"Salamat po. Balik po kayo ulit." nakangiting paalam ko sa huling costumer ko ngayong araw.
Bente kwatro oras na akong walang tulog kaya mukha na siguro akong zombie sa harap ng mga pumapasok sa convience store.
Tinanggal ko kaagad ang suot kong vest na may tatak ng convience store na pinapasukan ko. Nakaantabay na kasi si Jill sa gilid na ngiting-ngiti habang may katext. Kung hindi ko lang kaibigan ito at hindi ako papayag na irelyebo siya sa shift niya kahapon.
Hinampas ko sa dibdib niya ang vest ko para malaman naman niya na tapos na ako para sa araw na ito.
"Aray naman, mars. Dahan-dahan naman sa boobs ko, wala na ngang laman yan e," reklamo pa nito sa akin sabay balik sa akin ulit ng vest ko.
"Thank you rin naman. Inaantok na ako kaya eendorse ko na yung inventory tsaka cashier." Hindi ko na inintindi pa yung reklamo niya. Gusto ko na lang talaga umuwi at makakuha kahit limang oras na tulog.
Pinaliwanag ko sa kanya yung mga ginawa ko sa dalawang shift na kinuha ko. Tango naman siya nang tango habang nakikinig sa akin. Ewan ko lang kung nakikinig nga ba talaga. Wala na rin akong pakialam gusto ko lang na matulog na.
"Mars wag ka malelate later ah. 8pm BGC! See you!" pahabol pa ni Jill paglabas ko ng staff room.
Kumaway na lang ako sa kanya na kunwari ay naintidihan ko yung sinabi niya pero ang totoo inaantok na talaga ako.
Literal na bente kwatro oras na akong dilat at walang maayos na kain. Buti nga nakayanan ko pa.
Pinara ko kaagad ang jeep na may biyaheng San Mar. Malapit kasi sa university kung saan nag-aaral si Charise at Chester kami nakatira. Sila muna ang prayoridad ko na mag-aral bago ako kahit ako ang panganay.
Si Charise ay second year sa kursong Education tapos ang kakambal nito na si Chester ay 2nd year din sa kursing Engineering naman. Si Chaia ay Grade 8 habang si Chio ay grade 6. Apat ang kapatid ko na dapat kong pag-aralin kaya mas mabuting ako na ang magsakripisyo kaysa sila ang tumigil sa pag-aaral.
Pagkatapos kong magbayad ay pinikit ko muna ang mata ko. Aabutin naman kasi ng 30 minuto ang biyahe ko mula Tayuman papuntang San Mar sa Maynila. Swertehan na kung maluwag ang biyahe.
Labindalawang oras ang naging shift ko sa 7-11 kagabi tapos tatlong oras naman sa tutor ko na malapit din sa shop, tapos 8 oras naman sa department store sa malapit na mall sa Tayuman, tapos isang oras para sa pagkain at paglalakd papunta sa pinagtatrabahuhan. Inuubos ko ang oras ko para sa pagtatrabaho, nakakapagod man pero alam kong maganda naman ang napupuntahan ng sinasahod ko.
Kung hindi lang sa kalabit ng driver ay hindi ko malalaman na nasa SM Manila na ako. Bumaba ako doon at nilakad na lang hanggang sa tinutuluyan naming apartment. Wala pa masyadong tao dahil tanghaling tapat pa lang. Bumili na lang ako ng lechon manok sa nadaraanan kong tindahan.
Antok na antok na talaga ako kaya pinipilit ko na lang na idilat ang mata ko hanggang makarating ako sa bahay. Nasa hilera naman kami ng mga karinderya sa San Mar kaya lang baka nagsasawa na yung mga kapatid ko sa ulam doon. Hindi ko naman sila magawang ipagluto dahil sa trabaho ko.
Katulad ng inaasahan ko ay wala na ang mga kapatid ko. Nilagay ko na lang sa ibabaw ng mesa ang ulam na binili ko, tinakpan ko na lang iyon.
Malinis naman ang bahay dahil hindi naman sila ganun kakalat at tsaka baka naglinis na rin si Charise bago pumasok. Mabilis akong nagpalit ng damit, naghilamos na lang ako pagkatapos magpunas. Hindi ko na talaga kayang maligo.
Pero bago ako matulog ay tinignan ko na muna ang cellphone ko kung may text si Val. May gig kasi sila na binigay sa akin.
From Val:
Mars, 8pm yung gig mo! Sunduin kita sa harap ng SM around 6pm. Sabi ni Jill kauuwi mo lang, tulog well! Ako na bahala sa damit mo later.
Hindi na ako nag-reply dahil wala na talaga akong lakas na sagutin iyon. Pinikit ko na lang ang mata ko pagkatapos kong magset ng alarm ng alas-singko ng hapon. Alas-onse pa lang naman kaya mahaba pa ang pwede kong itulog.
Nakatulog naman ako at sobrang himbing nun. Mabuti na lang at ginising pa ako ni Chio na mukhang kararating lang sa school.
"Ate, yung alarm mo po." yugyog niya sa akin.
Minulat ko ang mata ko at nakita ngang tunog nang tunog ang cellphone ko. Agad kong inabot iyon at inoff iyon.
Lumabas din siya ng kwarto pagkakita na gising na ako. Pupungas-pungas pa ako hanggang sa makalabas ng kwarto. "Mga kapatid mo?" tanong ko.
"Si Ate Charise may kukunin daw pong book bind sa likod ng T.U.P, si Kuya Ches may bibilhin daw po sa SM, si Ate Chia may practice daw po para sa battle of the band." sunod-sunod na imporma niya sa akin.
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan. Hindi ko na sila mahihintay. "Aalis pa ako. May binili na akong manok diyan. Painit mo na lang sa dalawa para may makain kayo mamaya. Magsasaing na ako pero bantayan mo." sabi ko sa kanya.
Tumango naman ito bago sumalampak sa sahig at pinagpatuloy ang ginagawang pag-aaral. Hindi pa ito nakakabihis kaya malamang ay kauuwi lang nito.
Running for Valedictorian si Chio at nakapasa naman siya sa Manila Science High School na malapit sa bahay. Si Chia ay sa Araullo High School naman. Si Charise ay sa Philippine Normal University nag-aaral habang sa Technological University of the Philippines naman si Chester.
Maswerte na rin ako sa mga kapatid ko dahil alam kong nakikita nila at alam nila na naghihirap ako para sa kanila. Dahil maaga kaming naging ulila ay kinailangan kong magpakatatag bilang ate nila. Ang tunay naming ama ay isang American citizen, naging asawa niya ang nanay namin na dati niya lang na kasambahay. Nagdesisyon sila na dito na lang manirahan sa Pilipinas.
Masaya naman ang pamumuhay namin sa Pampanga kaya lang nagkaroon ng sakit si Daddy noon na naging dahilan ng kamatayan niya, hindi naman nakayanan ni Mommy kaya sumunod siya. Maalwa ang pamumuhay namin noon kaya lang mula ng nawala silang dalawa ya doon naglabasan ang mga utang na mayroon ang pamilya namin. Lahat ng naipundar nila ay nawala ng parang bula.
Limang taon lang nun si Chio, Walo naman si Chia, at parehong dose anyos pa lang ang kambal na si Charise at Chester nun. Kinse ayos pa lang ako noon pero ako na ang naging ina ng mga kapatid ko.