Gusto ko sanang magbantay sa labas ng school ni Lonzo para susunduin ko na lang siya mamaya kaya lang may meeting pa ako. Malapit lang naman ang school at bahay namin kaya naglakad na lang ako pauwi. Pagdating ko sa bahay ay tahimik at malinis na ulit. Malaman ay natutulog na si Chia sa kwarto nila ulit kaya ako naman ang pumasok sa kwarto namin ng anak ko para kunin yung laptop. Ilang oras din akong tumambay sa labas ng school ni Lonzo para kung may kailanganin siya. Sa salas ko sinetup yung laptop ko, mayroon na rin akong invitation for group meeting. Pumasok na ako sa link, wala pa naman masyadong tao kaya nag-off cam ako at mute muna. Habang naghihintay ay binuksan ko na muna yung mga e-mail na pumasok sa akin. Binuksan ko ang isang e-mail ni Val sa akin. ASSIGNMENT ang file name n