EPISODE 14 PATRICIA SOBRANG SARAP sa pakiramdam na boyfriend mo ang isang Kyle Bryan Hernandez. Dahil pinayagan na ako ni Kyle na pumunta sa party ng kaibigan ko, naghanda na ako sa aking susuotin at siya naman ay naghihintay sa akin sa labas. Walang problema kay Kyle kapag gumimik ako dahil doon niya naman ako nakilala sa mga gimik ko—hindi ko alam kung saan niya iyon nalaman pero baka sa mga kakilala ko, o hindi naman kay Aira. Mahirap naman kung pagbabawalan ako ni Kyle dahil kapag nangyari iyon ay magdadabog talaga ako at mag-aaway lang kaming dalawa at maisipan ko sa huli na makipaghiwalay sa kanya dahil sinasakal niya ako. Hindi naman ako pini-pressure ni Kyle at sinusuportahan niya ako sa lahat ng mga ginagawa ko—siyempre iyon pa ring mga ikakabuti sa akin. Kyle is a supportive