5

3031 Words
"Ayaw mo bang magsabi kay Val at CC? Sigurado ako na pahihiramin—" "Huwag na Jill. Andami ko ng utang doon sa dalawa." Pagputol ko sa ibang sasabihin niya sa akin. Nagkita kami kasi nabalitaan niya mula kay Chester yung nangyari kay Chio. Napakadaldal din talaga ng kapatid ko na iyon. Ayoko na nga sana ipaalam sa mga kaibigan ko dahil tiyak na hindi ako titigilan ng mga iyon. Katulad ni Jill ngayon. "Pahiramin na lang kita. Bayaran mo kahit kailan---" Tumayo ako at umiling sa kanya. "Trabaho ang kailangan ko, Jill. Baka may alam ka naman. Papasukin ko kahit ano basta't may panggastos lang kami ng mga kapatid ko dito sa ospital," pakiusap ko sa kanya. Bumunong hininga siya sa akin bago tumayo at tumango rin. "May raket ako pero itatanong ko muna doon sa organizer kung kailangan pa ng isang tao. Ikaw agad irerekomenda ko kapag nagkataon. Malalaman mo yung sagot sa akin pwedeng mamaya o bukas." Kahit ano na lang na trabaho ay papasukin ko na muna para sa kapatid ko. Ilang araw pa ang stay niya sa ospital dahil inoobserbahan kung mamamaga pa yung utak niya o hindi na. Wala pang dalawang araw ay nasa singkwenta mil na ang kailangan kong bayaran. Yung sinahod ko sa pagkanta ay naibayad ko na sa ospital. Kulang pa. Hindi naman ako pwedeng mag-advance sa sahod sa mga pinapasukan ko dahil na sa kontrata iyon. Wala na talaga akong malapitan. Hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pera. Yung pinalunan nga ni Chia na limang libo sa battle of the bands ay naibayad na rin namin. Sina Chester at Charise naman ang nag-aasikaso ng paglapit sa mga pulitiko. "Pero eto..." Humugot si Jill ng envelope sa bag niya. "Kunin mo muna ito. Kapag hindi mo kinuha ito ay sasabihin ko kina Val at CC ang nangyayari sa'yo." Aniya sa akin. Napatingin naman ako sa envelope na binigay niya sa akin. I bite my lower lip while taking the envelope from her. "Intayin mo tawag ko ah. Puntahan ko kaagad after duty yung organizer." Tumango ako sa kanya bago yumakap. "Maraming salamat Jill. Tatanawin ko na malaking utang na loob ito," Sabi ko sa kanya. Tinapik niya lang yung likod ko bago ako hinarap. "Gaga. Para saan pa at magkaibigan tayong dalawa? Basta intayin mo tawag ko. Tamang-tama at medyo malaki ang bayad doon." Kailangan kong umasa na sana ay matanggap ako sa trabahong iyon. Gustong-gusto ko talaga na magtrabaho para maibayad sa ospital. Pagkatapos umalis ni Jill ay binalikan ko naman si Chio. Sa ward lang kami kaya lang mahal din ang gastos sa ward. Wala namang Philhealth ang kapatid ko. Mababawas sana pa naman iyon. Hindi ko naman sila beneficiary dahil hindi ko naman sila anak. Nakangiting mukha ni Chio ang nasalubong ko. Si Chia ay nakaupo sa isa sa mga silya na naroon at nanginginain ng mansanas. Si Chester naman ay may exam ngayon kay si Charise ang nag-aasikaso ng mga kailangang dokumento para makahingi ng tulong sa mga pulitiko. "Ate...kailan po tayo lalabas? Makakauwi na po ba ako ngayon? Malakas naman na ako tsaka ayoko na dito sa ospital." Sunod-sunod na sabi ni Chio sa akin. Napailing naman si Chia dito. "Kanina pa yan, ate. Ganyan nang ganyan. Hindi ko nga alam kung may nakasulat ba na 'doctor' sign sa noo ko." Anito bago kumagat ulit ng mansanas. Nilingon naman ni Chio si Chia bago ito lumabi at nilingon ako. "Pumapasok ako, ate. May sasalihan pa akong quiz bee sa susunod na linggo. Kailangan ko pong mag-review pa." sabi niya sa akin. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa tabi niya at niyakap siya. "Kailangan ka pa kasing obserbahan, Chio. Pupuntahan naman ni Ate Charise mo yung school mo to inform about your condition. Huwag kang mag-alala kaya ang dapat na focus mo sa ngayon ay ang magpagaling. Iyon ang dapat mong gawin." Paliwanag ko sa kanya. Lumabi naman siya at tinignan ako. "Sorry, ate. Hindi ko naman po gustong magkasakit." Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya. Wala namang may gustong mangyari ito. Alam ko rin na ayaw na ayaw ni Chio na mayroon siyang nararamdaman na kakaiba sa katawan niya. Alam ko naman na malalagpasan namin ito. Pinagpahinga ko na lang ulit si Chio pagkatapos ay pinauwi ko naman si Chia para makapahinga rin. Ayaw pa ng asana niya dahil malamig daw sa ospital at mas gusto raw niya yung amoy ng ospital. Nakakatulog naman ako kahit papaano. Tuwing gabi naman ay si Chester ang bantay ni Chio lalo na at nagpupuyat din naman si Chester sa kaka-review. "Ma'am?" Nagising ako sa isang marahang pagyugyog sa balikat ko. Agad kong dinilat ang mata ko at laking gulat na yung doctor ni Chio ang naroon. "Doc!" Napatayo ako at sinulyapan si Chio na natutulog naman. "Pwede po ba tayong mag-usap? Inform ko lang po sana kayo tungkol sa kalagayan ng kapatid niyo po." Sabi niya sa ain. Tumango naman agad ako at sumunod sa doctor palabas ng ward. "Kumusta po ang kapatid ko?" tanong ko sa kanya. She smiled at me, "Maayos naman na po ang kalagayan niya. Unti-unti na rin naman pong nawawala yung swelling ng utak niya. Dalawang araw na lang po ang kailangan niyang i-stay dito sa ospital dahil may mga medications pa rin na kailangan i-inject sa kanya. But overall, his conditions are improving." Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko. Gusto kong maiyak sa paliwanag niya na magaling na yung kapatid ko. "Maraming salamat po, doc. Maraming maraming salamat po." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, "Trabaho po naming ito, ma'am. Let's just continue to pray n asana ay bumuti pa po ang lagay ni Chio." Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko sa kanya. That's all I can do right now. Ang magdasal at ipanalangin na bumuti pa ang lagay ng kapatid ko. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay tsaka ko inisip yung magiging gastos na kailangan namin. Mamaya ko pa hihingin yung bill para sa araw namin na ito. Wala pa roon yung gastos sa doctor na tumitingin kay Chio. Bahala na siguro kung paano ko kukunin ang mga iyon. Pagdating ni Chester ay inabot na niya sa akin yung running bill para sa araw na ito. Nanlaki ang mata ko pagkabasa ko sa bill namin. "Sixty-seven thousand pesos?" tanong ko sa kanya. Para naman akong nanlambot sa pagkakabasa ng halaga na naroon. "Paano gagawin natin ate? Twenty thousand pa lang ang hawak natin. Wala pa rin naman pinapadalang tulong yung mga pulitiko." Nag-aalalang sabi niya sa akin. Inabot ko sa kanya ang envelope na bigay ni Jill sa akin. "Ten thousand yan. Bigay ng ate Jill mo." sabi ko sa kanya. Siya kasi ang pinaghawak ko ng pera na nakukuha namin. Mas kaya kasing mag-budget ni Chester at alam niya kung kailan maglalabas ng pera. "Thirty thousand, ate. Kukulangin pa rin tayo lalo na at dalawang araw pa si Chio dito sa ospital." Dagdag pa niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Ayoko naman na mag-alala na rin yung kapatid ko dito. Ako ang panganay kaya ako ang dapat na nag-iintindi sa mga gagastusin namin. Tinapik ko siya sa balikat, "Gagawa ako ng paraan. Huwag kang mag-alala." Pagpapakalma ko sa kanya. "Huwag mo na lang sabihin kay Chio ito. Dapat ang focus niya ngayon ay ang pagpapagaling niya." Tumango naman si Chester sa akin. Pero sa totoo lang ay nababahala talaga ako sa gagastusin namin. Hindi ko talaga alam kung paano ko kukunin ang ipambabayad sa ospital. Ayoko naman sabihan si Val lalo na at nakakahiya na sa tao. Andami ko ng utang sa kanya gayundin kay CC. KInagabihan ay nakatangap ako ng tawag mula kay Jill. Hulog ng langit ang pagtawag niya kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin pa pag nagkataon. "Mare, pumayag yung organizer kaya lang hindi ko alam kung bet mo. Puntahan kita ngayon sa ospital. Malapit na ako. Intayin mo ko sa lobby ah." Anito sa akin bago ibaba ang tawag. Nilingon ko si Chester na nakatingin naman sa akin. "Dito ka muna. Babalik din ako agad." Sabi ko sa kanya bago siya iniwan. Dire-diretso akong nagpunta sa lobby ng ospital. Kahit anong trabaho papasukin ko. Hindi pwedeng hindi. Kapakanan ng mga kapatid ko ang nakasalalay sa lahat ng iyon. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago ko nakita si Jill na dumating. Lumapit siya kaagad sa akin. "Sa kotse tayo mag-usap para private." Aniya. Tumango naman ako sa kanya bago sumunod. "Anong trabaho ba? Kahit ano Jill tatanggapin ko. Malaking bagay na rin kasi iyon—" Pero pinutol ni Jill ang iba ko pang sasabihin "Dancer sa isang bachelor's party. Ayos lang sa'yo?" diretsang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at animo'y may bumundol na kaba sa dibdib ko pagkasabi niya. I swallowed hard while looking at her, still waiting for some elaborations on her part. "Bachelor's party iyon, Ayla. Hindi mo tipo iyon pero eto sinasabi ko sa'yo. VIP ang mga clients nung organizer na kakilala ko. Napag-tripan ko na lang din dahil alam mo naman ako...Pero iba ito, Ayla." Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya. Kinakabahan man ay alam ko na rin ang papasukin ko dahil para naman ito sa mga kapatid ko. "S...sasayaw lang naman di ba? Wala naman silang ibang gagawin sa atin di ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin bago tinignan ang paa ko. Pinatanggal ko na yung cast nito kahapon para hindi ako mahirapang kumilos. "Maayos na ako, Jill. Kailangan ko talaga itong trabaho na ito ngayon." Inabot ko pa ang kamay niya at hinawakan siya. Nag-angat ng tingin sa akin si Jill, "Sige...sikreto na muna natin itong dalawa. Pero bukas ng gabi ang party. Susunduin kita sa bahay niyo bukas. Kahit yung kambal na lang muna ang pagbantayin mo dito sa ospital. Tiba-tiba ang sasahurin mo doon, Ayla." Aniya pa sa akin. Tumango ako bago inilayo ang kamay ko sa kanya. "Ano pang kailangan kong gawin? Kailangan ba ng damit?" Wala naman din kasi akong ideya sa gagawin ko na ito. Kung hindi lang talaga para sa pagbabayad ko sa ospital ay hindi ako papasok sa ganitong sitwasyon. Kahit anong trabaho naman ay kaya kong gawin pero nasa hulihan ng listahan ko ang gagawin ko bukas ng gabi. Wala iyon sa plano ko. Hindi ko naging plano kahit kailan. Napakagat labi si Jill habang nakatingin sa akin. "Hindi blouse and short ang isusuot natin bukas, Ayla. Underwear lang." Halos pabulong niyang sabi sa akin. Naramdaman ko ang pagkalat ng lamig sa buong katawan ko sa sinabi niya. Gusto kong mag-back out agad pero hindi pwede! Parang may bara ang lalamunan ko habang nakatingin sa kanya, "M...makikita ba nila yung mukha natin?" tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin bilang sagot, "May maskara tayo na isusuot. Iyon ang tanging privacy na maibibigay ni madam sa atin bukas." Kinagat ko ang labi ko bago tumango sa kanya. Wala na. Narito na ako sa sitwasyon na ito. Para sa kapakanan ng mga kapatid ko ay gagawin ko ito. "Kung pwede ka ngayong gabi, samahan mo ko. Kailangan natin magpa-wax." Sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Para saan?" tanong ko sa kanya. "Para bukas. Gusto ni Madam na shave tayo kaya pumayag ka na. Ako na ang gagastos para sa'yo. Isipin mo na lang na paghahanda natin ito para bukas." Aniya pa sa akin. Napapailing ako sa kanya habang nakatingin. Alam ko naman na adventurous si Jill pero hindi ko naman akalain na aabot sa ganito ang pagiging adventurous niya. Hindi na ako hinintay ni Jill na pumayag bagkus ay nag-drive na ito papunta sa pinakamalapit na mall. Nag-text na lang ako kay Chester na sumama ako kay Jill at bibili na lang ako ng hapunan niya pagbalik ko. "Basta gigiling lang tayo bukas tapos instant one hundred thousand na iyon, mare. Kung ikaw pa ang magiging surprise gift sa bachelor additional fifty thousand." Kwento niya sa akin. "Anong surprise gift?" tanong ko sa kanya. "Yung lalabas sa box habang kumekembot tapos lalapit ka doon sa groom-to-be. Ganun." Paliwanag niya sa akin. "Ilang beses mo na bang nagawa iyon?" tanong ko. Sandali siyang nag-isip bago pinark ang sasakyan, "Pangatlo ko na ito. Dalawa hanggang tatlong oras lang naman iyon, mare. Tsaka sinisigurado ni madam na hindi tayo mababastos kahit kabastos-bastos ang damit natin." Nauna siyang bumaba ng sasakyan bago ako sumunod. Wala na akong imik na sumunod sa kanya. Kahit hindi ako maging surprise gift o kung anuman iyon, ayos na ang one hundred thousand na bayad. Hahanap na lang siguro ako ng iba pang mahihiraman para ipangtapal sa magiging kakulangan sa gagastusin sa ospital. "Welcome to Sugar Bee. May I know your name, ma'am?" tanong sa amin ng staff. "Jill Baltazar, tapos may additional na tao ako for today. Ayos lang?" tanong ni Jill dito. Nakangiting tumango naman yung babae sa amin, "Yes, ma'am. Same treatment like yours lang po ba tayo for her?" Tumango naman yung staff sa amin. Hindi ko alam kung anong treatment ang sinasabi nila pero si Jill naman ang magbabayad kaya sige na lang din ako. Binigyan kami ng form na kailangan daw naming sagutan kaya iyon yung ginawa ko. Sinulat ko ang pangalan ko pati na rin ang edad ko. Wala naman ibang kliyente kaya kami agad ang sinalang. "Ma'am, relax lang po ah." Sabi sa akin ng staff. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko maliban sa pagtanggal ng panty. "Spread your legs, ma'am. Huwag po kayong mahiya sa akin dahil babae rin naman po ako." Dagdag pa niya. Iyon nga ang nakakahiya. Pero hinugot ko na lang ang lahat ng confidence na pwedeng makuha ko para matapos na ito. Halos mapasigaw ako sa ginawang pag-wax sa akin. Unang beses ko pa naman kaya sobrang sakit, idagdag pa yung mga pwestong sinasabi sa akin ng babae. Kahit daanin niya ako sa kwento ay hindi ko maiwasang hindi mahiya. Nasa tatlumpong minuto lang naman ang tinagal ng treatment, paglabas ko ay nararamdaman ko ang hapdi sa pagitan ng hita ko gayundin yung mga balahibo na pinawax sa braso at binti ko. Mabuti na lang at hindi na rin kinailangan sa kili-kili ko dahil wala namang tumutubo na balahibo doon. Nag-aabang na si Jill sa akin sa waiting area. Nakangiti siya sa akin at mukhang fresh na fresh. Ang bilis naman niya matapos. "Ang tagal mo, mare. Pumalag ka noh?" nakangising tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya bago siya sinamaan ng tingin, "Masakit kaya." "Sus...sa una lang iyan. Feeling baby ang down there mo kapag clean ka." Aniya sa akin. Hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil nagbayad na rin siya. Gusto pa nga sana niya na magpunta pa kaming salon kaya lang tinanggihan ko na siya. Kailangan ko pang bumalik sa ospital lalo na at baka naghihintay si Chester sa akin. "Aayusan naman tayo bukas di ba? Tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango siya sa akin. "Oo naman. Tsaka okay na rin yan. Masyado ka ng pretty para magpaayos pa." dagdag pa niya sa akin. Dumaan muna kami sa Jollibee para makabili ng pagkain ni Chester at Chio. Gusto nga sana niyang bilhan si Chia at Charise pero umayaw na ako lalo na at baka hindi naman mapuntahan nung dalawa rin. Hinatid na rin ako ni Jill sa ospital pagkaraan. Hindi naman nagtaka si Chester kung saan ako galing since alam naman niya na si Jill ang kasama ko. "Umuwi ka na muna. Ako na magbabantay dito. Bukas ng gabi ka na lang dito at may trabaho ako." Kaswal na sabi ko sa kapatid ko. "Saan naman ate?" tanong niya sa akin habang isinusukbit ang bag sa balikat. "Sa kakilala ng ate Jill mo." Tumango na lang siya sa akin bago ako iniwanan. Tulog naman si Chio, mainam na rin iyon para makabawi siya ng lakas at makapagpahinga. Kailangan naman niya kasing magpahinga talaga. Halos hindi ako makatulog hanggang kinabukasan. Maaga lang na pumunta si Charise sa ospital dahil siya raw ang magbabantay muna habang si Chester ang lumalakad sa isang kilalang pulitiko. "Magpahinga ka muna sa bahay, ate. Sinabi na rin naman ni Chester sa akin aalis ka raw mamayang gabi. Kami na muna bahala dito." Paninigurado niya sa akin. Tumango ako sa kanya bago tinapunan ng tingin si Chio. "Bukas na ako babalik ah. Discharge ka na rin naman bukas kaya ang kailangan mong gawin ay magpalakas ha?" Nakangiting sabi ko sa kanya. "Opo, ate." Maligayang sagot naman niya sa akin. Excited na rin ito na umuwi sa bahay lalo na at hindi siya sanay na nasa ospital. Wala naman sa mga kapatid ko ang sanay na madala sa ganitong klaseng lugar. Dumaan muna ako sa doctor ni Chio bago rin ako umuwi kailangan kong malaman kung ayos na ba talaga siya. "Yes, ma'am. No need to worry. Maayos na rin naman po ang vital signs ng kapatid ninyo at nagpapakita siya ng improvement sa mga gamot na pumapasok sa kanya. He'll undergo for one more CT scan later this day and then kapag ayos na po ang lahat. You can discharge him around noon tomorrow." Nakangiting paliwanag niya sa akin. "May mga gamot na kailangan pa rin po bang inumin yung kapatid ko?" tanong ko sa kanya. Tinignan nito ang hawak na clip board bago tumango sa akin. "Antibiotics lang naman po na good for seven days ang kailangan niyang inumin. Other than that ay wala na po." Tumango ako sa kanya. "Maraming salamat po talaga, doc. Kayo na po bahala sa kapatid ko. Tawagan niyo lang po ako kapag may problema po." Nagpaalam na rin ako na uuwi. Naglakad na lang ako hanggang bahay dahil kailangan kong maging matipid sa mga inilalabas kong pera. Halos kalahating oras din ang nilakad ko bago nakarating sa bahay. Wala na si Chia sa bahay pag-uwi ko, malamang ay nasa practice iyon ng banda nila lalo na at may sasalihan na naman itong contest. Naglinis na lang ako ng bahay bago ako nagdesisyon na magpahinga. Para sa mga kapatid ko naman ang gagawin ko. Para sa kanilang apat iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD