Chapter 7- The Keeper

1026 Words

Jarrah's Pov: Sa sobrang gulat, ang nagawa ko na lang ay pumihit para tingnan kung ano ang natapakan at mabilis din akong napaatras nang makitang hindi lang isang malambot na bagay iyon— tao iyon, isang lalaki na hindi ko na napansin sa sobrang pagkamangha ko sa magandang tanawin. Nakaawang ang mga labi na sinundan ko ang pagkilos ng lalaki. Mula sa marahan n'yang pagmasahe sa binti n'ya na mukhang natapakan ko, hanggang sa pagsandal n'ya sa katawan ng tore. Nakakunot ang noong tiningala n'ya ako. Nakabusangot ang mukha n'ya pero sa halip na inis ay kuryusidad ang nakita ko sa kanyang bilugang mga mata. Ito ang unang beses na nakakita ako ng pares ng mga matang katulad ng sa kanya. Hindi iyon kulay itim o brown, nagtatalo sa kulay grey ang kulay ng kanyang mga mata at sigurado akong h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD