Jarrah's Pov: Eksaktong isang oras at sampung minuto ang nakalipas nang matapos ang pangatlong misa sa araw na ito. Linggo at kahit alas nueve na ng umaga nagsimula ang ikatlong misa rito sa malaking simbahan ng La Consolacion ay madami pa ring mga taong nagsimba. Mas madami nga lang iyong mga teenager na halata namang ginawa lang dahilan ang pagsisimba para makagala o kaya ay para makipagkita sa kani-kanilang ka-date. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan mula rito sa loob ng simbahan ang mga kabataang malapit sa puno ng Kaimito. May kalayuan ako sa kanila pero malinaw kong nakikita ang paghaharutan ng mga kabataang nandoon. Nakalabas na ng simbahan ang halos lahat ng dumalo sa ikatlong misa. Iilan na lang ang natitira rito sa loob ng simbahan kabilang na ang pamilya namin. Kasa