Nanlalamig at nanginginig ang kamay ko ng bumaba ako ng taxi. Maaga pa ako para sa oras ng pagkikita namin ni Youseff Cervantes. Halos hindi nga ako makatulog kagabi sa sobrang kaba. Pabiling-biling ako sa higaan hanggang sa pwersahin ko ang sarili kong makatulog. Ayoko naman kasing humarap sa kanya na mukha akong panda. Pero hindi ko kasi talaga maiwasan na hindi kabahan lalo na at makakaharap ko siya. I'm going to meet the father of my child! Pero hindi naman niya alam iyo—kaya lang hindi ko talaga maiwasang hindi kabahan. Hindi pwedeng hindi. I breathe out a sigh when I stood in front of Shangri-La hotel. I'm wearing a black three-fourths button down na binagayan ko lang ng white na fitted slacks ko. Sinigurado ko na mukha akong kagalang-galang at hindi mababahiran ng kaba ang mukh