awra niya sa akin. Matangkad at malaki ang katawan ng lalaki. Maputi at halatang may nakakaakit na itsura kung aalisin lang niya ang sumbrero at shades niya sa mata. Tingin ko malakas din ang kanyang dating dahil parang kinakapos ako ng hininga sa pagtitig ko lang sa kanya. Hindi lang iyon, naaamoy ko rin ang nagsusumigaw na yaman at class sa kanyang awra. I know he is rich, kita ko ang makapal na gintong kwintas sa leeg niya at isang makinang na diamond earring sa kaliwa niyang tainga. Ito kaya ang master ni Tito Arnulfo? Mukhang siya nga dahil parang maamong tupa si Tito Arnulfo kung kausapin ang lalaking tinititigan ko. Natigil ako sa pagsipat sa kabuuan ng lalaki nang bigla itong humalakhak. Nagising tuloy ako sa aking ginagawa at takot na nagpatuloy sa pag-akyat at hiyang-hiya na tumalilis paalis doon. Shit! Nakakahiya. Napatagal ang titig ko. Malamang, iba na ang tumatakbo sa isipan ng lalaki. Baka iniisip niya na may batang nag-s-swoon sa kanyang itsura. Oh baka naman iniisip ng lalaki na pinagpapantasyahan ko siya. Oh my gosh! Bakit kasi ako natulala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD